Love:(part 2)

156 30 4
                                    


Jisoo's P.O.V

Nagising ako ako dahil sa amoy ng pagkain. Kasabay nun ang pagkulo ng tiyan ko. Waaah! Gutom na ko! Bumangon ako Sa higaan ko at bumaba Sa kama ko-- wait! Paano ako napunta dito? *gasp* Hindi kaya,kaluluwa nalang ako?
Tiningnan ko ang katawan ko,hindi naman ako parang transparent body. Pero-- mapatigil ako nang pumasok si Lisa sa kwarto namin. Sinalubong ko ito ng yakap.
"Bessy! Makikita mo ba ako? Nararamdaman mo pa ba ako? Mainit pa ba ako? Patay na ba--ouch!*pouts* bessy naman eh!" Pinatigil ako nito ng sundutin nito ang tagiliran ko. Malakas ang kiliti ko dun.
"Oh,natauhan kana? Hindi ka pa patay ,okay? Kung Tinatanong mo kung Paano ka nakapunta dito,b-binuhat ka ni Jungkook papunta dito. Sobrang nag-alala sya sayo,alam mo yun? Namumutla ka pa ng dalhin ka nya dito.A-ano bang nangyari?Okay ka lang ba?" Nakikita ko ang pag-aalala ng bestfriend ko sakin,pero Mas nangibabaw ang sakit sa mga mata nito.

*ehem*Oo nga pala,hinatiran ka ni Jungkook ng pagkain mo , pananghalian. Bumili na ako Nang pagkain ko Sa labas. Kain na tayo,gutom na ako eh." At lumabas na ito ng kwarto. Napahinga ako ng malalim at lumabas na ng kwarto.

Naabutan kong naghahain na si Lisa sa mesa kaya umupo na lang ako. Hindi ako sanay na Tahimik si Lisa kaya ako ang bumasag sa katahimikan.

"Galit ka ba,bessy?" Tanong ko dito ng makaupo na ito. Napahinga ito nang malalim.
"Hindi ako galit,Jisoo. Kumain na tayo." Mapaayos ako ng upo ng banggitin nito ang pangalan ko.
Kumain na kami ng tahimik. Hanggang sa natapos kaming kumain ay wala pa rin kaming imikan. Di na ako makatiis kaya tinanong ko ulit ito.

"May problema ba,bessy? Makikinig ako dito bessy." Wika ko dito.
"Wala namang problema." Simpleng saad nito at tumayo na sa sofa.
"Pero bakit ka umiiwas?" Kinulit ko na ito.
"Don't act as if you're concerned. Tinatanong mo kung ano ang problema? Fine,sasabihin ko." Tila nayayamot na wika nito. "Jisoo,ikaw ang unang taong nakaalam na gusto ko si Jungkook. Lahat ginagawa ko mapansin nya lang ako at mahigitan lang kita. Kasi sa tingin ko,ikaw ang gusto nya eh. Hindi sya mag-aalala sayo ng ganun kong hindi ka nya gusto, kung wala rin syang nararamdaman sayo. MAsakit makita na ang taong mahal mo ay may mahal na palang iba! Harap-harapan pa bessy,harap-harapan! Ano ang problema? Itong puso ko!!--" tinuro nito ang puso nya habang tumutulo ang luha nito. "Sumasakit kasi kahit na walang akong karapatan kay Jungkook,nagseselos ako. NAgseselos ako sa iyo,sa inyo! Pinaki-usapan na kitang lumayo sa kanya diba? Pero bakit kusa pa siyang lumapit sayo? Bat pinapansin ka pa rin nya kahit sinusungitan mo na sya? Kasi maganda ka? KAsi Matalino ka? Mahinhin ka? Mapera?Kasi gusto ka nya? HAhahaha!" Umiiyak na saad  nito habang tumatawa. Napahikbi ako at humawak Sa kanyang braso ng tabigin nya lang ito.

"Bessy..ginawa ko ang lahat,lumayo lang sya sakin. Nakikita mo yun bessy,sa lahat ng ginawa ko andun ka. Alam mo dapat  yun kasi andun ka. Tinarayan,sinapak,sinungitan lahat! Pero hindi ko alam kung bakit -- paano nya ako nahatid kanina eh iba ang sumalo sakin ng malapit na akong mahulog sa hagdan. Please,bessy wag naman nating pag-awayan ito. Siya naman amg lumalapit sakin ,bessy eh. Ako na mismo ang lumalayo sa kanya kahit na gusto ko sya--" napabaling ang mukha ko ng sampalin ako nito. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako dito. Mukhang siya din ay nagulat sa ginawa.
"Bes--Ji-jisoo Hindi ko sinasadya. I-im sorry!--"

"Lalaki lang ba ang sisira satin bessy? Nangako tayong hindi tayo mag-aaway tungkol dito diba? Palibhasa, pinapairal mo na naman yang pagiging selosa mo eh! Try to listen on my explanation! Wag mong pairalin yang makitid mong utak dahil sa ating dalawa,alam mo kung sino ang palaging nagpaparaya. Alam mo kong sino ba talaga ang gusto nya. Ang manhid mo! Ang manhid - manhid mo naman kasi eh! Dahil sa pagiging manhid mo,marami nang nasasaktan." Pinahid ko ang luha ko at tumalikod.

