LoveTriangle:Bestfriends(part 1)

321 31 39
                                    

Jisoo's P.O.V

"Jisoo! I miss you,bessy!" Napalingon ako sa babaeng sumigaw sa kalagitnaan ng hallway. Napangiti na lamang ako at napailing sa kabaliwan ng bestfriend ko. Meet Lisa Gail Pink. One of my bestfriend. NAglakad na ito papalapit sakin at bumeso saka ito nagpout.

"Oh,anong mukha yan,bessy?"
NAtatawa kong saad dito habang nakasukbit ang kamay ko sa braso nito dahil hawak ng isa kung kamay ang mga librong kailangan sa next class ko.

"ANong mukha 'to? Edi duck face!" NAkabusangot na saad nito.Binatukan ko nga.

"Charrot lang bessy,hahaha!Ikaw kasi eh! Di ka man lang sumigaw pabalik ng ipagsigawan ko sa buong campus kong paano kita namiss! Hmpp!" Pabiro nitong kinurot ang tagiliran ko. Umiwas naman ako dito.
"Sorry naman,alam mo namang hindi ko kaya ang pinagga-gagawa mo." Sabi ko dito at sumandal sa balikat nito.
"Oo na,Oo na po--" napatigil kami Sa pagkukulitan ni Lisa ng biglang nagkagulo ang mga estudyante at tumili ang mga babae at mga binabae.

"Hayyy..alams na.." Sabay na wika namin ni Lisa. Di nagtagal ay bumigat ang mga balikat namin na parang pasan na namin ang mundo-- este may umakbay sa aming dalawa ni Lisa. Jungkook.
"Hey,girls. Hatid ko na kayo?" Sabi nito na nakatingin sakin at kumindat. Namumulang umiwas ako ng tingin dito. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Napatingin ako kay Lisa dahil napakagat ito ng labing umiwas ng tingin samin. Doon ako natauhan. Binaklas ko ang kamay ni Jungkook sa balikat ko at nagtaas ako ng kilay.
"Wag na,may paa naman kami eh. No need to accompanied us." Inirap ko ito ngunit tinawanan lang ako nito.
"Kailangan ko nang umalis,Lisa. Ingat kayo. Mali-late na ako sa klase. Jungkook.. " umakto akong ginilitan ang aking leeg,"ihatid mo nalang si Lisa. Ingatan mo yan! Ciao,bessy!" Kinindatan ko si Lisa at tumalikod na para hindi nila nakikitang nasaktan ako sa nakita ko.
Kumislap ang mata ni Jungkook habang nakatingin kay Lisa. Kislap ng pagmamahal.

Mabigat ang puso ko ng umupo ako sa seat ko. Itinigil ko muna ang pagdamdam sa nakita ko at pinilit na itinuon ang atensiyon sa klase.

****
"Bessy! Tara na,kailangan na nating bumili ng dress para sa ball bukas ng gabi! Shige na bessy,shige na! Puhlease?" Wika ni Lisa at nagpuppy-dog eyes ito. Napakurap ako and I smiled at her.
"Bessy,may gagawin nga ako.Matagal pa ang ball okay?"
Ako at umayos sa pagkakaupo sa kama ko." Kailangan kong bumalik sa school kasi may gagawin akong thesis. Naiwan ko yung libro ko sa locker ko na gagamitin ko sa--" napatigil ako ng pisilin nito ang pisngi ko at inugoy-ugoy.
"Anong matagal bessy? Bukas na po yun ng gabi!At saka antalino mo na bessy,tama na. Puputok na yang ulo mo sa dami ng alam mo. At saka,sa susunod pa naman yung pasahan ng thesis na gagawin natin, kaya...gala muna tayo!" At lalo itong kumulit kakahila sa braso ko at librong binabasa ko.
Nasa iisang dorm lang kami ni Lisa pero magkaiba kami ng kama.
I sigh,a sign na pumapayag ako ngunit namiss-interpret ito ni Lisa.
"Okay,mukhang ayaw mo nga. Ako na lang mag-isang pupunta sa mall,tapos ako lang din mag-isang kakain,tapos ako lang mag-isang bibili nang dress,tapos kikidnapin ako,magpaparansom sila ,tapos itatapon nalang ang katawan ko sa ilog,tapos--" natawa ako sa mga pinagsasabi nito.
"Oo na ,magbibihis na po. Aalis na tayo papuntang mall para bumili ng dress,kumain, magpapakidnap for ransom at magpatapon sa ilog. Hantay lang bessy ok? Easy lang." kumislap ang mata nito at bago pa ako dambahin ng yakap nito ay tumakbo na ako papasok sa C.R. Sumigaw ito sa labas.
"Love you,Jisoo my bessy! Sabi na eh,di mo ako matitiis! Muah!Muah!" Nakarinig pa ako ng kissing noise sa labas kaya napatawa nalang ako.

***

I wore an black crop top and white high waist short na abot hanggang kalahati ng hita ko. I partner it with my high cut black converse shoes and a bunny ears white head band. Nilugay ko nalang ang curly kong buhok and for the last touch ,I put a lip balm on my lips. Done!

