Part 13: Date

26 4 0
                                    


Lisa's P.O.V

"Say 'ahh'." Binuka ko ang bibig ko ng iniumang nito ang kutsarang may pagkain sa bibig ko. Pigil ang ngiti na kumuha ito ng tissue at ipinahid sa gilid ng labi ko.
"Ang kalat mo pa ring kumain kahit sinubuan na kita. Hahaha."
Tinampal ko ang braso nito.

"Yah! Ang sama mo! Gusto mong matapos agad ang date na to?"
Banta ko dito. Nagpout ito at nagpuppy dog eyes.

"Ayaw ko. Sorry po,di ko alam na may pagkapikon pala ang soon-to-be girlfriend ko."

"Hmp!" Irap ko dito para pagtakpan ang pamumula ng pisngi ko.

Oh,Cookie. Just your words can make my world upside down. I hope I can survive.

"Joke lang yun,ano ka ba. Kumain na nga tayo ulit." At tumingin ako sa  kanya.
"Subuan mo ko,please Cookie ko?" Amazement and shock filled his eyes.
"C-cookie k-ko?" Tila hindi ito makapaniwala. Mahina akong natawa.
"Cookie ko,ano ka ba. Sinabi ko na ito sayo nung nakaraan,right? Why so shock?" Napailing nalang ako ng nanatili itong tulala.

"Ano,susubuan mo ba ako o susubuan? Im starving! Feed me Cookie ko,please?" At nagbeautiful eyes dito. Kinurot nito ang pisngi ko.
"Fine,so bossy." Nangingiti nitong saad."well you're not My Lisa if not."
"True. Subo mo na ako."
"Okay,okay. Peep,peep!! Here comes  the airplane!"
"Ginawa mo naman akong bata Cookie ko eh!"
"Bakit? Bata ka pa naman talaga ah?"
"Cookie!"

Napuno ng tawa nya ang apat na sulok ng bahay.

Pagkatapos naming kumain ni Cookie ko ay iginiya nya ako  palabas ng bahay. Naglalakad kami ngayon sa harap ng garden nila at proud nyang pinapakilala sakin ang mga bulaklak na itinanim ng lola nya. Nakangiti lamang ako kanya habang nagsasalita sya. Masaya akong pagmasdan syang may magandang ngiti sa kanyang mga labi.

Kung mawala kaya ako sa buhay nya? Makakangiti pa kaya sya?

"My Lisa? Okay ka lang ba?"
Nagtataka nitong tanong at tumigil kami sa paglalakad.

Tumitig lamang ako sa kanya na parang pinoprocess pa ang sinasabi nya.
Maya-maya pa ay nagsmirk ito.

"Alam ko naman My Lisa na may angkin kakisigan at kagwapuhan ako. Wag mo namang ipahalata  na dedz na dedz ka sakin. Kinikilig tuloy ako." And he wiggle his eyebrows while showing his infamous smirk.

Napakurap lamang ako dito. May gusto akong sabihin pero ayaw gumalaw ng bibig ko.

Biglang sumeryoso ang mukha nito at hinawakan ang kamay ko.

"Wag mo akong titigan ng ganyan,Lisa."

"Bakit,Cookie ko? Paano ba ako tumitig?" Tanong ko dito nang sa wakas ay gumalaw din ang bibig ko.
"Para kasing ayaw mong kumurap,parang ayaw mong mawala ako sa paningin mo,yung parang tingin na kahit kaharap mo lang ako ay ramdam ko yung pangungulila,yung parang isang kurap lang magvavanish ako sa harap mo."

Ibinuka ko ang bibig ko pero ng walang salitang lumabas ay sinara ko ito. Gusto kong sabihin sa kanya, magpaliwanag,pero may pumipigil sakin.

Ngumiti ako dito at hinaplos ang pisngi nya. Hinawakan nya naman ito habang malamlam na nakatitig sa mga mata ko.

"Wag mo nang isipin yun."
Dahan-dahan kong kinalas ang kamay ko mula sa pisngi nya at nagsimula nang maglakad habang magkahawak kamay.
" Siguro hindi lang ako makamove on kanina sa mga pagkain,ang sarap! Saang restaurant nyo in-order yun?"
Pang-iiba ko ng topic habang patalon-talon.

"Uhmmm,ako ang nagluto nun My Lisa." Nahihiyang napakamot ito ng batok at nakita kong namula ang tenga nito. He's blushing!

"Uy! Bakit ka namumula?" Dinutdot ko yung tenga.
"A-ako? Hindi ako namumula ah? Hindi ako nahihiya!"  Defensive nitong sagot.
"Ahahaha. Ala akong sinabing  nahihiya ka! Atsaka kitang-kita oh. Namumula ka."
"Hindi nga ako namumula."
"Ayiee..deni-deny nya!" Tinusok-tusok ko yung tagiliran nya.
Umiwas ito sakin.
"My Lisa!"
"Oo na,oo na. Wala na akong sinasabi. Paiyak ka na eh." Asar ko dito.
"Aba't sinong paiyak na,My Lisa? Hinahamon mo ata ako eh!"

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon