MUKHANG hindi na naman matutuloy ang island hopping. Nakatanggap kasi ng tawag si Matthew mula sa pinsan niyang si Zoe.
"You have to come. It was still a family meeting."
"An emergency family meeting." pagtatama niya. Dahil biglaan ang pagpapatawag sa kanilang magpipinsan.
No'ng isang araw lang sila nag-meeting at may meeting na naman? Ano ang pag-uusapan? Ang tungkol na naman sa achievements ng half-brother niya sa eskwelahan na pinasukan nito? Na palagi itong on call sa duty sa mga kliyente nitong mga gangster naman.
Tss. Isinusumpa niya. Kapag nandoon sa meeting si Linster o nabanggit ito ng mga oldies, lalayas talaga siya."Still, you should come."
"Darn! I'm in a vacation."
Gusto niyang magalit sa signal. Sa unang araw nang pagtapak niya sa isla, halos walang signal. Tapos ngayong nag-eenjoy na siya, biglang nakontak siya ng pinsan.
"Hindi kita i-u-update about family meeting. Bahala kang walang alam. Sasabihan ko din sina Hugh, Erin at Zeph. E 'di bahala kang magulat kung anuman ang importanteng announcement ni Lolo."
Fvck!
"Fine! Fine! I'll be there."
Halos nakikita na niyang maligaya si Zoe at na-accomplish nito ang task niya base sa pagtawa sa kabilang linya.
"Iba ka. Iba ka talaga, Zoe." asar na aniya habang humahalakhak ang pinsan.
"Gano'n talaga ang magaganda. Magaling mag-convince. You know that. Kaya nga ako ang inutusan ni Lolo na tawagan ka."
"Tss. Anong koneksiyon ng maganda sa pagkumbinsi sa akin na um-attend ng meeting?" kunot-noong tanong niya.
"Ang hard mo talaga sa 'kin, Matt. I hate you."
Natawa siya. Siguradong nagpa-pout na ito ngayon. He knew how cute Zoe can be kapag ganoon na ang tono nito.
"Mag-girlfriend ka na nga para lagi kang light mood."
"I have. Well... almost." Bigla ang pasok ng imahe ni Rysia sa kanyang utak.
Napalingon tuloy siya sa loob ng cottage, mula sa tapat ng bintana. Tulog na tulog si Rysia. Nakalatag sa kama ang hubad na katawan na kinumutan lang niya bago lumabas para sagutin ang tawag ni Zoe.
He smiled to himself. She was really beautiful. Breathlessly beautiful. At ang kagandahang iyon ay muling nabilad sa mga mata niya nang bahagyang kumilos ang dalaga sa pagkakatulog. Bumaba tuloy ang kumot sa hanggang gitna ng malulusog na dibdib nito. His eyes was ravishing the beautiful scenery right before his eyes. Instant na nabuhay ang kanyang pagkatao. Flaming desire constantly flooding his veins. At ano pa ang bago? Rysia have that kind of powerful effects in him.
"What? Almost? Duh?" Panay ang buntong-hininga ni Zoe sa kabilang linya. "What I am saying is a serious girlfriend. 'Yong tipo na bubuhayin ang eagerness mo na patunayang may forever. 'Yong tipo na hindi mo na ico-consider ang sarili mo na humanap ng kapalit niya sa future. That she is already perfect, you don't want and need anyone but her."
Exactly.
Gusto niyang sabihin na ang lahat ng sinabi nito ay akma sa mga nararamdaman niya ngayon. Muli niyang binalingan si Rysia. Kapag sinabi niya iyon sa pinsan, magiging eager itong makilala si Rysia para mahatulan. Napaka-perfectionist at pintasera kasi ni Zoe.
Hindi naman sa natatakot siyang mapintasan ng pinsan si Rysia, na imposibleng may makitang kapintas-pintas sa pisikal na anyo ng dalaga, pero kasi, nagsisimula palang sila ni Rysia. Gusto muna niyang ienjoy ang mayroon sila ng dalaga bago mag-intrude ang kahit sino sa mga San Victorio.
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...