"Hi miss hottie! one scotch on the rock please".sabi ng isa sa mga customer namin sa bar.ito yong isa kong trabaho dahil malaki naman ang kita dito.pagkalista ay umalis ako kaagad doon minsan kasi may pagkabastos ang ilan sa mga customers akala siguro lahat na nagtatrabaho doon ay puro mga bayaran.
" Bakit parang pasan mo ata ang buong daigdig Dianne?" Tanong ni mark sa akin. Kasamahan ko ito dito sa bar at isa din itong waiter.kasalukuyan kaming nakaupo sa tabi habang naghihintay na may mag order na customers.
" inataki kasi ulit ang itay sa sakit nito at kailangan na itong operahan sa lalong madaling panahon".hinaing ko dito.
"Kaya pala kanina ko pa napansin na problemadong-problema ka at mukhang kailangan mo ng malaking pera,alam mo sa trabaho nating ito matagal ka talagang makaka-ipon.pwera nalang kung tatanggap ka ng customer kagaya ng ginagawa ng iba nating kasamahan dito na---".
" waiter!".
tinawag na ito kaya di na natuloy ang iba pa nitong sasabihin sana.Napa isip naman ako sa sinabi nito pero parang hindi ko talaga Kayang gawin ang mga ginagawa nila."Dianne paki kuha naman ng order ng table number two inutusan ko kasi na mag kuha sa iba si bettina".wika ng manager namin lumabas na ito sa opisina dahil nakita siguro nitong sobrang busy ang lahat kaya tumulong na ito.tumango ako dito.dahil wala naman akong choice kaya lumakad na ako papuntang table number two upang kuhanin ang order ng mga ito,nasa upper deck ang table na iyon kung saan overlooking ang view ng dagat at medyo private iyon kumpara sa ibang tables.bawat table ay may mga nakatabing na kurtina na kung saan ay di makikita ang tao sa loob maliban nalang kung papasok ka.bitbit ang menu ay pumasok na ako doon.pagkapasok ay nakita ko ang isang napakagandang babaeng ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. na tantiya ko ay nasa late twenties at may kasama itong lalaki ngunit nakatalikod ito kaya di ko makita ang mukha nito.
"Good morning ma'am, sir may I have your order please".nakangiti kong bati sa kanila,at ngumiti din ang babae sa akin.habang nakatalikod parin ang lalaki sa akin inabot ko ang menu doon sa magandang babae at inabot naman nito sa lalaki ang isa.
Nakatayo lang ako habang inaantay ang order ng mga ito.
"Can I have unrolled crepe with strawberry and whip cream and also buttered cafe freddo".order nong magandang babae matapos nitong tingnan ang menu.at inabot na nito sa akin ang menu booklet.
" Sure ma'am ".wika ko dito.habang nililista ang order nito.
" I want this eggs Benedict and cafe americano".sabi naman nong lalaki napatingin ito sa direksiyon ko upang iabot sa akin ang menu booklet.pagkatapos ko naman ilista iyon ay dali dali kong inabot iyon ng mapatingin ako sa mukha nito ay napaawang ang labi ko.dahil kilalang kilala ko ang lalaking walang iba kundi si sir Paul. Kaya pala habang nakatalikod ito ay parang pamilyar na pamilyar ang bulto niyon yon pala ay siya nga iyon.takte! naman oh! Kung saan yong taong ayaw mo ng makita at yon pa ang Panay mong makatagpo.'ahm ayan ka na naman sa ayaw mo siya makita ang sabihin mo sabik na sabik ka sa kanya kamu!'sigaw ng isipan ko.
"Hindi noh" napalakas kong sabi.
"Huh?Dianne?so it was really you? Akala ko guni-guni ko lang yong nakita kita sa labas ng restroom, dito kana pala nagtatrabaho".
"Ah eh hehe wala po sir,at opo dito na po ako nagtatrabaho".sagot ko dito pinagpawisan ako doon ah.
" you two know each other?"nagtatakang tanong nong magandang kasama ni sir Paul.
"Yeah she used to work on us before". Sagot nito.kaya its my cue na to leave.
"Excuse me I have to go get your order now ma'am, sir,". Dali-dali na akong umalis doon.
BINABASA MO ANG
My Pervert Boss
RomanceNag kagusto si Dianne sa kanyang among lalaki ngunit may asawa na ito. Pero kahit na alam niyang Mali ay pinagpatuloy parin nito ang kahibangan sa among lalaki. Even though how hard she tried to stop herself from ogling him still she keep on doing...