Part 12: Kidnapped!

52 25 0
                                    


Lisa's P.O.V

Tulala akong nakatingin sa labas ng dorm namin. Sunday ngayon(malamang saturday nga kahapon diba?)kaya wala kaming pasok. Napabuntong hininga ako.

Kamusta na kaya si dad? Okay na kaya sya? Kumain na ba sya? Nagising na kaya sya? Sino na kaya ang nagbabantay na sa kanya?---
"Bessy! Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?!" My head snap back when someone wipe my cheek.
Bessy Jisoo. Pinilit kong ngumiti sa kanila gamit ang nanginginig kong labi pero tinraydor ako ng mga luha ko. Agad na lumapit sakin si Jennie at hinaplos ang buhok ko. Samantalang Rose give me back hug.

"Kay tito ba yan bessy? Ha? SSsshhh..just cry bessy,nandito lang kami. Ilabas mo lang ang sama ng loob mo bessy. Wag mong itago." Wika pa nito habang nakasubsob ako sa balikat nito.

Tuloy-tuloy lamang sa pagtulo ang luha ko ng parang bigla itong umurong sa sinabi ni Rose.
"Grabe ka naman,Jisoo. Para namang pinapatae mo si Lisa eh. Ganyan ba dapat ang sinasabi sa mga taong kailangan ng comfort?" Tila inosensenteng tanong ni Rose.

"Rose! Ano ka ba?!" Saway sa kanya ng dalawa. Humiwalay ako kay bessy at natatawang pinunasan ko ang mga luha ko.

"Oh,kita nyo na? Napatawa ko sya! Ang saya diba?" At pumalakpak ito." Woooh! Werpa!"

Napailing na lamang ako.

"Baliw ka talaga,Rose. Pero salamat sa 'unique' way mo para mapatahan ako. Yun talaga ang salitang sasabihin mo? Nagpapa--" napatigil ako ng tumikhim ang dalawa.

"Oo na,oo na. Alam ko po. Di na itutuloy yung 'gross' word na yun. Anyway,any plans for today? You know,to have fun." At tumingin sa kanila.

Alam nila na iniiba ko ang topic kapag ayaw kong pag-usapan ang isang problema. Napailing nalang sila.

Nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka nang sabay silang tumango. Tumayo ata lahat ng balahibo ko sa katawan ng ngumiti sila. Wickedly.

"Speaking of plans.." dahan-dahang wika ni bessy habang nakahawak sa bewang nya.

"Sumama ka samin."si Jennie ang nagpatuloy sa sinabi ni bessy.

Tumingin ako kay Rose upang humingi ng tulong pero ngumisi lang ito.

"Luh,anduga nyo!"

"Hahahaha! This will be fun!"

Uh-oh.   T-o-T

Help me.

******

"Pag kami talaga itinapon nyo sa abandunadong ilog,mumultuhin ko kayo!" Narinig kong angal ni Rose habang nasa van kami,nakapiring at nakatali ang mga kamay.

Come on,sinong mag-aakalang ang pinaplano nilang 'fun' ay nauwi sa 'kidnapan'. Ugh! Ayoko pang mamatay!

Dinampot nila kami habang papalabas na kami ng gate. Tinakpan nila ang mga bibig namin at binuhat na papasok ng van. God,anong gagawin namin? Iligtas nyo po kami.

"Ano bang kailangan nyo samin? Kung pera man ang hanap nyo pwes,nagkamali kayo ng pagdukot samin! La kaming pera okay? Wala! Kaya pakawalan nyo na po kami!" Sabat din ni Jennie.

Nakarinig ako ng malalim na tawa. Nanlamig ako.
"Hindi pera ang kailangan namin sa inyo. Simple lang naman ang kailangan namin sa inyo...
ang puso nyo." At humalakhak ito.
"Kuyaaaa!! Tulong! Help! Mommy ayoko dito,daddy!" Nagpapanic kong sigaw habang nagpupumiglas. Ibebenta nila ang mga lamang-loob namin for goodness sake! Shit!

"Lisa,bessy..calm down please! Kumalma ka okay? Calm down!"

"Gago! Bat mo sinabi yun? Edi nalaman nila?" Mas lalo akong nagpumiglas. Halos hindi ako makahinga dahil parang inatake ako ng panic attack ko.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon