...
CHAPTER 14
"THERE you are. Akala ko, wala ka nang balak umuwi."
Naipaikot bigla ni Matthew ang swivel chair. Malalim siyang nag-iisip habang nakamasid sa view, sa labas ng glass panel wall ng kanyang bagong opisina, doon sa SVMC. Wala naman siyang particular na pinapanood. Wala ding interesting sa polluted na siyudad. Walang tatalo sa countryside o maging sa city sa Spain, kung saan, limang taon siyang nagpakadalubhasa.
He was now a full-pledged pediatrician. Buong panahon, sa nakalipas na limang taon, inuubos niya ang oras sa pag-aaral at panggagamot. Halos patayin niya ang sarili sa pagtatrabaho. Hihinto lang siya kapag kailangan na talaga niyang matulog.
Pero kahit anong sikap niya para hindi na sumagi sa isip niya si Rysia, talo pa din siya. Parati itong nasa utak niya. Parating nasa isip niya ang sakit ng pagtataksil nito sa kanya. Sa tuwing gigising siya sa umaga, si Rysia at ang magandang ngiti nito ang unang maiisip niya. Sa pagtulog ay ganoon pa din.
Kung hindi iilang libong beses na tinangka niyang tumawag sa Pilipinas at maghanap ng puwedeng mag-inform sa kanya patungkol kay Rysia.
Pero takot siya. Takot siyang makumpirma na masaya na sina Linster at Rysia. Ayaw niyang harapin ang posibilidad na iyon pero limang taon siyang nakabitin sa ere at punong-puno ng katanungan. Takot siyang harapin ang multong siya mismo ang bumuo.
At hindi na niya kaya ang pahirap na iyon, nagdesisyon siyang bumalik na ng Pilipinas. He wanted to gather himself again. He wanted to stand brave in front of the two. Kahit gaano pa kasakit, nagdesisyon siyang i-endure na iyon. Kaysa habang-buhay na nakabitin sa ere kasama ng madaming tanong at confusions. Gusto na niyang palayain ang sarili sa mga alaala ni Rysia dahil pagod na pagod na siyang mag-isip. Pero sa huli ay masasaktan lang ang sariling damdamin. Maigi pang harapin na niya ang kinatatakutan para isang bagsakan na lang ang sakit. He would force himself to feel better, after.
Nginitian ni Matthew ang pinsang si Zoe. Tulad niya at ng lahat ng miyembro ng kanilang pamilya, isa itong doktor. Nag-i-specialize ito sa Plastic Surgery.
"Na-miss ko kasi ang pinakamaganda kong pinsan," biro niya, sabay diin ng hintuturo sa mga labi. "Sekreto lang natin. Baka magtampo si Erin."
Tumawa si Zoe. "Come on. You're just being honest, Matt. What's wrong with that?"
Napailing na lang siya. Ito naman ay naupo sa isa sa mga single settee na nasa unahan ng kanyang mesa.
"So, have you healed your broken heart?"
Napawi ang ngiting iyon ni Matthew. Hindi niya sinabi kay Zoe ang totoong dahilan ng nagmamadali niyang pag-alis. Kahit wala pang result ang medical board exam, lumipad siya papuntang Spain. It was always his first action whenever he was hurt and devastated. Ang tumakbo palayo at magtago sa mundo. Gusto niyang palaging magpagaling mag-isa.
Pero madaming magagandang opportunities sa Spain. Sa halip na palaging magpakalango sa alak, na hindi rin naman masyadong nakakatulong sa kanya para makalimot, inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho.
Kung kailan nasa Spain na siya at tumatanggap na ng tawag mula sa pamilya, noon ipinaggiitan ni Zoe sa kanya na alam nitong broken hearted siya. Pasalamat daw ang almost niya na hindi nito nakilala. Kundi ay ito ang gaganti para sa kanya. Kung anu-ano pang mga soothing words at payo ang sinabi nito pero kahit alin doon, hindi man lang nakabawas sa sakit na dala-dala niya sa pag-alis. Hindi na din niya sinabi kay Zoe ang mga nangyari. Dahil malamang na balitaan siya nito kung makilala nitong sina Linster at Rysia ang sangkot sa kanya.
Gusto man niyang makarinig ng balita patungkol sa dalawa, pero natatakot siya. Alam kasi niyang masasaktan siya.
At nang lumabas naman na ang result ng medical board exam via online, tuwang-tuwang tumawag ang kanyang Mama. Pinaaalam na umuwi na siya para makapag-celebrate. Nasa ikalawang pwesto siya ng mga top notch, paanong hindi matutuwa ang ina?
Pero pinili niyang huwag umuwi. Hindi pa niya kayang umuwi. Kahit huwag na siyang umuwi at doon na mag-practice ng residential, iyon lang ang hiling niya. Na ibinigay naman ng kanyang Lolo.
Hindi na tumanggi ang kanyang ina. Hindi nga ba at gusto rin naman ng kanyang Mama na maging mas mahusay siya kaysa kay Linster? Kaya hayun, todo-suporta na sa kanya.
"It's been five years, come on." nakangiting sabi ni Zoe. Inabot ang paper weigh sa ibabaw ng table at pinaglaruan.
"Yeah. Five years. So let's not bring the past up anymore," tumatangong sabi niya.
"Teka? Kanta 'yon, ah?"
Napakamot sa batok si Matthew.
"Since you are guwapo naman, I'll introduced you to my creations." Tumayo ito bigla.
Napataas ang kilay niya."What creation?"
Ngumiti ang kanyang pinsan. "'Yong mga obra namin n'ong head surgeons."
"Nah!" Gets na niya. Mga retokadang babae. "I don't fall for artificial beauties. I want the naturally beautiful."
Pumasok na naman sa utak niya ang imahe ng magandang mukha ni Rysia. Inosente at napakagandang ngumiti. Inosenteng hot. Inosenteng magaling ding maglaro.
Napatiim-bagang si Matthew pagkaalala sa mga huling eksena nila ni Rysia. At ni Linster.
No'ng lumayo siya, sinubukan niyang tumingin sa ibang babae. Maiganti ang ego kay Rysia at Linster. Nakipag-fling siya sa mga liberated na Espanyola. Pero wala. Walang nakapantay at hindi niya nahanap si Rysia sa mga iyon.
Yes, unconsciously, hinahanap niya pala si Rysia sa mga iyon.
"Natural beauty? Like me?"
Napalingon siya kay Zoe. Sabay pilit na tumawa. "Ihanap mo nga ako ng natural beauty," pakikisakay na rin niya rito.
"'Yong perfect din ba, kagaya ko?"
Tumayo siya, nilapitan si Zoe at isinulong mula sa balikat palabas ng opisina.
"I have some patients today. Nagpapatulong si Dhrix. So, you should go now." Si Dhrix ay general physician sa SVMC. At dahil gusto na nga agad niya ng pagkakaabalahan kaya ini-offer na niya ang sarili na tumulong sa mga scheduled checkups ngayon
Nakasimangot na nagpatulak naman ito sa kanya. "Kahapon ka lang dumating at pasyente na agad ang hinahagilap mo. Para ka talagang si Linster."
Sandali siyang natigilan. Hinintay na may iba pang sabihin si Zoe patungkol kay Linster o sa girlfriend nito pero hanggang makarating ito sa labas ng pediatric office niya, hindi na ito nagbanggit ng kahit ano mula sa hinihintay niya.
"How is he, by the way?" sa wakas ay tanong niya sa pinsan. Sa pagkakaalam niya, tinanggihan nito ang offer ng pamilya na magresidency abroad, any country he prefer.
Umigkas ang kilay ni Zoe. "Is it your competitive ego asking?" pananantiya nito sa kanya.
"Nah. Never mind. Forget I asked," pagbawi ni Matthew.
Tumawa na naman si Zoe. "He's doing fine, I think. Nanakawan siya ng isang suspected kleptomaniac at iyon ang nagpapasakit ng ulo niya ngayon. If you'll ask, the girl is really beautiful. From a well-off family. You can visit her sa office ni Hugh. Tuesday and Thursday ang schedule niya kung makikipag-cooperate." Wala nang tigil ang bibig ni Zoe. Nawili na sa pagkukuwento. "God! Mukhang may magnet sa magaganda itong si Linster. There's this certain woman from a particular Paints and Pictures na palagi niyang bini-build up sa mga kaibigan niya. Magaling daw na photographer at artist."
Kumabog ng malakas ang dibdib niya pagkarinig sa mga salitang 'photographer' at 'artist.'
Iisa lang ang taong pumapasok sa utak niya. Could it be Rysia...?
At teka, hindi pa nagpapakasal ang mga ito after five long years?
Hindi maintindihan ni Matthew kung saan nanggagaling ang malaking pag-asa na biglang bumangon sa puso niya. Hindi siya dapat na natutuwa at wala na din siyang dapat na pakialam sa mga ito.
Nirendahan nga niya ang sarili.
"Kaya lang kasi, para namang hindi interesado sa kanya 'yong babae. The woman is quite a beauty and has an adorable four-year-old boy. Lokong-loko si Linster sa bata. Anyway, kahit ako, tuwang-tuwa sa bata no'ng mapadaan ako no'ng isang araw. Akala ko nga, kept child ni Linster kasi may hawig sa kanya. But knowing Linster, alam kong hindi niya uulitin sa magiging anak niya ang ginawa sa kanya ni Uncle Zandro. At baka nga din kaya naloloko sa bata ay dahil kahawig..."
Madami pang sinasabi si Zoe pero hindi na niya maintindihan. May umiikot na matinding damdamin sa loob ng dibdib ni Matthew. Parang sumisikip ang pakiramdam niya. Parang may sumasakal sa kanya.
Gusto niyang malaman kung si Rysia ba ang tinutukoy ni Zoe. Dahil iyon agad ang assumption na kumakatok sa utak niya. Limang taon siyang nawala at may four-year-old boy na ang babaeng laging pinupuntahan ni Linster?
God! Parang may malakas na bumira sa puso ni Matthew. Nagkaanak na ba ang mga ito? Pero hindi nagpapakasal? Ano'ng nangyayari?
"Saan ang Paints and Pictures na iyan?" pabiglang baling niya sa pinsan. Pupuntahan niya ang sinasabi nito. Gusto niyang malaman kung tama ang hinala niya.
Nagliparan naman ang mga kilay ni Zoe. "Bakit bigla kang naging interesado?"
"I just need to know!" intense na sambit niya. Hindi na magkamayaw sa pagkabog ang puso ng binatang doktor.
"At bakit mo ako sinisigawan?"
"Please..." frustrated na pakiusap niya sa pinsan.
Nagtataka man ay sinabi nito ang exact address. Hindi naman malayo sa SVMC. "Mag-aaral na daw next month ang bata. Nakita ko nga si Linster kahapon sa National Book Store na nagtitingin ng school supplies. Tinanong pa ako kung ano daw ang mga kailangan ng mga pre-schoolers. Gusto ko talagang mag-isip na anak niya iyon. Pero sabi niya, kaibigan niya lang si Rysia. Wala din namang dahilan para itanggi niya ang bata kung kanya nga, since lantaran niyang pinupuntahan ang mag-ina..."
Gustong sumakit ng ulo ni Matthew. Hindi. Puso niya ang sumasakit. Bumubuhos ang matinding emosyon niya. Ang matinding galit niya.
So, tama nga? Iyong mga panahon na pinaghihinalaan niya ang dalawa, may namamagitan na nga sa mga ito. Sa pag-alis niya, may nabuo na.
At hindi niya alam kung kanino magagalit. Sa sarili, dahil umalis siya at hindi ipinaglaban ang damdamin? Kay Rysia na madaling bumigay sa tukso? O kay Linster na wala nang ginawa kundi ang mang-agaw? Pagkatapos ngayon, hindi nito pinakasalan at inanakan lang ang babaeng pinahahalagahan niya nang husto?
Ano ba?! Bakit ganito ang takbo ng lahat? Naguguluhan si Matthew. Inakit lang ba ni Linster si Rysia para asarin siya? Hindi talaga nito gusto si Rysia? Kaya inanakan na lang?
Ngayon pa lang, gusto niyang patayin si Linster sa pagsira nito sa buhay ng babaeng mahal niya. Gustong-gusto niya itong bugbugin.
Pero... Bakit ganoon? Kahit hindi nito pinakasalan si Rysia, may tuwang kumakaway sa loob niya... Bakit? Umaasa pa rin ba siya? Pero galit siya sa mga ito! Lalo na kay Rysia. 'Di ba dapat, galit lang ang maramdaman niya? Bakit may iba pang kumakaway na damdamin sa loob niya?
Sa dami ng tanong, gusto na lang niyang tumakbo palabas ng SVMC at hanapin ang Paints and Pictures na sinasabi ni Zoe. Gusto niyang komprontahin si Rysia. Kung para saan, hindi niya din alam. Gusto niya lang makasigurado. Gusto niyang makita ang bunga ng kahinaan at kataksilan nito.
Umakto na siyang iiwan ang pinsan nang sumulpot ang assistant niyang nurse.
"Doc, ready na po ang apat na pasyenteng itu-turn over sa inyo.""BECKY!" natatarantang bungad ni Rysia sa kaibigan pagkaakyat na pagkaakyat nito sa second floor ng shop niya. "Kahapon pa siya nilalagnat. Bumababa naman pero ngayong umaga, mataas na naman."
Hindi siya magkaintindihan sa nagmamadaling paliwanag sa kaibigan. Pagdating talaga kay Lukan, hindi siya makapag-isip nang tama at nauunahan ng pagkataranta.
"Kumalma ka nga diyang babae ka. Mauuna ka pang mag-collapse kaysa dito sa maysakit."
Agad nilapitan ni Becky si Lukan at dinampian ang noo. Inabot din ang digital thermometer na nasa ibabaw ng center table para tingnan ang temperature ng bata. Nagkalat ang lahat sa buong bahay at wala na siyang pakialam. Mas natataranta siyang mataas ang lagnat ng anak niya. Mula't sapol ay sakitin ito kaya kapag nilalagnat na ganoon, talagang nawiwindang siya.
"39.8, ang taas na nga!" sindak na basa ni Becky sa thermometer. At lalo lang iyong nakadagdag sa takot niya.
"Dalhin na natin siya sa ospital. Natatakot na ako," taranta pa rin at naiiyak na niyang sabi.
Maayos naman si Lukan kahapon. Naglalaro pa nga ito sa ibaba. Nang gabing mag-dinner sila, dumaing na itong masakit ang ulo. Nilalagnat na pala. Magdamag siyang hindi nakatulog dahil maya't mayang dinadama ang anak.
"Oo nga. Ayusin mo na ang mga dadalhin... Ah, hindi. Kargahin mo si Lukan at ako ang maghahanda ng dadalhin. Baka kung anu-ano pa'ng ipagsasalpak mo sa bag."
Kinarga nga niya ang anak habang si Becky ang umiikot sa buong second floor para ihanda ang mga kailangan. Pakiramdam ni Rysia, habang-buhay siyang naghihintay na makaalis sila. Gusto na niyang madala si Lukan sa ospital.
Agad din niyang tinawagan si Linster sakaling nasa SVMC ito para mabilis silang asikasuhin ng mga doctor at staffs doon.
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...