CHAPTER 6
"O, ANO 'yan?"
Napalingon si Rysia sa kaibigang nagtutuyo ng buhok galing sa panliligo. Abala naman siya sa paghahanda ng mga kakailangan niya sa pag-alis. Nai-check na niya kung paano pupunta ng Borawan. Madali na lang ang paghahanap kay Matthew kapag nasa isla na siya.
"Ikaw muna ang bahala dito, Becky ha? Kapag sumilip si Mama, sabihin mo na nasa out of town ako kasama ng mga classmates namin. Hindi ko kamo matanggihan." aniyang isinuksok sa gilid ng bag ang toiletries.
"E, teka. Saan ba ang lakad ninyo ng mga classmates mo?" Itinuloy ni Becky ang pagtutuyo ng buhokgamit ang bath towel.
Siya naman ay chinecheck kung ano pa ang kailangan.
Ah! Powerbank. Bala walang kuryente sa isla. Hinanap niya ang powerbank. Full charge naman pala.
"Hindi ko kasama ang mga classmates ko. Ako lang mag-isa ang pupunta sa Borawan."
Pansin niya na nanlaki ang mga mata ni Becky pagkarinig sa sinabi niya.
"Ano kamo? Pakiulit?"
She rolled her eyes, upward.
"You heard me. Susundan ko si Matthew do'n."
"At gusto mo na magsinungaling ako sa Mama mo? Teka, tatawagan ko si Tita..."
Nang hagilapin ni Becky ang cellphone nito ay agad din itong kumambiyo pabalik. "Wala pala akong load. Patawag nga ako ng isa." Sinunod nitong hunting-in ang cellphone niya.
"Don't you dare, Rebecca."
Natigilan naman si Becky. Mukhang nahulaan nito na seryoso siya. Pagkuway, parang napika sa kanya.
"Ano ka ba namang babae ka? Pupunta ka mag-isa sa Quezon Province para sundan ang lintik na lalaking 'yon? Nababaliw ka na ba? Hindi ka puwedeng magbiyahe mag-isa kasi napaka-careless mo. Baka mamaya, nadukutan ka na o ikaw na 'yong nadukot, 'di mo pa namamalayan."
Napasimangot si Rysia. Alam niyang concern lang ang kaibigan sa kanya. Kilalang-kilala siya nito at pati ang mga trip niya sa buhay. May tendency nga siya na mawalan ng pakialam sa ibang bagay basta magawa ang una niyang gusto.
Kagaya ngayon, wala siyang pakialam sa mararamdaman ng kaibigan at ng ina sa gagawin niyang paglayas mag-isa.
"I am running out of time. Mahigit isang buwan na lang at lalayas na kami sa University. Hindi ko na siya makikita, pagkatapos ng graduation. Tapos mababawasan pa ang mga araw ng halos limang araw. Dalawang araw siya sa Borawan. After that, weekend naman. Next week ko na siya makikita." frustrated na tugon niya sa kaibigan.
Isa pa 'yon. Kung kailan nag-eenjoy na siya at finu-fully consumed ang mga nalalabing araw ay saka naman biglang nagbago ang timpla ni Matthew.
Alam niya, hindi ang pastries niya ang dahilan ng pag-init ng ulo nito. May problema siguro ang binata. Kung wala, eh bakit bigla-bigla, gusto nitong lumayo at mag-out of town? Samantalang ang daming dapat unahin sa eskwelahan.
Sa sitwasyon ni Rysia, wala naman siyang masasagasaang schedule. Maluwag siya ngayon sa oras.
"O, tapos?" Nakaigkas ang kilay ni Becky. Sumalampak naman siya sa couch sa tabi mg malaking backpack.
"May next week pa ha, Rysia? Hindi ibigsabihin na limang araw siyang mawawala e magugunaw na ang mundo mo." Nakairap na dagdag nito.
Exactly! Magugunaw talaga ang mundo ko kung sa ikalimang araw ko pa siya makikita.
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...