CHAPTER 3

11.7K 331 8
                                    




GUSTONG mapasigaw ng OMG ni Rysia habang nakatingala sa guwapong nilalang na nakangiti sa kanya.

Sheet nemen!O, ulan! 'Wag ka nang tumila pa. Para hindi na umalis sa tabi ko ang guwapong payong na ito.

Buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan...

Ang lapad-lapad na ng ngiti ni Rysia. Wala na din siyang pakialam kung sinira ng ulan ang magandang outfit niya ngayon. Ang mahalaga, nasa harapan na niya ang kanyang vitamins. Si Matthew Zane San Victorio!

"Narinig mo ako kanina?"

Ang bagal lang ng utak niyang mag-process. Ngayon niya lang naisip ng maayos kung ano ang sinasabi ni Matthew

Tumawa ang lalaki. Tawang nagpapawindang palagi sa kanyang puso.

"Oo, galing ako sa admin building." Iniabot nito ang kamay sa kanya. "Doon tayo sa covered court. Mababasa pa din tayo dito. Baka mapurnada pa ang investment ko." biro pa nito sa kanya.

Tuluyang naging sirkero ang puso ni Rysia nang abutin ang kamay ni Matthew na nakahain sa harapan niya. Kinabig din siya ng lalaki sa baywang para mapalapit dito pero bahagya siyang dumistansya.

Bigla kasi siyang sinaniban ng hiya. Basa na siya samantalang ito, ang linis-linis at ang bango-bango. Nakakahiyang madikit siya sa kasamba-sambang anyo ng lalaki.

"Mababasa ka kasi." sabi niya nang lingunin siya nito.

At pamatay na ngumiti na naman si Matthew-baby. "Okay lang. Pauwi na din naman ako. Tsaka, may spare shirt ako sa sasakyan ko."

Muli na naman siyang kinabig ni Matthew sa kanyang baywang at idinikit sa katawan nito.

Ramdam na ramdam ni Rysia ang masarap at mainit na pagdaiti ng katawan ni Matthew sa kanya. Gusto rin niyang magpakalunod sa samyo ng binata. He smells awesome. Like the mixture of expensive musk and greens. Lalaking-lalaki pero amoy sosyal. May pakiramdam siya na gustong ihilig ang ulo sa balikat nito pero sobrang kalabisan na yata iyon.

Pero sige na nga. Minsan lang naman eh. Kung maghihiwalay din sila ng landas, dapat gumawa na siya ng maraming alaala na babaunin pag-uwi sa condo niya.

Malayo-layo pa ang covered court. Mahaba-habang sandali pa siyang puwedeng magpakalunod sa bango ni Matthew.

Isinubsob nga niya ang mukha sa kaliwang dibdib nito. At pinagpala yata siya ni Prince of Destiny dahil naramdaman niya ang pagkabig ni Matthew sa kanya.

"Nilalamig ka?" tanong nito.

Tumango lang si Rysia. Parang nawalan na siya ng kakayahan na magsalita. Halos ayaw na nga din niyang maglakad at gusto na lang yumakap kay Matthew. Pero sinermunan niya ang kanyang mga paa. Kailangan nitong gawin ang trabaho nito para sa ikaliligaya ng kanyang mga senses. Lalo na ng kanyang internal system.

"Magkakasakit ka sa pagpapaulan. Heavy ang warm up activity n'yo kanina tapos nagbasa ka sa ulan." parang nagsesermon na sabi na naman ni Matthew.

He sounds like a real doctor na talaga. Pero okay lang naman na sermunan siya nito habambuhay kung ang kapalit, pagpapalain siya ng dibdib at braso nito.

Nagpapasasa pa siya sa bango at init ni Matthew nang bahagyang matalisod. Dumiin tuloy ang kamay nito sa baywang niya, pakabig lalo sa katawan nito. Napahawak naman ang isa niyang kamay sa baywang nito at ang isa ay sa dibdib.

Sa tindi ng lakas ng ulan, idagdag pa ang hangin, hindi niya maramdaman ang lamig. Iba ang nararamdaman niya. May bagyo yata sa loob ng katawan niya.

San Victorio Doctors 1: Almost (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon