CHAPTER 11
SINUSUMPONG ng vertigo si Rysia kaya pinili muna niyang maupo sa waiting bench, doon sa lobby ng SVMC. Kakagaling niya lang sa OB-Gyne. Excited kasi siya kaya nagpa-check up na. Gusto siyang samahan ni Becky pero nawalan daw ng malay si Leslie.
Hindi na niya gustong ipagpaliban ang check up kaya agad na bumisita na siya sa doctor. Sa SVMC na din siya nagpacheck up dahil hindi naman magtatagal na ililihim niya iyon kay Matthew.
Atleast hanggang matapos lang ang nakakapressure na board exam nito. Ayaw niya din naman na ma-distract si Matthew kaya isusurprise niya ito pagkatapos ng lahat.
“Rysia?”
Napabaling siya sa lalaking bumati sa kanya.
“Linster...” Nginitian niya ito.
Nakilala niya si Linster nang minsan silang lumabas ni Matthew, pinuntahan niya ito sa review center at binati sila ni Linster. Nasa iisang review center lang pala ang magkapatid.At mukhang napilitan lang si Matthew na ipakilala siya. Sobrang civil ng pakikipag-usap nito sa kapatid. Siguro dahil lang sa mabuting asal kaya nito iyon kinausap. Besides, si Linster ang naunang bumati. And the guy was nice thou. Kaya medyo ayaw niya na ganoon ang tingin nito sa kapatid. Pero siyempre, si Matthew ang mahal niya kaya ito ang biased niya.
“Anong ginagawa mo dito? Kasama mo si Matthew?”
Umiling siya. “Nagpapalipas lang ako ng pagkahilo.”
“May sakit ka?”
Bigla ang pagbaba ng mga mata nito sa nasa kandungan niyang pregnancy pamphlet. Sa pag-angat ng mukha nito sa kanya ay alam niyang nahulaan na nito ang sitwasyon.
Agad niyang inilapat ang hintuturo sa mga labi sa paraang nagpapatahimik. Naupo naman si Linster sa tabi niya na nagtataka.
“Hindi alam ni Matthew?”
Umiling si Rysia. “Isu-surprise ko na lang siya kapag after ng board exam.”Tumango-tango ito saka tumitig sa kanya. Nagtatakang nilingon niya si Linster.
“Bakit?”
“Wala naman. I just realized na inuulan ng swerte si Matthew.”
Napahaplos sa tiyan si Rysia. “Ako.” pagtatama niya. “Inuulan ako ng swerte. Hindi ko inaasahan ang lahat. Everything was just like a dream.”
Ngiti ang isinagot ni Linster. “So, kailan ang labas ng pamangkin ko?”
“Last week ng November ang sabi ng OB-Gyne.”
“Mahigit three months na, hindi halata ah. Ang payat mo. ”
Ngumiti lang siya.
“Hmm, heart month pala no'ng mabuo.” biro ni Linster na ikinapamula ng mukha niya.Natatawang marahang tinapik siya nito sa likod.
“You should take good care of yourself from now on. Critical stage ang first and second trimester.”Tumango si Rysia at ngumiti. It felt nice to know na maganda ang pagtanggap ng kapatid ni Matthew sa kondisyon niya. Ito palang ang nakikilala niya mula sa pamilya ni Matthew. At sana, kung hindi man lahat, sana mas malaking porsyento ng pamilya ng mga San Victorio ang positibo ang reaksiyon.
“Do you feel fine, now?” follow up nito.“Yes.” Inabot niya ang bag at inilagay ang pamphlet sa loob.
“Ihahatid na kita.”
“Ha?” Nagulat na tanong niya rito.
Ngumiti naman si Linster. “Pamangkin ko pa din ang dinadala mo. Maski hindi kami in good terms ng ama niya, gusto ko pa din namang masigurado na maayos kayong makakauwi. Lalo pa. Sabi mo, nahihilo ka. Baka mahilo ka ulit habang papauwi--”
BINABASA MO ANG
San Victorio Doctors 1: Almost (Published)
RomanceRepublished. Written by: Gazchela Aerienne The first book among six titles in the series. "How could you!? Iniwan mo ako na halos mabaliw sa kakaisip kung bakit hindi ako worth it mahalin? Bakit hindi ako kasama sa mga priority mo? Ano ba ang ku...