Lumabas na ako ng kwarto at saktong kalalabas lang din ni Lisa wearing an fitted white polo shirt,black short shorts and pink sandals. Nakapusod ang buhok nito at iniwan lang nito ang bangs nito. MAy bunny ears din itong suot na kulay pink.
" Lika na,bessy. Ipakita natin sa mundo ang alindog ng angkan ng Black and Pink! Sugod!" Hinila na ako nito at tumakbo na kami palabas ng dorm.

***Kinabukasan

"Bessy,punta muna akong library,huh? Magbabasa lang ako ng libro. See ya!" Wika ko at naglakad na ako palabas ng classroom. Alam ko namang busy Si Lisa dahil hindi nito ginawa ang assignment nya kahapon. Napailing nalang ako Sa naalala ko. Gala naman kasi,hahaha..

"Arraso,bessy! Ingat!"At bumalik na ito sa pagsagot ng assignment nito. Napatingin ako sa harap ko ng humarang sa daanan ko si JUNGKOOK. Kinindatan ako nito. Bumilis ang tibok ng puso ko ngunit pinilit kong taasan ito ng kilay.
"Anong kailangan mo?" Buti nalang hindi ako nautal. Ngumiti lamang ito at napakamot sa batok.
"Ahmm,pwede ba tayong mag-usap mamaya sa rooftop? May sasabihin lang ako. Mamayang 7 ng gabi. Bye." Napatingin ako sa likod nito nanakatalikod na. Napahinga ako ng malalim. Ano naman sasabihin nun? Mukha kasing importante.
Pero hindi kaya,aayain nya akong maging date? Kinilig ako sa iniisip ko,Ngunit agad ding nanlaki ang mata ko.
No,No,No! Hindi pwede! Baka magalit sakin Si Lisa! Erase,erase! Umiling-iling ako.
Pero,alam ko deep inside me,umaasa ako. Na Sana ako nga ang ayain ni Jungkook na maging date nya mamaya Sa ball.
Huminga ako ng malalim.
Paliko na ako papunta sa library para kumuha ng libro ng may sumabay sakin sa paglalakad. Jennie and Rose.
"Oh,hi! Saan lakad natin? Sa library din ba?" Tanong ni Jennie sa kin. Ngumiti ako dito at tumango.
"Pasabay ha? Dun din punta namin eh."wika naman ni Rose.

"NAbalitaan nyo ba na may transferee daw galing Seoul ? 3 boys daw." Simula ni Rose at sumubo ng lollipop.
"Talaga? NAsa kalagitnaan na tayo ng semester auh? Ba't tumanggap pa sila ng transferee?" Side comment ni Jennie. Tahimik lamang akong nakikinig dahil nasa library na kami. Baka bulyawan kami ng librarian.
"Oo nga eh. Pero ang gu-gwapo daw at ang ho-hot!" Nikikilig na sabi ni Rose ngunit umayos din when the librarian glared at us. Napangiwi ako. Nadamay tuloy ako.Umupo na kami at nagpatuloy si Rose.

"BAlita ko din,mayaman ang angkang pinagmulan ng tatlo at kilala din nila si fafa Jungkook." Nagdreamy eyes pa ito at kumurap kurap. Umangat ang gilid ng labi ko para mapigilan ang tawang kakawala sa bibig ko. Binatukan naman ito ni Jennie at tumikhim ito.
"So,ano ang pangalan nila? Alam mo ba?" Eager na tanong ni Jennie. Napaangat ako ng tingin mula sa librong binabasa ko dahil tumigil ang dalawang nag-uusap sa harap ko na nakatitig sa akin ngayon. My forehead crease ng tumawa sila.
"Sabi sayo eh,interested din sya. Hahahaha." Humagalpak ng tawa si Rose not minding the weird stares na nakatuon sa kanya. Napapikit ako sa realization ko at di nagtagal ay umalingawngaw ang boses ng librarian.
"The 3 of you! Out!" Ngalingali akong lumabas dahil kumaripas na nang takbo ang dalawa kung kasama. Haist.

Pero sina kaya yung mga transferee?

At dahil preoccupied ang utak ko,bumangga ako sa isang pader. Napasinghap ako ng makitang sa hagdanan ang tumba ko. Oh my god! Waaah! Mamamatay na ako! Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagbagsak ko.

"Miss,are you okay?" Nakarinig ako ng baritonong boses kaya napadilat ako. AN angel!

"P-patay na ba ako?" Nauutal kong tanong dito habang hawak nito ang bewang ko ,marahil ay sinalo ako nito para hindi ako mategi sa hagdan. Nakahawak ang mga kamay ko sa shirt nito sa dibdib ng mahigpit.Mabilis din ang paghinga ko.

"Miss? Miss--" nawalan ako ng ulirat at tuluyan ng nandilim ang aking paningin.

****

Okay,part two na ituu! Sino kaya ang sumambot kay Jisoo sa hagdan? Kawawa naman si Jisoo, mamamatay lang dahil sa dahilang preoccupied sya at nakabunggo ng pader. Hahaha. Charring lang. XD.

Sorry po sa wrong typos and grammatical errors.Mianhe!

Click next page for part two. Kumawo~~!😉




Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon