Chapter 20

5.2K 199 9
                                    

NAGULAT si Rysia na mabungarang may bisita pala sila. Tinanghali siya ng gising dahil hanggang madaling-araw na yata siyang umiyak nang umiyak. Gusto na nga niyang maiga na ang mga luha niya dahil pagod na rin naman siyang umiyak. Pagod na siyang masaktan. Kung puwede niya lang sanang dukutin ang puso niyang wala nang ginawa kundi ang tumibok para kay Matthew, gagawin niya. Itatapon niya ang lahat ng emosyon na mayroon siya para sa lalaking ito.

This man, who was looking gorgeous while sitting on the tiled floor. Katulong nito si Lukan sa pagbubuo ng Lego na ewan niya kung saan nanggaling.

"Mama! You're awake na pala." Masayang sinalubong siya ni Lukan bitbit ang Lego na pinagpatong-patong.

Nginitian niya ang anak. "May bisita pala tayo," aniyang deretso ang mga mata kay Matthew na biglang napatayo. Bumalik ang tingin niya sa anak.

"'Di ba I told you not to talk to strangers?"

"Pero hindi naman siya stranger. Siya ang papa ko! Kapatid siya ni Tito-Ninong."

At biglang tumakbo ang bata palapit kay Matthew. Para bang kay bilis naman ng mga ito na magkahulihan ng loob? O baka tama nga siyang isipin na idadaan ni Matthew ang bata sa materyal na bagay.

Dahil kahit saang sulok ng sala siya tumingin, napakadaming laruan na halatang bagong alis lang mula sa mga packaging. Nasa isang bahagi pa ang pinagbalatan. Nahilot niya ang sariling sentido. Saka matalim na tiningnan si Matthew. Mukhang nakahalata naman ito at nagpaalam sa anak.

"Anak, sandali lang at mag-uusap kami ni Mama mo."
Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Pero bigla niya itong tinalikuran at nagtuloy sa dining room. Mula roon, nakikita niya ang bata na abala sa pagbuo ng Lego blocks nito.

"Masyado ka naman yatang atat sa pagpasok sa buhay namin. Ni hindi mo man lang hinintay na ako ang magsabi sa anak ko na ikaw ang missing in action na tatay niya," pairap na sita niya rito.

At sa pagtataka niya ay hindi nito sinalubong ng sumbat ang pagmamaldita niya. Nagkamot lang ito sa batok at parang nagpapa-cute pa na ngumiti.

At nakakainis lang na agad na nalusaw ang katarayan ni Rysia dahil sa ngiting iyon.

Ah! Hindi!

She raised her armor, once again. Limang taon na ang dumaan. Madami nang nangyari. Bakit sa puso niya, parang wala namang nag-improve?

"Pasensiya na. Masyado lang akong na-excite," sabi nitong kakamot-kamot sa batok.

Damn! But in his age, he still looked cute with that gesture.
Pinagalitan na naman niya ang sarili at pinalis sa sistema ang nakakainis na guwapong scenery. Naghalukipkip siya at pamalditang hinarap ito. "'Di ba, sabi ko, mag-disappear ka na? Nabuhay naman kami nang wala ka. Kaya ulit naming mabuhay sa loob ng marami pang taon na wala ka."

Agad lumatay ang lungkot at sakit sa mga mata ni Matthew. Inatake tuloy siya ng konsiyensiya.

"Rys..."

"O, sige na." Ipinagpag niya ang isang kamay sa harap nito. "Ano pa ba'ng magagawa ko, eh, nandito ka na? Nasabi mo na rin ang hindi mo dapat sinabi--"

Natigil siya sa pagsasalita nang maramdaman ang dalawang kamay ni Matthew sa kanyang mukha at ipinapaling paharap dito. Saka dumampi ang likod ng palad sa ilalim na bahagi ng kanyang mata. Parang gustong huminto ng kanyang mundo sa ginagawa ni Matthew.

"Namamaga ang mga mata mo."

Ayaw man niyang paapekto pero hindi niya naharangan ang masarap at mainit na pakiramdam na hatid ng ginagawa ni Matthew. She must be very foolish but, darn it, she loved the feeling!

San Victorio Doctors 1: Almost (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon