chapter nineteen----phone call

6.6K 112 28
                                    

"Please get in" rinig kong sabi ni ma'am Rebecca.bitbit ang isang tray na may mainit na sopas pumasok ako ng may pag iingat.nakahiga si ma'am Rebecca habang ang kaibigan naman nito ay nakaupo sa tabi nito.kanina lang ay dikit na dikit sila sa isa't isa.

"Ito na po ang pinaluto nyo ma'am Rebecca ilalagay ko nalang po dito sa side table".sabi ko pagkatapos tunguhin ang side table kung saan ko nilagay ang sopas nito at ang isang basong tubig.

"OK salamat Dianne". Nakangiti nitong sabi samantalang kanina halos ipagtabuyan ako nito na lumabas sa kwarto nito.tsssk iba din ang tama ng babaeng to eh no?!

Bumangon na ito at akmang kukunin ang sopas sa table ng kuhanin iyon ng lalaki at ito mismo ang sumubo doon kay ma'am Rebecca. Napa ka sweet naman! Daig pa ang mag asawa ah! Hindi ba nila alam na nandito pa ako! di man lang sila nag alala na baka mag sumbong ako kay sir Paul.

Paano ka magsusumbong kung kayong dalawa ni sir Paul mo mismo ay may ginagawa ding milagro! Maaatim mo bang magkahiwalay ang mag asawa dahil sayo?pangungunsinsiya ng isipan ko sa akin.
Syempre ayoko.sagot ko naman sa kabilang bahagi ng isip ko.

" you can leave now Dianne"tumango nalang ako sa sinabi nito at lumabas na ng kwarto.







"Dianne sino ang dumating?" Tanong ni ma'am Rebecca sa akin pagkapasok ko sa loob.

"Ah yung nangungulekta lang po ng mga basura ma'am". Sagot ko naman sa tanong nito.Narinig siguro nito na may nag doorbell kanina.tatlong araw na ang nakalipas Simula ng dumating ito galing cebu.pumasok ulit ito sa kwarto pagkatapos kong sabihin yon.





" Bakit po bihis na bihis ata kayo ma'am may party po ba kayong dadaluhan?".tanong ko dito ng paglabas ng kwarto ay bihis na bihis ito.kaya pala nag tanong ito kanina kung sino ang dumating.iksakto namang tumunog ang doorbell.pagbukas ko ay yong nakangiting mukha ng lalaking katrabaho ni ma'am ang nasa labas,pinapasok ko naman ito.teka ano nga ang pangalan nito?.

"Renzo!" Sambit ni ma'am Rebecca ng mapagsino ang dumating.Renzo pala ang pangalan niya.bagay naman sa kanya at bagay naman sila ni ma'am Rebecca at bagay naman kami ni sir Paul. Chaaaaar..hehehe hay hanggang pangarap lang ata ako.kailan kaya darating yong Mr.right ko yong mahal ko at mahal ako??.yong tipong kamukha din at kasing hot at sexy ni sir Paul na kahit katawan palang ay ulam na.haaaayyy assumerang froggy lang Dianne?.Dianne!

"Dianne!! Lumilipad na naman yang isipan mo kanina pa kita kinakausap di ka sumasagot para kang timang na panay ang ngiti diyan".Sigaw ni ma'am Rebecca sa akin.akala ko sa isipan ko lang yong may tumatawag sa akin yon pala si ma'am Rebecca.

"Ay sorry po ma'am ano po yon?"sabi ko ng makabawi galing sa pag d-daydreaming ko.at nag peace sign.

" sabi ko aalis na kami huwag mo na akong hintayin at baka late na kaming makauwi".nakakunot noo nitong sabi.nag ala angry bird tuloy mukha niya.

"OK po ma'am ingat po kayo".may ngiting peke, kong sabi sa kanya.



Nagpapahinga na ako ng tumunog ang telepono sa labas dali daling lumabas ako ng room ko upang sagutin ang tawag.

" Hello dornan residence, who's on the line please?".sabi ko pagka angat ng awditibo.

"Hello Dianne si sir Paul mo ito". Pagpapakilala nito sa sarili.kahit na unang banggit palang ng salita nito kanina ay kilalang kilala ko na ang baritonong boses nito na sobra kong na miss.

" Ah,ikaw po pala sir Paul napatawag po kayo sir?".pagsasabi ko nalang dito.

"Hindi ko kasi matawagan ang cp ni ma'am Rebecca mo andiyan ba siya ngayon sa bahay?" Pagtatanong nito sa diretsong Tagalog na pananalita.

"Ay wala po siya dito sir Paul,may party po siyang dinaluhan." Pagbigay alam ko dito.

"Ah is that so,I miss you!". Napakabog bigla ang dibdib ko sa sinabi nito,kaya Hindi kaagad ako nakapagsalita. omg!!!! Na miss ako ni sir Paul!!!

" sorry Dianne, I--i mean pakisabi kay ma'am Rebecca mo, na miss ko na siya at paki tawagan ako pagdating niya".
bwisit pa asa ka naman sir eh.akala ko totoo na,damn pa asa ka sir!! pa asa!

"Ahm sige po sir Paul sasabihin ko bye po sir!"at dali dali ko ng ibinaba ang awditibo.kahit na may sinasabi pa ito nag akto nalang akong di ko narinig iyon.buti nga! Di ko binagsak eh pa asa ba naman!.

Ang sakit pala sa pakiramdam na akala mo ikaw yong sinabihan ng na miss ka ng taong mahal mo.but it turn out na Hindi pala ikaw yong taong sinabihan shit! Parang nadudurog ata ang puso ko. Mas mabuti pa sigurong itulog ko nalang ito.






Naalimpungatan ako ng tumunog ang alarm clock ko sinet ko talaga ito ng two a.m. para mailock ko ang mga pintuan.sigurado akong dumating na si ma'am Rebecca Hindi naman siguro ito nag overnight doon, kasi sabi niya late lang siyang darating.lumabas na ako ng kwarto ko at tinungo ang front door para e lock iyon.

Biglang nanayo ang mga balahibo ko ng makarinig ako ng mahihinang ungol.na Hindi ko alam Kong saan nanggaling at ng Marinig ulit iyon ay sinundan ko kung saan nanggaling.baka kasi may masamang loob na nakapasok sa loob ng bahay.





#thank you again for the votes especially to you guys: MDYlazaro,prettywild06,rj2810,
Sagubayemely,MhajBolivar,
reignGianne24. :) xoxo :*

And also to you:
EnelynAbella,gellerebadonia,
MechelleDiolola,laarniabante,
ellehcrej23,DadaFerreras,
RosenilaCarias,ShemmaSapitula and jennylindpalamos. :) xoxo

#salamuch for following my profile JaniceAmen and MhajBolivar :) :*

#Cuddling literally kills depression, relieves anxiety and strengthens the immune system.

Kaya yakap2x din pag may time guys. :) :D

My Pervert BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon