Lisa's P.O.VNagpepedal na ako pabalik sa inupahan ko ng bike dahil hapon na at kailangan ko pang mag-ayos dahil balak kong pumunta sa concert na nakita ko kanina sa poster. Ipinark ko ito sa tabi ng operator at kinuha ko na ang wallet ko para magbayad.
"Manong,magkano po ang ibabayad ko? 4 hours ko pong ni-ride yung bike po." Ako
"Ano po ang pangalan nyo po,Maam? Ichecheck ko lang po kung magkano babayaran nyo po." Sabi ni manong operator.
"Lisa Black po."
"Ah,Maam. Bayad na po yung nirentahan nyo po kaninang umaga po. Baka nakalimutan nyo po na nakapagbayad na po kayo?" Nagtatakang wika ni manong habang nagpipindot sa computer nito.
Nagtaka ako at pilit inalala kong nakabayad na ba ako.
Umiling ako.
"Hindi pa po talaga ako nakakapagbayad eh. Hindi ko po matandaan.""Ah ganun po ba?" Wika ni manong at may kinuha sa ilalim ng mesa nito.
"Paki-fill up nalang po ng form na to,maam. Pero wag na po kayong magbayad. At ito na rin po,free teddy bear at chocolate dahil po sa abala." Nagbow ito.
"Balik po kayo sa sunod."Napakamot na lamang ako ng pisngi ko dahil sa nangyayari. Bakit parang iba ang feel ko dito?
Coincidence lang ba ? O may nananadya?
Napailing na lamang ako.
******
Nakasuot ako ngayon ng tight jeans na black, nakat-shirt na white at airmax shoes na kulay black. Nilugay ko lang ang buhok ko,nagpulbo at nagspray na sa katawan ng pabango. Im done!
Lumabas na ako sa dorm at naglakad lang papuntang bus station. Medyo hindi naman malayo ang pupuntahan ko kaya okay lang. At wala akong kasama. Hindi ko alam kong sinadya ba nila pero nagkakanya sila ng dahilan para hindi sumama.
Si Jisoo,matutulog nalang daw dahil ayaw nyang makidnap. Grr.
Si Jennie,makikipagdate sa libro nya.
Si Rose,may tatapusin pa daw syang session sa C.R dahil may LBM daw sya.
Dagdag pa nila,malaki na daw ako para samahan. Mag-aambag nalang daw sila sa ransom kung sakaling makidnap ako.
Napangiti ako ng maalala ko yung araw na kinidnap 'kuno' kami pero ang jending ay surprise pala yun ni Jungkook--Ehem. Wala kayong nabasa.
Anyway,pumara na ako dahil dumating na ako sa paroroonan ko.
I hope na makalimutan kita kahit panandalian lang sa sandaling ito,Cookie. Hindi lang naman kasi ikaw ang nasasaktan eh.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa di ko namalayan na nakalagpas na ako sa entrance. Ang nakakapagtaka lang ay ni hindi man lang ako sinita ng nagbabantay. Babalik sana ako sa entrance para ibigay ang entrance fee ko nang bigla akong natalisod dahil may bumunggo sakin. Nagslow-motion ang nasa paligid ko habang natutumba ako. Pumikit nalang ako and..
I feel someone's arms embrace my hips and catch me from falling.
Agad akong nagmulat ng mata at nagkatitigan kami ng lalaking sumalo sakin. Binitawan nya na ang bewang ko na kanina pa kinukuryente sa di ko malamang dahilan nang maiayos na nito ang tayo ko.
His eyes...
"Sa susunod mag-iingat ka na,Miss. Baka kapag natumba ka ulit wala na ako sa tabi mo para saluhin ka."
Nagbow ako dito at nagpasalamat na kahit hindi ko na narinig ang huling sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionAn fast paced story of JisooXJungkookXLisa. ++++ TeamJungSoo Or TeamLisCookie? An BTS and Blackpink tandem. Enjoy! **************