"Bessy,..--"

"Magpalamig ka muna ng ulo,Lisa. Alis muna ako." Malamig na saad ko dito at lumabas na nang dorm. Dahil lang ba kay Jungkook ay masisira kami?

Lisa's P.O.V

Tumutulo ang luhang nakatitig lamang ako Sa pintuang nilabasan ni Jisoo.
Hindi ko alam kong Ilang oras na akong nakatitig dito dahil magda-dapithapon na nang tumingin ako sa labas. Tumayo ako at pinahiran ko ang luha ko. Hihingi ako ng tawad kay bessy. Kung kailangang magparaya ako mapatawad nya lang ako,gagawin ko. Ako naman ngayon. Kaya kahit masakit,titiisin ko.

Lumabas na ako ng dorm at nagtanong tanong Sa nagkalat na estudyante Sa campus. Excited ang lahat sa ball mamayang gabi. Palibhasa may mga lovelife. Tsk.

"Oh,sorry miss." Muntik na akong tumalsik kung hindi lang ako nasalo ng isang pader  na nasa likod ko. Kailan pa nagkaroon ng pader dito sa gitna ng campus?
"Okay ka lang,Lisa?" Naghumirentado ang puso ko  nang marinig ko ang boses anghel na iyon. Nilingon ko ito at nakita kong masama itong nakatingin sa nakabangga sakin.

"Watch where you're going ,Rapmon. Nakakabangga ka ng bulaklak." He sternly said those words on the guy who had a bright smile on his face.
"KAlma lang dude,hahaha. Sorry miss beautiful." At yumuko ito sa harap namin. Yumuko din ako dito at yumuko ulit ito. Yumuko din ako at ginaya nya rin ako. Nahihilo na ako! Ganto ba magsorry ang mga korean? Paulit - ulit na yumuyuko? Ang sakit sa bangs- este batok pala.
"Rapmon.."wika ni Jungkook in a warning tone.
"Hahahaha..she's funny. Anyway,may lakad ka diba? Go,bro! Baka masira ang plano mo!" Mukhang natauhan naman ito at binitawan na nito ang bewang ko matapos nyang iayos ako ng tayo.
"Oh,I have to go,Lisa. See you at the ball later!"At kumaripas na ito ng takbo papalayo.

"Ahm,excuse me. Can i ask you,Mr.?" Nag-aalangang tanong ko sa lalaki--
"I'm Rapmon. Waeyo?" Ngiti nitong tugon.
"Nakita mo ba ang babaeng to?" At pinakita ang picture ni Jisoo.
Humawak ito sa chin nya at hinimas himas ito. Matiim itong nakatitig sa phone ko at seryosong-seryoso. Nangngalay na din ang mga braso ko ng sinigaw ito ng 'ting!'. Napapitlag at napakurap ako dito.

"Aha!Ne,ne! I saw her. Nasa rooftop ata. Di na ako sigurado kasi kanina pa sya dun. Baka kasi umalis na sya eh. You want me to accompany you to her?" He attentively answered me. Napangiti ako. Hay,salamat naman at may nakakita rin sa kanya.

"Thank you nalang. Kaya ko naman mag isa. Bye! Kumawo~~!" At nagmadaling umalis  sa harap nito.

"Take care,miss beautiful!!" At kumaway pa ito.

Hinihingal na tumigil ako sa tapat ng pinto ng rooftop. Tinakbo ko kasi ito. Ngunit napigil ko ito dahil sa narinig ko.

"Jisoo,matagal na kitang gusto. Ngayon lang ako naglakas ng loob na sabihin ito sayo. Sana gusto mo din-- ah no, mahal mo rin ako. Mahal na mahal kita. Sana,mahal mo rin ako."
Lumuhod ito at ibinigay nya dito ang hawak na pink rose.
"Can you be may date tonight? And,can you be my girl?"

And that sentence crash my heart and my world. Ang sakit-sakit.
Nanginginig ang tuhod na tinungo ko ang hagdanan habang sapo-sapo ko ang bibig ko. Ayokong may makarinig sa hikbi ko. Ayokong may makakita na umiiyak ako. Kasi malakas ako. Kasi dapat lang na matatag ako.

Baka kasi hindi na kayanin ng puso ko ang sakit..

Napadausdos ako sa kinasasandalan kong pader habang patuloy na umaagos ang luha ko.

'Kayanin mo heart,dahil kakayanin ko rin...para sa friendship namin ni Jisoo.

I have to let go Jungkook and erase my feelings for him,kahit ba ikamatay ko pa. Ako naman ngayon ang magpaparaya.

"I'm so happy for you ,Jisoo bessy." At yumuko ako para matakpan ang mukha ko na puno ng luha.

Erase him.
.
.
.
But why it supposed to be like this? It hurts,so much. And i cant breath. Cant I just die now?

*****

Uwaaaah! Why Kookie? Why?
Lisa Wag kang magpakamatay! Sayang ang lahi mo po!
Saka mahal ang kabaong ngayon Basta maganda ang ililibing,naku!

May Next page pa ba?😉

Thanks for reading!
KUMAWO~~!

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon