Third Person's P.O.V
"Lisa,stop crying na. MAy pasok na tayo bukas,diba? Gusto mo bang putaktehin ka nang tanong ng mga kablockmates natin bukas kung bakit namamaga yang mga mata mo? Tahan na." Hinagod-hagod ni Rose ang likod ni Lisa habang nagsasalita. Kanina pa ito umiiyak at halos ayaw ng tumigil nito. Humihikbing sumubsob pa lalo ang mukha nito sa yakap-yakap nitong stuff toy na bigay sa kanya ni Jungkook noong first day nitong manligaw kay Lisa. Tumabi naman dito si Jennie.
"Sa lahat ng pwedeng sabihing comforting words ay yun talaga ang napili mo,Rose? Tsk. Tsk. Wala ka na ngang pag-asa." Wika ni Jennie at inirapan si Rose.
"Eh anong magagawa ko eh yun lang ang kinaya ng powers ko? Nagsalita ang nagko-comfort." Taas kilay na sagot naman ni Rose.
"Yun lang yung kinaya ng powers ko,blah blah. Wag ka nga. Aminin mo nalang na hindi ka masyadong nag-eefort." Jennie snorted.
"Jennie ha,pagod ako. Wag mo kong simulan. Atsaka,bat ba ang binibig deal mo agad ang sinasabi mong 'comforting words'?" Umakto itong nang quotation mark." eh totoo naman yung sinasabi ko kung ano ang mangyayari sa kanya bukas kung hindi sya titigil kaka-iyak. Kanina pa kaya yan."Pumagitna si Jisoo na kanina pa tahimik na nakikinig habang hinahaplos ang buhok ni Lisa.
"Guys,tigil na. Okay na. Hindi nyo na kailangan pang mag-away sa harap ni bessy ,okay? Okay lang naman na bumalik na kayo sa dorm nyo. Alam ko namang pagod na kayo eh--" hindi na naipagpatuloy ni Jisoo ang sasabihin nito ng pigilin ito ni Rose,putting her pointing finger on her lips like shushing them. Agad namang naintidihan ni Jisoo ang nais nitong ipahiwatig dahil nakita nyang payapang nang nakapikit si Lisa ngunit bakas sa mukha nito ang mga luha at pamamaga ng mga mata nito. Simula kasi ng umalis sila sa bahay nito ay walang tigil na ito sa pag-iyak matapos ang naganap na sagutan sa pagitan ng kaniyang mga magulang.
"Pasensya na Rose kung yun ang nasabi ko sayo ah. Stress na kasi ako kay Lisa eh. Alam mo namang medyo matagal na ang pinagsamahan natin pero ngayon lang umiyak ng ganyan si Lisa." True to Jennie's word,matagal na silang magkasama nina Jisoo,Rose and Lisa simula noong pumasok na sila as freshmen college sa university na ito. Ang K-POP University. Hindi lang sila madalas mag-usap nitong nakaraang buwan dahil busy sila sa kanya-kanya nilang mga projects ,idagdag pang magkahiwalay ang kwarto ng 4 na magbestfriend.
"Sorry rin Jennie,nadala lang ako sa init ng ulo ko kanina sa nangyari kina Lisa." Malungkot nitong saad. Agad na niyakap ito ni Jennie nang makitang namasa ang mga mata nito.
"Bakit sya pa,Jenn? Bakit sya pa?" Tahimik na humagulgol si Rose at pinatahan naman ito nina Jisoo at Jennie."Sshhh..Rose naman eh,ngayon pa talaga?" Sinamaan nito ng tingin si Jennie."Tomoto.Jinoke lang naman. Pero kung sina Jungkook at Lisa talaga ang para sa isa't-isa,gagawa ng paraan ang tadhana para hindi matuloy ang engagement nila ni V."
Lisa's P.O.V
Tulala akong nakatingin lamang sa kawalan habang nasa loob ng classroom. Napabuntong hininga ako at nilaro ko ang aking mga daliri. Iniisip ko pa rin kung ano nga bang nangyari kina Jungkook sa Seoul dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. 4 days nalang at magte-three weeks na silang wala. At sa araw-araw ding iyon ay unti-unti ko na ring nararamdaman ang sinasabi nilang insecurities at sobrang daming what if's.
What if natakot talaga sya ni kuya?
What if dahil dun naghanap na sya ng iba?
What if narealize nya habang nanliligaw sya sakin na hindi talaga ako ang mahal nya?Masakit mang isipin lahat yun ay hindi ko maiwasan. Isip ko na mismo ang nagsasabi nito,puso ko nalang ang sumasala at nasasaktan. Nasaan ka na ba kasi,Cookie ko?
Kinapa ko ang pendant ng kwintas ko.
Pagsinuot ko na ba tong singsing na to,babalik ka na?*******
"Bessy,baba na tayo. Kakain na po tayo." Yugyog sakin ni Bessy Jisoo dahil nakahiga na ako sa bed. Umungol na lamang ako at dumapa sa kama. Haaiist,la akong gana.
"Bessy.." bumuntong hininga ito."c'mon,isang cheese cupcake lang yung kinain mo kaninang umaga. Dinner time na ngayon bessy. Baka magkasakit ka nyan." Hinaplos nito ang buhok ko. Kinagat ko ang labi ko at umupo sa kama ko habang yakap ang stuff toy na bigay ni Jungkook sakin noong ball.(an brown fluffy huggable bear) Lumambot ang mga mata nito saka niyakap ako.
Tahimik akong yumakap pabalik dito habang pinipigilang umiiyak.
Napakacrybabay ko talaga.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Fiksi RemajaAn fast paced story of JisooXJungkookXLisa. ++++ TeamJungSoo Or TeamLisCookie? An BTS and Blackpink tandem. Enjoy! **************