Chapter 13

10.2K 301 4
                                    

CHAPTER 13

Five years later...

"ALIN ang gusto mo, 'nak?" bulong ni Rysia sa apat na taong gulang na anak na si Lukan habang karga ito at nagtitingin sa menu ng fastfood.

Agad naman nitong itinuro ang fried chicken.

"Tsaka sundae, Mama. 'Yong chocolate. Gusto ko din ng fries."

Nakangiting tumango siya saka ito ibinaba.

"Okay, baby. Ayaw mo na ng may toy na meal?" tanong niyang nakayuko na rito para magpantay ang mukha nila.

"Kakadala lang ni Tito Ninong sa 'kin ng toy no'ng kanina."

Natawa siya sa sinabi ng anak. Wala itong ibang alam sabihin na oras kundi kanina. Kahit noong isang araw pa nangyari ang sinasabi nito, kanina pa din ang timeline.

"Oo nga. Ang daming nangyari kanina, 'no?" natatawang sabi niya sa anak at hinagkan sa pisngi.

Humagikhik naman si Lukan.
"Do'n ka na kay Ninang. Oorder lang si Mama."

Mabilis na nagtatakbo si Lukan papunta sa tabi ng ninang Becky nito na nakakuha na ng pwesto. Inihatid naman niya ng tingin ang anak. Mahirap na at baka saan pa magsuot. Pero as much as possible, hinahayaan niya itong mag-explore sa mga pinupuntahan nila. Para iyon sa pag-build up din ng character ng bata.

Kakagaling lamang nila sa La Mesa Eco Park kung saan nag-service sila para sa prenup shoot ng mga kliyente niya. Bago umuwi ay dumaan na muna sila sa Fairview Terraces kung saan sila kumakain ngayon.

"Oy, libre mo ito, ah! Baka mamaya ibawas mo sa ibibigay mo sa aking suweldo!" sabi pa ni Becky bago lantakan ang pagkain na in-order nila sa isang fast food chain.

"Oo na! Nanigurado ka pa talaga!" Inirapan niya ang kaibigan.

Ito na din ang tumatayong pangalawang ina ni Lukan. Lalo na kapag ganitong may mga raket siya.

Sa awa ng Diyos, nalagpasan niya ang another critical stage ng buhay niya. Kamuntik siyang magka-relapse sa kanyang bipolar disorder dahil sa pag-iwan sa kanya ni Matthew. Mas matagal ang atake ng depression. Dahil sa kondisyon ng utak niya, nahirapan siyang magbuntis. Nag-undergo siya ng electroconvulsive therapy o ECT dahil ayon sa mga espesiyalista niya, iyon ang pinaka-safe na treatment para sa bipolar disorder kapag buntis ang pasyente. Pero nagkaroon na rin ng epekto kay Lukan ang mga nauna niyang ininom na medication. Nang ipanganak niya ito, mahina ang puso ni Lukan.

Hindi na talaga lumapit pa si Matthew sa kanya matapos ang nangyari sa SVMC. Nagpapakipot lang naman siya noon. Masama lang ang loob niya kaya niya nasabi ang mga 'yon sa binata. Sino ba ang hindi sasama ang loob kung malaman mo na hindi ka priority? Pero makailang araw na mahimasmasan na siya ng tuluyan, gusto na ulit niyang magpakatanga at bumalik kay Matthew. Kahit hindi na siya kasama sa future plan nito, okay lang. Maghihintay pa din siya. Hihintayin niya kung kailan siya magiging importante para sa binata. Baka naman kasi magbago din ang priorities nito sa pagdaan ng panahon.

Oo. Naisip niya ang katangahan na iyon. Para lang madismaya at malaman kay Linster na hindi nito hinintay ang result ng medical board exam at nagpa-book agad ng flight si Matthew papuntang Spain. Vacation lang. Iyong araw na malaman niya ang tungkol doon, iyon din araw na paalis si Matthew. At hindi na niya ito inabutan maski pa pinaharurot na ni Linster ang sasakyan nito.

Halos mabaliw siya sa pag-iyak at paglulupasay sa departure. Kung hindi lang siya pinilit ni Linster na umuwi na, hindi pa siya uuwi.

Naghintay siya. Naghintay sa pagbabalik ni Matthew at umaasang bakasyon nga lang ang pakay nito sa Spain. Pero nalaman na lang niyang nag-a-apply for work na doon si Matthew. Lumabas ang result ng medical board exam na hindi ito bumalik at doon na nag-residency. Lahat ng iyon, si Linster ang nag-u-update sa kanya. Kahit ayaw nitong magbigay ng information dahil nasasaktan lang siya palagi sa mga nalalaman, hindi niya ito tinitigilan hanggang magkwento na nga ito.

San Victorio Doctors 1: Almost (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon