Part 15 : Broken Pieces

99 3 1
                                    


Lisa's P.O.V

Naglalakad na ako, I mean kami sa hallway dahil may pasok na kami. Nagdadaldalan ang kasama ko at tahimik lamang ako habang kinakapa ang kwintas na nasa leeg ko.
I was wondering kong kanino ko to nakuha. Matapos akong gisingin ng conductor sa bus at pinababa sa destinasyon ko ay naglakad na ako paalis. Nakalimutan ko pang magbayad sa conductor. Di rin naman ako siningil nung mama.
After nun,dumiretso na ako ng higa at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko kaninang umaga at maliligo na ako ay nakita ko ito sa salamin. Kaya pala parang feeling ko may malamig na nakakapit sa leeg ko.

Sino kaya nagkabit nito sakin?

Maybe its Cookie?

"Ang assumera mo talaga kahit kailan,Lisa. Magtigil ka nga." Bulong ko sa sarili.

"Oh,nabuang na ang isa sa sobrang tahimik. Lisa,tinatanong ka namin kong ayos ka lang ba? Lagpas kana sa room mo oh? Teka,may balak ka bang magcutting?" Nang-uusisang tanong ni Rose habang nakataas ang kilay.

"Baliw,hindi no. May tiningnan lang ako kaya ako lumagpas." Palusot ko.
Naging malungkot ang mata nito.

"Oo nga naman,kailangan mo din palang silipin ang mapapangasawa mo kahit saglit,sensya na. Nakalimot lang." Eika nito at nagpaalam ng umalis.

"Sige na,sundan ko lang yung isa. Baka ano na namang gawin nun,mapahamak nanaman yun. Bye! See you later!" Kumaway na si Jennie samin at tumatakbong sumunod kay Rose na ang bilis maglakad
Sinundan ko ng tingin ang dalawa.

Anong nangyari dun?

Pumasok na kami ni bessy sa loob.

"Bessy,ano ba yang kinukutingting mo dyan sa leeg mo? Kanina pa yan ah? Okay ka lang? Kanina ka pa kasi tahimik eh." Tanong nito sakin nang makaupo na kami sa upuan.

"Bessy kasi...Hindi ko alam kung kanino galing tong kwintas na to. Pagkagising ko kanina nasa leeg ko na to." Napabuntong hininga ako saka humarap dito.
"Hindi ba ikaw ang nagsuot nito sakin?"

"Bessy,kung ako man ang nagsuot nyan sayo sana sinabi ko nalang sayo at binigay nalang basta. Alam mo namang ayoko sa mga sweet nothing na gestures diba? At saka kung aki nga ang nagbigay nyan,aba big time na pala ako! Tingin mo afford kong makabili ng ganyang klaseng kwintas? Kasi by the looks of it,"
Isiningkit nito ang singkit nitong mata.
"Napakamahal nyan. Allergic ako sa mga mamahalin,bessy. Alam mo yan."

Kinagat ko na lamang ang labi ko at bumaling sa harap habang nasandal sa upuan.

Eh kanino ba kasi to galing? Imposibleng kay Santa kasi dumaan na ang Christmas.

Teka,bakit ko ba pinoproblema to? Nasa akin na eh,edi akin na to. Total,maganda naman eh. I love it.

"Ok ka na bessy?"

Nagthumbs up na lamang ako sa kanya at umayos na nang upo dahil dumating na si Prof.

********

"Buti naman hindi mo hinubad ang kwintas,milady." Napalingon ako sa lalaking tumabi sakin. V.

"Ahmm..kwintas?" Ako. Tumango ito saka ngumuso sa leeg ko.
"Yang kwintas na yan ang tinutukoy ko."

"Ikaw ang nagbigay-- imean nagkabit nito sakin?" Nanlalaki ang matang wika ko dito. Napakamot naman ito sa batok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon