CHAPTER 4
NAGISING si Rysia sa maingay na pagwawala ng doorbell. Napabangon tuloy siya. Sino ba itong gunggong na balak pa yatang sirain ang doorbell niya?
Ah! Baka 'yong mga bata sa katabing unit. Makukulit ang mga 'yon pero nakakatuwa naman.
Bumalik si Rysia sa paghiga. Masama talaga ang pakiramdam niya. Parang binibiyak ang ulo niya dahil sa lagnat at sipon. Pero kapag naaalala niya ang mga ganap sa kanila ni Matthew kahapon, nakakalimutan na niya ang iniinda. Sulit na sulit naman kasi naka-tsansing siya sa binata. Inihatid pa siya nito pauwi. Hindi niya 'yon ini-expect dahil ang balak niya ay magpa-cute lang. Salamat talaga sa ulan. Sana umulan ulit kapag pumasok na siya sa school.
Kaya naman niyang pumasok maski may lagnat at sipon. Gusto niyang pumasok kasi gusto niya ulit makita si Matthew. Kailangan niyang makita ang kanyang vitamins.
Pero itong si Becky, kulang na lang itali siya sa kama o i-padlock sa unit niya, 'wag lang siyang makaalis.
"Tigil-tigilan mo muna 'yang kabaliwan mo sa Matthew na iyon. Kahit isang araw lang. Hindi magugunaw ang mundo kung di mo man siya makita sa buong 24hours."
Kung alam lang ni Becky, si Matthew lang ang kumukompleto ng buong 24 hours niya.
Muli na namang nag-ingay ang walanghiyang doorbell. Napilitan na tuloy siyang bumangon. Baka nga talagang may tao sa labas. Itinawag siguro ni Becky sa Mama na may sakit siya.
"Ang Beckyang 'yon talaga. Nasabi ko nang 'wag nang sasabihin." bubulong-bulong na reklamo niya sa sarili.
Magmula nang maka-adapt siya sa pag-i-independent living, ipinasya niyang hindi na masyadong abalahin ang ina kung hindi sobra-sobrang importante. As in matter of life and death.
Tutal hindi naman iyon pumapalya sa pagsustento sa mga bills niya at allowance. Mukhang doon ibinabawi ng ina ang lahat ng kakulangan nito sa kanya. At okay na din. Kahit malungkot mag-isa, masaya naman siya kapag nakikita si Matthew.
"Sandali lang!" sigaw niya sa kung sinong nanggagahasa sa kanyang doorbell. Pumitik ang kanyang sintido pero pinilit niyang balewalain.
Kapag 'yong mga bata talaga sa kabila, pagkukukutusan niya ng very very light.
"Ano bang--"
Natigil sa tangkang pagwa-warla si Rysia nang bumungad sa kanya ang isang kamila-milagrong tagpo.
Isang guwapong nilalang na hulog ng langit pero puno ng pag-aalala ang mga mata ang bumungad sa kanya. Dumeretso ang isang palad nito sa noo at leeg niya.
Gusto niyang himatayin sa mga bisig nito. Para makatsansing ulit.
Oh, shit!
Napatakip siya ng mukha gamit ang dalawang kamay.
"Bakit nandito ka? Ni hindi man lang ako nakapaghilamos! Nakakahiya ang hitsura ko." Mangiyakngiyak na reklamo ni Rysia sa bagong dating.
Isang tawa ang narinig niya bago nito marahang inalis ang mga kamay niya na nakatakip sa mukha.
"Nilalagnat ka daw, sabi ng kaibigan mong janitress. Ang init mo nga."
Ikaw nga diyan ang super hottie eh!
"Si Becky?"
Alanganing tumango ito.
Ang babaeng 'yon! Hindi man lang siya inabisuhang may surprise medicine palang papupuntahin sa unit niya.
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...