Part 8: Problem

60 30 0
                                    


Lisa's POV

Nakatanga kaming apat kay kuya na ngayon ay payapang nakahiga sa kama ko. Nasa loob kami ngayon ng dorm namin ni bessy Jisoo matapos nyang inanunsyong pinalapa nya DAW ang mga kai-bigan namin. Di pa namin alam kong jino-joke time lang ba kami ni kuya o totoo nang naging waste product na ito ng anacondang alaga nila sa lab nito. Naku! Pag totoo talaga yun,dila lang ni kuya ang walang ganti! Hmp!

Nakatitig lamang ito sa kisame at malalim ang iniisip nito habang kami ay tahimik lamang na nakatingin sa bawat kilos nito.
Napakagat labi ako.

"Kuya--" naputol ang sasabihin ni Jennie ng i-ssshh sya ni kuya. Nakasimangot na umupo ito pabalik sa lapag at niyakap ang human size teddy bear ni Jisoo.

"Ano ba talaga ang--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Rose ng ipitin ni kuya ang labi nito.

"Tahimik nga diba? Ssssshh." Binitawan nito ang labi ni Rose at inilagay pa ang hintuturo dito. Akmang kakagatin ito ni Rose ng iniwas ito ni kuya.
Tahimik na sana nang biglang...

"Totoobangpinakainmosilasaanacodanyokuya?" Sabay kaming napatingin kay Jisoo ng bigla itong magsalita ng napakabilis. Tila hindi ata nasundan ni kuya ang sinabi nito kayat lito ang mukhang humarap ito kay Jisoo. MAgsasalita pa sana si Jisoo ng napagtantong inentertain nya si Jisoo. Naningkit ang mga mata nito at sinamaan nya ng tingin si Jisoo.

"Aish! Bakit ba ang daldal ng mga babae sa mundo? Nakakastress myghad! Matutulog ako eh! Makaligo na nga!" Tumayo ito at kinuha ang towel ko. Lumingon ito sa gawi ko.

"May jacuzzi ba sa loob,Lisa?"

Napatitig na lamang ako kay kuya habang pakembot-kembot itong naglakad papuntang CR namin.

Napailing nalang ako sa pasimpli nilang kulitan.
********

"May pasok ba kayo bukas?" Out of nowhere na tanong ni kuya pagkatapos nitong maligo at magbihis tao--este damit panlalaki. Napatigil ako sa pagstrum sa gitara ni Rose at tumingin kay kuya.

"Uhmm...may meeting bukas ang mga teachers namin kaya siguro ay wala,kuya. Bakit?" Wika ko dito. Seryoso itong tumango.

"Kailangan nating umuwi sa bahay."
Agad na parang tinambol ang puso ko sa kaba.
"May nangyari ba kuya? Bakit tayo uuwi?" Nag-aalala kong tanong dito.

"Yun ang aalamin ko pa,kasama ka. Dahil alam kung hindi ako biglang pauuwiin ni mom dito sa Pinas ng walang mabigat na dahilan. Kung reason man nila na namimiss na nila tayo ay sila na mismo ang pupunta sa atin." Umupo ito sa kama at ginagap ang kamay ko."but base on our mother's voice,there's a hint of urgency and fright hiding behind her sweet tone. At doon ako nag aalala. What if something happened? So,pagdating ko sa Airport ay dumiretso agad ako dito to fetch you."
diretsong tumingin ito sa mga mata ko.
" Sasama ka ba?"

Napabuntong hininga ako. Niyakap ko si kuya at inihilig ito sa balikat ko.

"Im sorry kuya. Nabugbog ka pa ng mga kaibigan ko eh pagod ka pala sa byahe mo. But dont worry kuya,hindi masasayang ang effort mong pumunta dito. Sasamahan kita."

