CHAPTER 1

18.8K 371 6
                                    

CHAPTER 1

The Hub...

"BRUHA! Akala ko ba pakakainin mo ako? Bakit sa bar mo ako dinala?"

Biglang napayakap sa sarili si Becky at nanlalaki ang mga mata na tiningnan si Rysia.

"'Wag mong sabihing..." Hindi makapaniwalang tinitigan nito ang kaibigan. Napapaarko naman ang kilay ni Rysia. "Ang sama mo! Ganyan ka mag-isip sa 'kin? Kahit kapit-patalim na ako, hindi ko naman binalak na ibilad ang katawan ko sa madla!"

At umakma itong magwa-walk out. Naipaikot tuloy ni Rysia ang mga mata paitaas bago pinigilan ang kaibigan.

Mag-BFF sila ni Becky. Classmates din sila noong high school sa napakagandang lugar ng... Bulacan, City!!!

Hindi, imbento lang niya 'yong City. Basta 'yon nga, sa Bulacan sila nag-aral since mga uhugin pa sila. Napahiwalay lang siya sa kaibigan noong mag-college. Huminto na kasi ito sa pag-aaral at nagpaka-raketers. Ang dami din kasing ganap sa buhay ni Becky. Samantalang siya, walang ka-ispa-spice ang buhay. Tapos, dinala pa siya ng ina sa siyudad.

Puwede na naman daw na makisalamuha siya sa mundo tutal naman, well stabilized na ang kanyang kondisyon.

Six years old palang siya no'ng madiskubre na may bipolar disorder pero hindi pa iyon ganoon kalala. Stage 1 pa lang, kumbaga. Pabago-bago lang siya ng mood pero controllable naman.

Napansin iyon ng lolo at lola niya--na siyang nag-aalaga sa kanya dahil busy ang kanyang mga magulang sa buhay-buhay ng mga ito--dahil palagi siyang inirereklamo ng guro. Weekly kung magbago ang mood niya. May panahon na hyper siyang mag-aral at makisabay sa talakayan. Pero after a week, tatakasan siya ng mania at mawawalan ng gana sa mga bagay-bagay. Ganoon din sa paglalaro. Ilang araw na kasundo ang mga kaklase pero sa susunod, nambubugbog na siya sa mga ito.

Ipinaalam iyon ng abwela niya sa kanyang mama. Doon siya sinimulang patingnan sa specialist. At nang malaman na suspect for bipolar disorder, inamin ng papa niya na may history ang pamilya nito ng bipolarism at mania attacks. Obvious naman sa papa niya ang mania attacks dahil lagi itong hyper.

Pero napakalayong henerasyon na daw iyong bipolarism. Minalas yata siya at sa generation na ito, siya pa ang nadale.

Nag-undergo siya ng treatment at therapy. Madali lang sana ang gamutan, almost a year dahil mild pa naman ang kondisyon niya. Pero hindi pa tapos iyon ay sabay namang namatay ang lolo at lola niya sa isang vehicular accident. Nagkaroon tuloy siya ng matinding depression at anxiety. Natakot kasi siya noon na magiging mag-isa na lang sa buhay sa pagkawala ng grandparents. At sa edad na pito, sino ang hindi matatakot mag-isa sa buhay? Masyado niyang dinamdam ang kamatayan ng mga kinagisnan at nagsilbing mga magulang.

Separated na ang totoong mga magulang niya since three years old siya at ang grandparents sa mother side ang nag-alaga sa kanya hanggang mag-grade 2. Hanggang grade 2 lang dahil hanggang doon lang ang buhay ng mag-asawa.

Ah, to add complications, may kanya-kanyang pamilya na ang parents niya. At para siyang bola na pinagpapasa-pasahan ng mga ito.

Napunta tuloy siya sa pangangalaga ng isang yaya na napagkasunduang kunin ng Mama at Papa ni Rysia. Nagsimula ding ma-intensify ang kondisyon niya dahil sa naririnig na laging pag-aaway ng mga magulang, sa tuwing magkakaharap ang mga ito. Iyon ay sa tuwing magkakasama-sama silang tatlo sa bahay na nirerentahan ng mga ito para sa kanya.

Oo, hindi siya puwedeng ihalo sa normal na pamilya ng mga iyon kaya ikinuha siya ng rented apartment at ang kasama lang ay si Yaya Luding--malayong pinsan ng kanyang ina, dahil pitong taon pa lang siya at gusto nang abandunahin.

San Victorio Doctors 1: Almost (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon