CHAPTER 5

11.8K 335 22
                                    


"SHIT! Ang haba ng buhok mong luka-luka ka."

Nagsalubong ang mga kilay ni Rysia sa narinig sa kaibigang si Becky. Kanina pa siyang gising at inabutan pa din niya ang pinakamamahal niyang vitamins na nasa tabi niya. Punong-puno ng relief ang guwapong mukha habang nakabantay sa kanya.

Pero agad din nagpaalam nang pumasok sa loob si Becky, dala ang mga gamit niya. May trangkaso daw siya, sabi ng doktor. May nangingilalim siyang lagnat na 'di niya lang pinapansin at nang mabasa ng ulan, saka tuluyang lumala. Idagdag pa na palagi din naman siyang pagod sa eskwela.

Anyway, hindi naman niya iniintindi ang pagod kapag nandiyan na si Matthew. Pakiramdam niya, hindi niya kilala ang salitang "pagod" kapag nakita niya ang binata.

"Bakit?"

"Anong bakit?" Nakataas ang kilay pero nanginginang ang mga mata na baling ni Becky sa kanya. Sumugod ito sa gilid ng hospital bed. "Mukhang nagbubunga na ang pagtiya-tiyaga mo, bes."

Hindi niya ito maintindihan at mukhang gets iyon ni Becky. Tinampal siya nito sa braso.

"Una,hah? Hinahanap ka niya sa campus. Nang malaman na may sakit ka, aba! Kumaripas ba naman ng takbo papunta sa 'yo? At ayan nga! Siya na ang nagdala sa 'yo sa ospital. Magbebente-kwatro oras ka na niyang binabantayan habang nagdedeliryo at kung anu-anong pinagsasasabi. Ni hindi siya tumayo para umalis sa tabi mo. Para bang sinisigurado na siya lang ang makakarinig ng lahat ng 'yon."

Nangislap na naman ang mga mata ni Becky pagkuway malapad na ngumiti sa kanya. Naguluhan naman si Rysia.

"Ano bang mga pinagsasabi ko habang nagdedeliryo?"

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Becky.

"Huwag mo nang itanong. Baka ibaon mo ang sarili mo sa lupa. Alam ko naman na sa 'kin mo lang sinasabi ang mga kabaliwan mo sa guwapong lalaking 'yon."

Parang sumalang sa bucket challenge si Rysia. Pinanlamigan siya ng mga himaymay at pabiglang inabot ang braso ng kaibigan.

"H-Huwag mong sabihing..."

"Oo! Paulit-ulit mong sinasabi na mahal mo siya. Na siya lang ang nag-iisang lalaki na minahal mo mula freshie ka pa. Na nafu-frustrate ka na kasi grad-waiting na kayo at di ka pa din niya pinapansin. At alam mo ba, kung hindi ba naman isang loko-loko 'yang Matthew na 'yan. Pinapatulan lahat ng sinasabi mo. Sinasagot lahat ng tanong mo eh alam na nagdedeliryo ka."

Binitawan niya si Becky at naitago ang mukha sa mga palad. Parang tinatakasan siya ng kanyang talino at ayaw nang i-process ng kanyang utak ang mga sinasabi ni Becky.

Ano pang mukha ang ihaharap niya kay Matthew. Oo nga at papansin din siya. Minsan, nakikisigaw siya ng "I love you" sa mga gig nito. At totoo naman ang tatlong salita na 'yon. Galing 'yon sa kaloob-looban ng kanyang puso. Pero hindi pa niya nagawa na harapan at direktang sabihin sa binata ang kanyang damdamin. Malakas lang ang loob niya kapag kasama siya ng magulong crowd.

"Mukhang masayang-masaya ang loko nang umalis, ah?" dagdag pa ni Becky. "Hoy! Anong arte 'yan?" Hinablot nito ang kanyang braso.

"Ano'ng gagawin ko, Beckya?! Hindi na ako makakapasok sa school nito." Frustrated na sambit niya.

"At bakit?"

"E' kasi nga! Alam na niya. Baka umiwas 'yon sa 'kin. Katapusan na ng babago palang naming pagkakalapit."

"Gagah!" singhal nito sa kanya. "Nasa mukha ba ni Matthew ang iiwas? Kung ayaw niya sa nalaman niya, dapat, kagabi ka pa niya iniwan sa 'kin? Kita mo at siya ang nagprisinta na magbabantay sa 'yo dito sa ospital. Ngayon na lang daw ako bumalik. 'Buti linggo ngayon. Wala akong trabaho. Pero raraket pa din ako ng mga paninda ko sa mga nurse dito. Mukhang mga yayamanin ang mga empleyado dito e." Hagikhik si Becky.

San Victorio Doctors 1: Almost (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon