Part 14: Coincidence??

31 4 0
                                    


Lisa's P.O.V

2 weeks later..

"Uwaaaaaahhh!! Huhuhuhu!! Kaya ko nga yun nagawa eh kasi pinapili na ako! Waaaaahhh! Huhuhu!"

Kasalukuyan ako ngayong umiiyak at kinuha ang last piece na tissue sa ika-3 box na naubos ko. Nandito kami sa dorm namin ni Jisoo at wala kaming pasok ngayon kasi sabado. Sumingga ako dito at muli akong ngumawa sa harap ng 3 kong kaibigan na kasalukuyan ding nakatitig sakin.

"Lisa,tama na nga kakaiyak! Napupuno na yung 2 balde dito ng luha mo oh! Pwede mo na itong ipaligo! Kaloka!" Rose

Hinampas ko ito ng unan.
"Tss. OA mo! Ang supportive mo talaga kahit kailan,Rose. Natouch ako! Waaaaahh!" Inaabot ko ang tissue  box ng inilayo ito sakin ni Jennie.

"Oo nga, Lisa. Atsaka marami pa namang iba dyan eh. May mabibingwit ka pang ibang isda dito sa malapad na karagatan."

"Yahh! Anong tingin nyo kay,Cookie ko?! Shokoy?! May bingwit-bingwit ka pang nalalaman eh! Eh gusto ko sya lang eh,sya lang!"

"Baliw ka rin eh noh? Kung sya lang pala gusto mo,bat mo pinakawalan? Tsaka kung makaiyak ka wagas ah? Naging kayo ba? Ha? Sige,itodo mo lang yan. Di ka namin pipigilan." Paasar na tonong tugon ni Rose.
Kaibigan ko ba talaga to?
-_-
Napabuntong hininga ako saka pinahiran ang mga luha ko.

"Hindi nyo kasi ako naiintindihan eh--"

"Ipaintindi mo kasi! Nagsasalita ka nga,nagpapaliwanag,kaya lang hindi namin maintindihan. Ikwento mo nang maayos,hahambalusin kita kahit mahal kita! Naku Lisa,wag mo kong ginigigil ha?!" Nanggigigil na wika ni Jisoo sakin.

Imbis na magitla ako kay Jisoo ay mahina akong natawa. Ang kyuut nya talagang magalit!

"Wag kang ngumiti lang dyan. Magpaliwanag kana!" Atat na dagdag nito.

Para akong baliw sa harap nila na iyak tawa ang ginagawa.

NAbabaliw na nga siguro ako.

"Oo na po." Huminga ako nang malalim.

+Flashback+

Kapapasok ko lang nang kwarto nang magring ang cp ko.

Kuya Xeandra calling...

Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag o icacancel nalang. Napahinga ako ng malalim ng makapagdisesyon ako.

Sinagot ko ang tawag.

"Kuya--"
"Anak,ang daddy mo.." Si mom. Kinabahan ako ng marinig kong humikbi ito. Anong nangyari--
"nasa ospital kami ngayon anak. Ikaw ang hinahanap ng dad nyo."
naiiyak na sumagot ako dito.
"I'll be there mom. G-give me a moment." Tila lumubog ang puso ko nang marinig ko uli ang iyak nito.

God,help me. What should I do?

***********

Kasalukuyan kong yakap ngayon si mommy na patuloy na umiiyak sa balikat ko. Nandito kami ngayon sa tapat ng ER dahil inatake si dad sa puso. Kahit gusto kong umiyak sa nangyari kay dad ay hindi ko magawa dahil kailangan kong maging matatag para kay mommy.

Dumating si kuya na may dalang  3 cups of coffee para kay mommy at sakin. Tahimik lamang kami ni kuya at tanging hikbi lang ni mommy ang naririnig namin.

Ilang oras pa ang itinagal namin sa labas ng ER sa paghihintay ng sa wakas ay lumabas na ang doctor. Naglakad ito palapit sa amin habang tinatanggal nito ang stethoscope sa leeg nito.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon