CHAPTER 17
AGAD na lumayo sa nakaawang na pinto ng silid si Matthew nang maramdaman na papalabas na sina Rysia at Linster.
He couldn't help but feel the fiery anger storming inside him pagkarinig na pagkarinig sa usapan ng nasa loob. It was confirmed na si Linster pala ang tinutukoy ng bata at naipagkamali sa kanya kahapon. At bakit Tito Ninong? Hindi ba alam ng bata na si Linster ang ama nito?
"That asshole son of a bitch!" mahinang tungayaw niya.
Bakit ang gulo yata? Bakit hindi alam ng bata? Bakit inililihim ng dalawa ang relasyon ng mga ito?
"Pero secret pa din po muna natin na love mo siya, habang hindi ka pa niya love. She's going to love you soon."
Sumasakit ang ulo ni Matthew kapag naaalala ang sinabing iyon ni Lukan. Hindi mahal ni Rysia si Linster pero may anak ang mga ito? Paano nangyari? Limang taon na ang dumaan, puwedeng baka nagbago lang ang damdamin ni Rysia. Na-fall out?
Nah! Hindi ba may bipolar disorder si Rysia? Effect pa rin ba iyon? Nagpapabago-bago ba ang damdamin ni Rysia dahil doon?
Ah! Nahihirapan siyang intindihin ang mga ito. Ano ang mayroon at ganito ang circumstances ng mga ito? Parang ang gulo. Hindi niya maintindihan.
At gusto na naman niyang mayamot. Siya dapat iyon. Siya dapat ang kasama ng mag-ina sa mga ganitong pagkakataon. Siya dapat ang nag-aalaga sa mga ito. Siya dapat ang umaalalay kay Rysia whenever she was feeling down and depressed just like this. Siya dapat ang ama ng anak nito.
But he knew things would never be like what he was hoping for.
Sa limang taon na dumaan, marami na ang nagbago. And things had gotten worse. Dati, bago siya umalis, ayaw lang siya nitong makita pero ngayon, bukod sa ayaw siya nitong makita ay takot sa presensiya niya. Nakikita niya iyon habang nakatitig sa mga mata nito. As though she wanted to make a bolt for it.
Bakit?!
Pero ang mas higit na nakakagulo sa kanyang isip ay ang galit at sakit sa mga mata nito, unang paghaharap nila sa emergency room. At kahit nga kahapon nang magkaroon sila ng confrontation.
Hah! He couldn't believe this. Ito pa ang galit samantalang ang laki ng atraso nito sa kanya. Pinagtaksilan siya nito. At nagbunga ang kataksilang iyon. He wanted to hate his face dahil kahawig niya ang taong kinaiinisan niya. Kahawig din niya ang batang nagpapalambot sa puso niya kahit pa nga anong pigil niya.
Anong klaseng torture ba itong ibinibigay ng langit sa kanya? At wala na ba itong katapusan?
"Ang sama mo, Rysia. Ang lupit mo!" Puno ng hinanakit ang mahina niyang boses habang pinapanood sina Linster at Rysia na naglalakad palapit sa elevator. "Ano ba'ng ginawa ko sa 'yo para gawin mo sa akin ang lahat ng ito? Para saktan mo ako ng ganito katindi?"
Ni hindi niya namalayan ang pag-agos na naman ng masaganang luha sa kanyang pisngi. Masakit pa rin. Kahit naikondisyon na niya ang sarili na puwedeng makita niyang magkasama ang dalawa, hindi pa rin niya napigilan ang damdamin na sobra-sobrang nasasaktan.
"DON'T you find it odd?"
Napalingon si Matthew kay Zoe. Nasa cafeteria sila ng ospital. Dalawang araw na magmula ng ma-discharge ang anak ni Rysia. At hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto niyang makita ang bata. Gusto niyang masilip. Kumustahin kung okay na ba talaga ito. Kung hindi na ba talaga ito nilagnat o ano?
Sa huling pagsilip niya sa bata, gising iyon at titig na titig sa kanya, pagkapasok pa lang niya. Hindi niya din mapigilang salubungin ang mga mata ng inosenteng bata. May gumagalaw kasi sa loob niya habang ginagawa iyon. Na para bang kilala niya ang mga matang iyon. Na para bang kilala ng damdamin niya ang bata. Na ang gaan-gaan ng loob niya rito. Hindi niya maintindihan kung bakit!
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...