Jin,Jisoo and Jungkook in multimedia.
****
(Scene where Lisa and Jisoo argue,and Jisoo walk out.)
Jisoo's P.O.V
Patuloy lang ako sa paglalakad habang tumutulo ang luha ko. Mukha na akong tanga dahil umiiyak at humihikbi ako habang mabilis na naglalakad patungo sa kung saan man ako dalhin ng paa ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa rooftop,kung saan tanaw ko ang lahat ng galaw ng mga estudyante sa baba. Hayy..bat ba kasi pareho kami ng gusto ni Lisa? Bakit ba si Jungkook pa ang mahal ko? Bakit ba mahal din sya ni Lisa? Kung alam ko lang sana na mahal din sya ni Lisa,pinigilan ko na sana ang nararamdaman ko. Sana hindi na ako nasasaktan ngayon. Napapikit ako dahil sa malamig na hangin na dumapo sa aking mukha,kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
Ngayon lang kami nagkatampuhan ni Lisa na nagtagal ng 1 oras. Masakit kasi isipin na ang nag iisa mong kaibigan,mahal din ang minamahal mo. At ayokong mag away kami dahil sa isang lalaki. Sya nalang kasi ang nag iisa kong bestfriend,kaya hindi ko kaya kung masisira ang matagal naming pinagsamahan. Tsk, Pakamatay na lang kaya ako?
"Yan ang wag mong gagawin." Feeling ko ay lumundag ang puso ko palabas at nauna nang tumalon pababa ng rooftop ng may nagsalita sa isang bahagi ng rooftop. Nakapamulsa ito habang nakatingala sa kalangitan na makulimlim,enough to give some emphasize of his skin. White as snow. Pinahid ko ang luha ko bago humarap sa kanya. WaLa naman siya dito kanina,ah? Sumulpot bigla? Kabute lang?
"Sino ka?" Sa halip ay tugon ko dito. Gumalaw naman ang ulo nito and he meet my eyes. Napakurap ako. I think his familiar.
"It hurts,you know? Nakalimutan mo agad ako?" And he gave me some innocent eyes. Nanlaki ang mga mata ko. My angel?"My angel!" I lunge my body on him. "Thank you pala kanina,ha?" At bumitaw ako sa yakap dahil nakikita kong awkward itong nakahawak sa bewang ko. Lumayo ako dito ng ngumisi ito. Huh?
"My angel? Sounds good. Is that your endearment to me? I like that." Nag apoy sa init ang pisngi kong nag iwas ako dito ng tingin.
"Hindi ah! Ang feeling mo! Bakit?
Gwapo ka? Tss." Inirapan ko ito."Hmmm..kung ganun,bakit mo ako tinawag na 'My angel'?"
Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko sa inis. Nang asar pa,ah?
"Okay,kalma lang. Ang cute mo namang mainis. May ia-ask lang ako,okay?"
At natatawang pinisil ang pisngi ko."Ano ba?!" Tinabig ko ang kamay nito,and swear,may dumaang kislap ng sakit sa mga mata nito ngunit agad ito ngumiti kaya sumingkit ang mga mata nito.
Haluh,Saan ko nakuha yun? Wierd.
"Can you be my date for tonight's ball,Jisoo?" My head snap back to where he is dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ko. Bakit nya alam ang pangalan ko?
"Nabasa ko pangalan mo dito sa I.D mo. Nahulog kasi sa I.D lace mo kanina ng mahimatay ka." At inabot na nito sakin ang I.D ko. Kinuha ko ito.
"Ano? Nakapagdecide ka na ba?" Wika nito na waring nagmamadali.
"Bakit parang nagmamadali ka? Natatae ka ba?" Natatawang wika ko dito.
Amuse itong napatitig sakin at napakurap pa ito.
"Well,sort of. Pero hindi ako natatae ha?" At pakagat labing napakamot pa ito sa batok nito.
Ang cute!-- ehem,la akong sinabi.
"A-ah kasi..kasi..." nag aalangang tugon ko dito. Lumungkot ang mata nito at muling tumanaw sa mga estudyateng nasa baba.
"Umaasa ka,ano?" ngumiti ito but it doesn't reach his eyes."Umaasa kang yayayain ka ni JK." At tumingin ito sakin.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Fiksi RemajaAn fast paced story of JisooXJungkookXLisa. ++++ TeamJungSoo Or TeamLisCookie? An BTS and Blackpink tandem. Enjoy! **************