"MISS!"
Dere-deretso sa paglalakad si Rysia pabalik sa building nila. Building ng mga estudyanteng may sariling mundo. In short, art students. Tamad na tamad kasi siya sa kanyang buhay kaya naisipang magliwaliw sa ibang panig ng unibersidad.
"Miss!" Isa pang tawag.
Oo nga at babae siya, pero hindi lang naman siya ang babaeng nakakalat sa buong paligid. Kaya hindi din siya sigurado kung siya ba ang tinatawag ng kung sino, base sa lakas ng boses ay malapit na sa kanya.
Ah! Sige na nga. Lingunin na nga lang niya. At sa paglingon ni Rysia, gusto niyang sampalin ang sarili. Sana kanina pa siya lumingon. Sana kanina pa siya nakapagpiyesta sa guwapong nilalang na tumatakbo palapit sa kanya.
"Miss..." humihingal na sabi ng guwapong nilalang matapos makalapit sa kanya.
Para itong anghel sa kaputian ng suot nito. Ah, hindi, para itong lalaking hinugot mula sa angkan ng mga diyos at diyosa mula sa Mt. Olympus. Hindi na kataka-taka kung bakit wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang tumunganga.
"I think it's yours."
Hindi pa din kumikilos si Rysia mula sa pagkakatunganga sa guwapong lalaki. Ikinaaaliw kasi niya ang pagkibot ng pares ng mapupulang labi nito. Ang paghahabulan ng maliliit na butil ng pawis sa noo nito. Sana naging pawis na lang siya, 'no? Para magagawa niya ding maglakbay sa guwapong mukha ng...
"Miss?!"
Napapitlag si Rysia nang magtaas na ng boses ang lalaki. Akala yata nito, bingi siya.
Shet!
Minus points na kaagad sa kanyang kagandahan.
"Oh, sorry. Ano nga..."
Nahinto siya sa sasabihin nang mapansin na iniaabot nito sa kanya ang Armando Caruso niyang panyo na punong-puno ng sulat ng marker. Dala ng kabagutan sa buhay, habang nakasalampak siya sa ilalim ng puno ng acacia, doon sa freedom park ng unibersidad, napagtrip-an ni Rysia na sulatan ng marker ang kanyang panyo. Kung anu-ano lang namang detalye patungkol sa sarili ang isinulat niya roon. Pantanggal antok. Hindi niya namalayan na naiwan niya pala.
At talagang inihabol pa sa kanya ng guwapong nilalang na ito ang panyo? Pero... Nakakahiya na ang hitsura niyon. Nagmukha na kasing basahan dahil sa tinta ng marker.
O baka nga iniisip nito na kailangan niya ng basahan?
"Ah, hindi 'yan sa 'kin." Naisip niyang itanggi.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya, ngayon niya gustong itanggi ang mga ginagawang kabaliwan.
Siyempre, ayaw niyang ma-turn off ang guwapong ito na ang pangalan ay... Matthew Zane San Victorio.
Sheems! Ang sosyal naman ng pangalan nito, na pasimple niyang nasulyapan sa nameplate sa kaliwang dibdib. Nakahirit pa siya sa kung anong course nito. He was from College of Medicine.
Hindi masyadong malayo roon ang building ng mga ito.
"It's not yours? So, hindi ikaw si..." Lumipad ang mga mata nito sa kanyang ID na nakabuyangyang pala sa harapan ng lalaki. "Rysia Grays Motin?" Sunod nitong iniladlad sa harapan niya ang panyong mau makalat na marker. "Fine Arts, 18 yearsold, single..." Binaybay nito ang lahat ng nakasulat sa panyo at gusto na lang niyang mapahiya. "0927456--"
Pabigla niyang hinablot ang hawak nitong panyo at pabasta na lang isinuksok sa kanyang bag.
"Oo na. Ako na nga ang may-ari nito." Nahihiyang pag-amin ni Rysia. "Ang galing mo ha? Memorize mo agad ang lahat ng nakasulat," napapasimangot na sabi niya.
Pero totoo din na impressed siya at nagawa agad nitong i-memorize. O marunong itong magbasa maski nakabaligtad?
Sa kanya kasi nakaharap ang sinulatan na panyo. Reverse part ang nasa harap nito pero nagawa nitong baybayin nang maayos.
"Siyempre, henyo ako, eh," sabi naman ni Matthew na sinabayan ng ngiti.
Lalo nang nahulog ang puso niya sa lalaki. Bukod sa guwapo na ito, amoy mabango at sosyal, hindi din pricey ang ngiti nito. Ngiting nakaka-gulaman ng puso.
Sheeet! May kras na ako!
"Ayoko ng makalat kaya ibinalik ko talaga sa 'yo 'yan. Next time, ha? Baunin mo 'yong kalat mo kapag aalis ka na dito sa area namin." pagkasabi noon ay nilayasan na siya ni Matthew.
Dapat ay nabubwisit siya sa kaarogantehan ng lalaki. Pero masyado kasi itong guwapo, pati na ang ngiti nito. Salubungin lang niya ang mga mata ni Matthew, nakakalimutan na niya ang mundo. Sa palagay nga niya, kahit sigawan pa siya nito ay hindi siya maiinis man lang sa lalaki.
"Kras ko na nga siya! Maitawag nga kay Becky!"
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...