"PST! Beckya!"
Hindi lumilingon si Becky kaya nilapitan na ito ni Rysia. Kasalukuyan kasing nagwawalis ang kaibigan sa pathway ng Lover's Lane. At nakita naman niyang paparating si Matthew. Ewan ba kung bakit iyon napadpad roon. Sigurado siyang wala itong babae ngayon. Puspusan yata sa pag-aaral kaya hindi nambababae.
Oo, alam din niya na mahilig sa babae si Matthew. Pero mga hindi naman nagtatagal kaya hindi na din siya nababahala. At kapag siya na ang naka-entra sa puso nito, sisiguraduhin niyang wala na itong kawala sa mga galamay niya.
Anyways...
"Rebecca Dalisay!" Kinalabit na niya ang braso ng kaibigan.
Ah, oo nga pala. Tinanggap na ni Becky ang suggestion niyang subukang mag-apply sa maintenance ng university nila. Susubukan daw nito ng isang buwan. Kapag nagustuhan nito, e'di go!
At oo, sa condo na din niya pinatuloy ang kaibigan tutal wala naman itong matutuluyan doon. Nasa probinsya ang pamilya nito at todo tipid para malaki ang pera na maiuuwi.
"Ano na naman? Nagtatrabaho ako. Kapag nakita akong nakikipagtsismisan ng supervisor ko, baka masesante ako, agad-agad!"
"Hep! Mamaya ka na magreklamo. Malapit na si Matthew." Halos matarantang bulong niya sa kaibigan.
"O, tapos?"
"Itulak mo ako." Nagmamadaling bulong niya sa kaibigan. Malapit na kasi si Matthew. Isang dipa na lang. Baka hindi sumakto
"Ha?"
"Itulak mo ako kapag malapit--"
Itinulak nga siya ni Becky maski takang-taka ang kaibigan. Pero wala pa si Matthew sa tapat nila kaya bumalik ulit siya sa pwesto niya.
"Gagah! Kapag nasa tapat ko na."
"Okay." sabay tulak ulit sa kanya.
Palibhasa sanay sa mabibigat na gawain kaya malakas ang pwersa ni Becky. Malakas din ang pagkakatulak sa kanya. At kasabay niyang humagis ang librong hawak, papunta kay Matthew. Ganoon na lang ang takot ni Rysia nang makitang dumeretso sa guwapong mukha ng binata ang makapal niyang libro. Baka mapingasan ang kagwapuhan nito, patay na talaga siya!
"Naku, Matthew, sorry. Sorry!"
Hindi siya magkandaugaga kung paanong sisipatin ang mukha nito. Kung nasaktan ba ito. O galit ba ito? Sa kanya ba o sa libro?
Ako dapat 'yong tumilapon papunta kay Matty ko eh! Mali-mali naman ang tantiya ni Beckya!
Speaking of Becky.
Ayon! Parang walang nangyari na itinuloy ang pagwawalis.
"Okay na ako, Miss." seryosong sabi nito.
Pero panay pa din ang haplos ni Rysia sa pisngi ni Matthew na natamaan ng libro. Kawawa naman kasi ang kagwapuhan nito. Namula na ang pisngi.
"Sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya." paulit-ulit niyang sabi.
"Okay na nga ako, Rysia."
Nahinto siya sa paghaplos sa pisngi ni Matthew. At lumipad ang mga mata sa mata nitong nakatitig din sa kanya. Sa pagkagulantang pa ng puso ni Rysia ay bigla na naman itong ngumiti.
"K-Kilala mo ako?" kandautal na tanong niya.
"Yes, ikaw 'yong Fine Arts student na nagkalat sa area namin, three years ago, 'di ba? Ikaw din 'yong palaging present sa mga gig ko sa The Hub. At madalas ka ding tumambay sa area namin na mga medicine students"
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomantikRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...