******

Nasa van kami ngayon ni kuya. Nakahilig ito ngayon sa balikat ko,nakahawak sa kamay ko at tahimik na natutulog. Syempre pa,mawawala ba ang tatlong kaibigan ko?

Malamang hindi.

Nandoon sila ngayon sa likurang bahagi ng van,tahimik na pinagmamasdan ang nadadaanan naming magagarang bahay dahil nakapasok na kami sa residence kung saan nakatira sina mom at dad.

Tuluyan ng huminto ang van at ginising ko na si kuya.

"Kuya,wake up. Were here na po." Dahan-dahan itong nagmulat ng mata at kumurap para siguro makapag-adjust ang mga mata sa liwanag. Agad kong isinuot ang salamin nito ng makitang kumukurap pa rin ito. Btw,malabo talaga ang mga mata ni kuya kaya nagpapatak ito ng liquid contact lens sa mata para makakita ito ng malinaw. Hindi gumagamit si kuya ng mga contact lenses na sinusuot pa dahil kalimitang pagod si kuya at nakakatulugan na nya ito kaya malabong matanggal pa nito ang contact lens na suot. Baka mabulag pa ito.

Bumaba na kami at sabay naming inilibot ang paningin sa paligid namin. Aahh~~how i miss home. Agad na binuksan ni Manong Himines ang gate ng bahay namin ng makita kami at pinapasok na ang minamanehong van ni Manong Jaime.

"Manong Mines! Kamusta po?" Wika ko at nagmano rito. Sumunod naman ang sina kuya,Jennie,Rose at Jisoo sa pagmano.

"Aba itong magkapatid na ire eh hindi pa rin nagbabago't magagalang pa ri'in! Aba'y okay lang naman ako dini. Ke babait naman ng kasama mo Maam Lisa,ke gaganda pa. Kaibigan nyo,maam?" Tumango na lamang ako at nginitian ito.

"Ay naku ho maam,pasok na ho kayo at napakainit dini. Pasok na po mga maam,Sir Lee. Nasa loob ho sina Madam Laine at Sir Xeff."
Ngumiti nalang ako dito at nagmadaling sumunod kay kuya habang iginigiya ang mga kaibigan ko papuntang living room.

"Sige na Lisa,ako na ang bahala dito. Follow your kuya na,dont worry." Wika ni Jisoo. Ngumiti ako dito at nagpaalam na sa kanila. Ipinagbilin ko nalang sila sa kay Mayordoma ng bahay namin.

Naabutan ko si kuya sa labas ng kwarto nila mom and dad,tila naninigas. NAgkasalubong ang kilay ko dahil napapitlag pa ito naghinawakan ko ang braso nito.

"Bakit kuya? May problema po ba?" He just hushed me at hinila ako nito palayo sa kwarto nila mom. Ngunit agad akong napatigil sa mga salitang binitawan ni mom.

"Magpapakasal ang anak natin na si Lisa kay V whether they like it or not,Xeff." Alam kong bumadha sa mukha ko ang pagkagitla at pamumutla at kung hindi pa ako nahila ng tuluyan ni kuya ay sigurado akong natuod na ako sa kinatatatayuan ko kanina.

Nasa loob na kami ng kwarto ni kuya ng magproseso sakin ang lahat. Agad akong napatayo ngunit agad din naman akong pinigilan ni kuya. Hinawakan nito ang nanlalamig at nanginginig kong kamay at sinapo ang mukha ko para paharapin sa gawi nito.

Nakasalubong ko ang kalmadong mga mata ni kuya.

"Lisa,i need you to calm down okay? Breath in ,breath out. Again. Breath in,breath out. Okay,lean on my shoulder." Lahat ng sinabi ni kuya ay sinunod ko lang dahil baka magkaroon ako ng panic attack kapag hindi ko ginawa yun. Nang nakasubsob na ako sa balikat ni kuya ay nagsalita muli ito.

"Now,Scream at the top of your lungs."

And thats my cue to shout out loud.

**********

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon