"I CAN'T believe this!"
Pagalit na bumaba si Rysia. Wala na siyang nagawa. Alam niyang hiyang-hiya na si Matthew sa ginawa nitong pagsigaw ng Darna para lang bumaba sila ng jeep. At hindi niya rin naman ito mapaniwalaan. Talagang ginawa nito iyon?
Ano pa ba ang kailangan nito sa kanya?
"Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to? Lubayan mo nga ako!" Mangiyak-ngiyak na tinalikuran niya si Matthew habang bitbit ang market bag na may lamang mga pinamili.
. Mabuti na lang at ilang metro na lang ang layo ng bahay mula sa binabaan nila.
Agad siyang pinigilan ni Matthew sa braso, sabay agaw sa kanyang bitbit. "Mag-usap tayo," puno ng determinasyong saad nito."At ano'ng pag-uusapan?"
Pinilit niyang kunin ang mga pinamili. Pero inilayo lang lalo ni Matthew sa kanya.
Distressed tuloy niyang naihagod ang kamay sa sariling buhok. Kailangan na niyang makalayo rito. Malapit na lang ang bahay. Bibilisan niya ang pagpasok sa gate para hindi makasunod si Matthew. Pagkatapos, tatawag siya ng Barangay Tanod para mapaalis si Matthew.Tama. Ganoon na lang.
At dahil din doon, magiging obvious na tinataguan niya nga ito.Ahhh!
"Anak ko si Lukan, 'di ba?"
Naparalisa si Rysia. Ang pinakakinatatakutan niyang sandali, ito na ba?Hindi.
Hindi nito puwedeng malaman.
"Saan mo naman nakuha ang idea na 'yan?" sa pilit pinakakalmang boses ay balik-tanong niya. "'Di ba nga, iniisip mo na nakikipaglandian ako sa kapatid mo?" pasarkastiko niyang dagdag.
"Dahil nagsinungaling ka!" Ramdam niya ang sama ng loob ni Matthew sa pagsigaw nitong iyon. "Akala mo ba, hindi ko kayo nakita? Galing kayo sa date noon! Lumabas kayo ng café, saka ka niya inihatid."
Sandali niyang inisip ang eksena na sinasabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Rysia nang may maalala. Kaya ba ito biglang nagtanong dahil alam naman na nito?
"Don't you even try to deny it dahil ako mismo ang nakakita. Sinundan ko pa kayo. Nagtanong din ako sa guard at na-confirm ko na madalas kayong magkita."
"He was just trying to help me," agad na sansala niya sa mga sinasabi ni Matthew.
Hindi na kasi niya kayanin ang sakit na nakikita niya sa mga mata. The pain of betrayal. He was thinking she had betrayed him.
But she didn't. God knows she didn't!
"Helping you from what?!" galit na singhal nito sa kanya. "Sa pagbubuntis mo? Tinutulungan ka niyang itago sa 'kin? Itinatago mo sa 'kin ang anak ko, katulad ng pagtatago mo ngayon? Bakit mo ginagawa sa 'kin ito, ha? Hindi mo ba ako isinasali sa buhay mo?"
Sarkastikong napatawa si Rysia. "Hah! Ako pa? Ako pa ang tinatanong mo niyan?"
Nag-iinit ang mga mata ni Rysia. Pinipigilan niyang may mabuong mga luha dahil ayaw niyang umiyak sa harap nito. Ayaw niyang makita kung gaano siya kahina dahil baka gamitin nito iyon laban sa kanya.
Natatakot na siya sa epekto ni Matthew sa kanya. He could be her happiness but he could also be her destruction.
"Then just answer me! Why didn't you even tell me?!" Nangilid sa luha ang mga mata ni Matthew. Kasunod niyon ang pagdilim ng guwapong mukha nito.
Napayuko siya. Maybe, she should take half of the blame. Nag-inarte pa kasi siya noon, eh. Pero karapatan naman niya iyon. Masakit malaman na hindi siya kasali sa buhay nito. Ang dami nitong plano but where did she fit in that bright future of his?
"I have waited for you to tell me everything. For you to open yourself up, but you've been so close. Tightly closed. Sinasabi mo noon na mahal mo ako pero hindi mo ako mapapasok sa buhay mo. You just shared a part of you and that was it. Na para bang pinasilip mo lang ako sa buhay mo pero hindi mo ako pinapasok. Hindi mo ako kayang papasukin, Rysia. You have guarded yourself against me."
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...