CHAPTER 8
"RYSIA!"
Hindi pinansin ni Rysia ang pagtawag ni Matthew sa kanya. Dapit-hapon na kaya hindi na masakit sa balat ang araw kaya isinagawa na niya ang kanyang balak. Ang manghuli ng jellyfish. Masyado kasi siyang naaaliw sa mga iyon. Buong buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng totoong jellyfish. Wala naman kasing jellyfish sa Bulacan. At hindi din siya basta nakakasama sa mga get away ng mga kaklase. Wala lang. Ayaw niya lang sumama. Paano, mga maarte at ipokrita ang mga kaklase niya. Tsaka, isa pa, ayaw niyang makipagkaibigan sa mga nakaka-stress na tao. Meron din namang mga kaklase na neutral lang at mababait sa kanya. Pero sadya yatang mahirap para sa kanya ang basta makipagkaibigan.
Ewan.
Hindi niya din alam kung bakit. Basta ang alam niya, ang mga kaklase niya, grouped na agad. Wala siyang mahanap na kasing wavelength niya maliban kay Becky na well, bukod sa Bestfriend niya, talagang swak sa ugali niya.
"Rysia, ano ba 'yang ginagawa mo?" tanong ni Matthew nang makalapit na.
"Sshh! 'Wag kang maingay. Mag-a-ala-SpongeBob ako ngayon."
"Ha?"
Kahit hindi niya ito tingnan, alam niyang nangungunot ang noo ng binata. Nag-pokus naman siya sa ginagawa. 'Yong bote ng tubig, 1.5-liter na soft drink, pinatagpas niya ang unahan. Saka niya inalis ang takip. Para sa tuwing ilulubog niya sa tubig, tatagos pa din ang tubig.
"Ayon!" tili niya nang may ma-spot-an na jellyfish. Ang bilis-bilis naman kasing lumangoy kaya halos magtatakbo siya.
"What the heck!?" Dinig ni Rysia ang pagmumura ni Matthew pero hindi na niya ito pinansin. "Rysia, tigilan mo na 'yan! Makakati ang mga jellyfish!" sigaw nito sa kanya na hindi na umalis sa kinatatayuan.
"'Yaan mo na! Cute naman sila." pasigaw na sagot niya kay Matthew.
"Damn!"
"Yes! Nakahuli na ako! Nakahuli na ako." tuwang-tuwang sigaw ng dalaga habang tumatakbo pabalik kay Matthew.
"Aw!" May naramdaman siyang parang mainit na baga na dumampi sa kanyang paa. At parang may tumutusok-tusok, pero inignora niya dahil masyado pa siyang tuwang-tuwa sa nahuli na jellyfish.
"Ano'ng balak mo diyan?" salubong ang kilay ni Matthew habang nakatingin sa kanya.
Nakangiting tiningala naman niya ito. Sumalampak siya sa buhanginan at inilagay ang jellyfish sa kalahati ng 1.5 Coke bottle. Iyon iyong lower part ng bote na ipinanghuli niya ng jellyfish. Nilagyan na niya ng tubig kanina bago manghuli para standby na ang lalagyan.
"Wala naman. Gusto ko lang siyang panoodin," sabi niya na tiningnan na nga ang jellyfish na nasa bote. "Bakit kulay white 'yan? Akala ko ba, pink ang jellyfish?"
"Pink? Aba, malay ko?"
Napatingin ito sa binti niya na kinakamot na pala niya ng hindi namamalayan.
Agad sumalampak si Matthew sa tabi niya.
"Ang cute niya, ano? Totoo ba na may kuryente sila--Aww!"
Nakaramdam na naman siya ng mahapdi na makati at tumutusok sa kanyang binti. At kaya pala hindi sumasagot si Matthew, may iba itong pinagkakaabalahan. Hinablot nito ang kamay niyang nagkakamot sa binti.
"Stop scratching! Lalo 'yang mai-irritate. At saan mo nakuha ang sugat na 'yan?"
"Ha?" Na-curious na tiningnan na din niya ang binti. Pero hindi naman sa may binti siya may sugat kundi sa may gilid ng paa. "Ewan ko. Baka kanina no'ng pagpasok-pasok natin sa may batuhan do'n sa dulo," hindi siguradong sabi niya.
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...