Continuation
Meanwhile..
Naglalakad na kami ngayon papunta sa flower farm sa bandang higher mountain. Makikita mula dito ang mga ilaw na nagkikislapan mula sa city. Its breathtakingly beautiful, alright..pero i cant seem to appreciate the view because my mind is too preoccupied. -sigh-
"Hala,asan na yun?" Napalingon ako kay bessy at nakita kong tila may kinakapkap ito sa katawan nya.
"Bakit bessy?? May naiwala ka ba? Or may something kang naiwan?" Tanong ko dito.
Napatigil ito sa pagkapkap sa kanyang katawan as she snap her fingers.
"Tumpak! May naiwan nga ako dun sa bahay nila Jungkook. Aigoo.. Kaya pala feeling ko parang may kulang..di ko pala nabitbit yung phone ko. Naku,naku,naku! Lagot nanaman ako kay auntie." Natataranta na itong naglakad paalis habang nagsasalita mag isa. We are gawking at her ng bigla itong tumigil sa paglalakad at humarap samin.
"And oh,jan muna kayo ha?! Babalik ako agad! Bye!" Tuluyan na itong tumakbo palayo samin.
Buti naaala pa kami nun bago umalis. Tsk. Tsk. Bestie ko ba talaga yun? *iling* wala na akong sinasabi.
"Lisa??" Malambing na tawag sakin ng dalawa ko pang matinong kaibigan. Note the sarcasm please.
"Bakit po? Aalis din kayo? Bakit? May nakalimutan din kayo? May pakakaininin kayong chiua-ua? Magbabasa kayo? O mas mabuting sabihin na nakalimutan nyong magdala ng libro,jacket,at flashlight? Anong excuses nyo?" Dire-diretso kong saad sa kanila at pinanatili kong malambing ang boses ko at peke ang ngiti ko. Nagkatinginan naman ang dalawa.
"Tomoto,highblood agad! Tinawag ka lang naman namin." Tila defensive na wika ni Jennie.
"-_-" ako.
"Oo na,andun sa ginawa mong excuses ang gagawin namin. Kukuha po kami ng jacket. Ang lamig kaya. Grrr!" At payakap nitong hinaplos ang braso nya.
"Kuha ka nalang namin,huh? Bye Lisa!!" Sigaw pa ni Rose at tumakbo na sila."Yaaaah! Iiwan nyo talaga ako dito??" Hindi nakapaniwalang napabuga ako ng hangin.
"Arrrgh! I hate you!" Sigaw ko.
"I love you too,Lisa!"
"Che! Maduga kayo!"Nakarinig nalang ako ng echong hagikgik ng dalawa kong kaibigan.
Ang galing!
Iniwan talaga ako nila!
"Om--! Paano pag may multo dito? O kapre? O di kaya dewende? *chills* wag lang yung multo,lord! Baka tumalon ako mula dito hanggang sa baba ng bundok na to." Napayakap ako sa sarili ko ng humangin ng malamig. Yan na nga sinasabi ko eh!
"Huhuhuh! Paano pag may multo na dito??! Waaaaaahh! Huhuhuhu!" Tumingin ako sa dinaanan nila bessy Jisoo,Rose,at Jennie.
"Jinja??! Gosh,iniwan talaga ako ng mga yun--- ay multong inihaw!" Napatalon at napahawak ako sa puso ko ng parang bigla itong nahulog ng may humawak na malamig na kamay sa braso ko."Cookie naman eh! Ginulat mo ko!" Hinampas ko ito sa braso at natatawang sinasalag lang nito ang hampas ko.
"Alam mo bang muntik na akong tumakbo pabalik sa bahay ng lola mo? Paano kong tinuloy ko yung plano kong tumalon doon sa may edge cliff nitong mountain ha?! Edi wala ka nang magiging---aish! Baliw ka talaga!"
Tumatawa lang ito na sinalo ang kamay ko at maya maya pa ay matamaan itong tumitig sakin."Oh? Bakit ganyan ka makatitig sakin? May dumi ba ako sa mukha?" Napapakurap kong tanong dito.
"My Lisa kasi.." napatigil ito ng bumahing ako.Naramdaman ko nalang na may jacket na bumalot sa katawan ko.
Hayy..how can you be so sweet my only love?Mabibitawan pa ba kita? Kakayanin ko ba?
Napahinga ako ng malalim at malungkot na sinalubong ang tingin nito.
This is it."Salamat ,Jungkook." Saad ko dito. Nawala ang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionAn fast paced story of JisooXJungkookXLisa. ++++ TeamJungSoo Or TeamLisCookie? An BTS and Blackpink tandem. Enjoy! **************