Part 10: The comeback

48 30 2
                                    


Lisa's P.O.V

Umungol ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng tumunog ang cellphone ko. Naman! Ang aga pa eh!

A caller ringtone? Sinong tatawag sakin ng ganitong kaaga?

"------save me,save me,
I need your love before I fall,fall--" nakapikit na inabot ko ang cp ko sa bedside table ko at hindi tumitingin sa caller ID na sinagot ito.
"Hello?...hello?" Wika ko.

Silence.

Tsk. Nantitrip ba to? Inaantok pa ko eh! Arrrggh!

"Kung sino ka mang nilalang ka na nilikha ni God sa pamamagitan ng mga magulang mo,tigilan mo ako dahil nang-iisturbo ka nang tulog ko. Alam mo ba kung ano oras pa ha?" Pwersahan kong idinilat ang mga mata ko at tiningnan ang mini clock ko sa bedside table ko.
"Fyi,alas singko pa po ng umaga. Gabi na akong natulog kagabi kaya puyat ako. At saka may klase pa ako mamayang 8:30 kaya please lang--" natigilan ako sa pagsasalita ng marinig ko ang pagchuckle ng mala-anghel na boses ng lalaki sa kabilang linya,na isa rin sa dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Oh emm--

*toot toot toot*

Napatitig ako sa kawalan habang nasa tenga ko pa ang cellphone ko.
Si Cookie ba yun?

Agad kong itinagilid ang ulo ko palayo sa cellphone ko ng magbeep ito.

'Good Morning,ne sarang.'(my love)

Napakurap  at napaawang ang labi ko habang nakatitig sa screen ng cp ko.
A tear slid down on the side of my eyes.

Am I hallucinating?

******

"Good morning Lisa!" Someone greet me from behind kaya nilingon ko ito.  Nicole. Nginitian ko ito and greet back at her.
Naglalakad na ako palayo dito ng may naggreet ulit sakin.
"Good morning beautiful." Kiana

"Hey pretty,sweet morning." Dale

"Oh oh,oh oh! My love is on fiire,oh! Like burn baby,burn-- hi there sexy! Good morning baby Lisa!"
sigaw naman ni Gabriella habang tinatanggal ang headset nito mula sa tenga nya at isinabit sa leeg nya. Tulad ng nauna kong reaction ay nginitian ko ito at i greet back. Ano bang meron ngayon at bakit parang sobrang taas ng energy ng mga estudyante ng K-POP University? Hmmm.. ?_?

Naglalakad ako sa hallway at bumalik sa isip ko kanina ang naganap sa cellphone ko. Ilang beses kong chineck ang cellphone ko kung may natanggap ba talaga akong tawag mula sa kanya pero wala itong record sa call logs ko.
Pati na din sa message box ko ay wala din akong kahit na anong natanggap na message mula sa kanya. Ano yun? Panaginip ko lang? Pero kasi parang totoo eh. Kumunot ang noo ko.
Totoo nga ba yun o panaginip mo lang dahil sobrang miss mo na sya?

Napasadlak ako sa semento ng may nabangga akong tao dahil nakayuko ako habang naglalakad. Halata sa school shoes nito na lalaki ito.
"Mianhe. Pasensya na." Nakayuko pa ring paghingi ng paumanhin.
"Okay lang." Agad akong napatingin sa kaharap ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. Ngunit agad ding nawala na parang bula ang sayang naramdaman ko ng hindi naman si Jungkook ang kaharap ko. A stranger. Yumuko ulit ako dito at umalis na sa harap nito. Malalim ang pinakawalan kong buntong hininga ng makarating ako sa pinto ng room ng first class ko. Pag-angat ko ng tingin ay napanganga ako.

Bakit mukha ni Jungkook ang nakikita ko sa bawat taong nasa loob ng classroom?! Okay pa ba ako? Kumain naman ako ng agahan,ah?
O
Miss na miss ko lang talaga sya?

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon