Lisa's P.O.VTulala akong nakatingin sa kawalan ng may nag snap ng finger sa harapan ko.
"Bessy,ano na? Hindi ka pa ba magbibihis?" Ngiting wika ni bessy sakin habang tinutuyo nito ang buhok gamit ang pink towel nito. Nag-usap na kami ni bessy at nagkabati na rin makalipas ang mahigit isang oras na pagkukulong ko sa kwarto. Ang tagal kong nagmukmuk no?Hahaha..
Ramdam ko ding sobrang gaan ng mood nito. Malamang,sila na ng taong mahal nya. Ka date pa nga nya ito mamaya.
NApabuntong-hininga ako.
"May problema ba bessy? May masakit ba sayo? You look pale." Wika nito at hinipo nito ang noo at leeg ko.
Umiling na lamang ako at ngumiti.
"Bessy,may sasabihin ka ba sakin?" Ngiti kong tanong dito.
Its her turn now to look pale."W-wala naman bessy. Bat mo pala natanong?" At ngumiti ito ng alanganin.
"Wala naman. Natanong ko lang. May date ka ba mamaya?" PAtuloy ko pa dito kahit na kumakabog nang malakas ang puso ko.
Huminga naman ito ng malalim at saka ngumiti.
"Oo,bessy. Meron. Pakilala ko mamaya sayo." At ngumiti pa ito lalo.
Ngumiti naman ako pabalik dito. Kahit pinupunit na ang puso ko sa sakit."Oh,siya! Magbihis na tayo! Talbugin na natin lahat ng magaganda dito Sa campus! Hahahaha!" Wika ko at pumasok na sa C.R dala ang dress ko.
Hayy..Sana makayanan ko.
Kapit lang heart,tatapusin natin to ngayon, okay? Wag ka munang maghingalo jan at maglupasay. KAya natin to.
I sighed. Kakayanin ko nga ba?
Jisoo's P.O.V
Ngiting-ngiti ako habang hawak kamay kami ni bessy papuntang venue ng gaganaping ball ng university. Buti nalang bati na kami.
Masquerade ang theme ng ball kaya bitbit namin ngayon ang mga maskara namin. Black ang sakin with the lining of neon pink samantalang pink naman kay bessy with the linings of black and a black feather on the left side.
Bessy wears a pink strapless dress that has a fitted top and a flowy bottom. Hapit na hapit nito ang maliit na bewang ni bessy at pagdating Sa bewang at bandang ilalim ng tuhod nito ay napakabukadkad nito. Nakasuot ito ng 5 inches stilleto na kulay black at bumagay talaga ito sa kulay ng maputi nitong balat. Ang buhok naman nito ay nakapony tail sa mataas na bahagi ng ulo nito and leave some strands of her hair on both side of her face;emphasizing her heart shape face.
Nakasuot naman ako ng Black Lacy backless dress na hanggang tuhod lang. Mabukadkad din ang ilalim nito. Nakasuot ako ng pink 5 inches heels na bumagay sa mapuputi kung binti. Ang buhok ko naman ay nakabraid at nasa left side ito ng balikat ko,emphasizing my neck and my creamy white back.
Magkasabay kaming 4 na pumasok sa bulwagan.
Rose wore a red lacy dress while Jennie wore a white one strap dress with a low neckline.
Pumasok na kami sa bulwagan and all eyes are on us. We're uncomfortable because of the gaze and murmurs of the student giving to us. Buti nalang ay dumating sina Jungkook and friends at iginiya kami sa assign tables kasama din sila. Were 8;4 girls and 4 boys surrounding our table. And THEN awkward atmosphere arise because of the tension surrounds us. Tension? Saan galing yun?
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionAn fast paced story of JisooXJungkookXLisa. ++++ TeamJungSoo Or TeamLisCookie? An BTS and Blackpink tandem. Enjoy! **************