Part 6: Missing you

94 30 0
                                    


Lisa's P.O.V

Ano bang nangyayari dun sa field? Tss. Hindi ba nila narinig yung pagring ng bell?
"Lisa! Malalate na tayo,enebe! Let's go!" Nagpahila nalang ako kay Jisoo kaysa naman magpakain ako sa curiosity ko at hindi pa ako makapag-graduate sa college years ko. Naku talaga! Makukurot ako ni Mama sa singit.
Pagpasok namin sa classroom ay excited akong napatingin sa upuan ko,only to find out na walang kahit na anong nakalagay sa desk ko. Nasaan kaya sya. Ni ha ni ho wala man lang naligaw sa phone ko. Hanggang dito ba naman?
Nanlulumo akong naupo ni Jisoo sa seats namin at hinintay ang prof namin na dumating.

Dalawang linggo na ang nakakalipas sa naganap na 'confession night' ni Jungkook para sakin. And honestly speaking,hindi pa rin talaga ko maka-move on. Every morning ay may natatanggap akong stationery card na may sulat na 'I love you,my soon to be girlfriend' o di kaya ay 3 pink roses and Red roses. Araw-araw na makikita ko yun sa upuan ko. But now? Wala akong makita. Tulala akong umupo sa upuan ko. Absent ba sya? Bakit hindi man lang sya nagtext sakin? May nagawa ba akong mali? Hindi kaya..
Napagod na syang maghintay?
Umiling-iling ako. No Lisa,stop thinking that way. He promise,okay? 2 weeks palang ang nalilipas,suko na agad sya? Don't be so paranoid. Pero nag-aalala ako. Bakit kaya hindi sya nagtext sakin? May nangyari bang masama sa kanya?
"Bessy,ok ka lang? Kanina ka pa tinatawag ni maam." Nag-aalalang tanong sakin ni Jisoo. Napatingin ako sa paligid ko at pansin kong sinusulyapan ako ng mga classmates ko. Ganun na ba katagal akong natulala para hindi mamalayang pumasok na yung prof namin?

Pinilit ko ang sarili ko na magfocus ako sa klase pero hindi ako tinantanan ng isip ko. Jungkook,asan ka ba?

°°°°°°°°
BREAK time.

Naglakad ako papuntang bench habang may hawak na small gallon of chocolate flavored ice cream. Wala si bessy dahil may ginagawa itong thesis project nila kasama ang kadate nya nung prom. Sino nga ba yun?

"Hi miss beautiful!"
"Mi lady!"
"Jk's girl!"
"Morning."
Muntik na akong mahulog sa upuan ko kung hindi lang may sumalo sakin. Umaasang tumingala ako na sana si Jungkook na ito kahit iba ang men's perfume na gamit nito. Suga.
"Ok ka lang?" Tanong nito sakin. "Wag nyo nga syang gulatin! Gusto nyong magulat sa black eye na gagawin sa'tin ni Jk kapag nagkataong magkakagasgas si Miss Lisa?" At inayos ako nito sa pagtayo at dali-daling lumayo sa kinaruruonan ko. Hala,mabaho ba ko?
"No,No,No. That's not what we mean,miss beautiful." Agad na tanggi ni Rapmon na halos dalawang dipa ang layo sakin. Seriously?? Ganun na ba ako katransparent at nabasa na nila pati ang iniisip ko?
"Kabilin-bilinan kasi ni JK na huwag na huwag kaming lalapit sayo o di kaya ay hawakan ka lang." Wika ni Jimin.
"Kung hindi,*insertgilitleeghere* were totally dead." At umakto pang hinimatay si J-hope na sinalo naman nina Taeyhung at Jimin.
Napataas naman ako ng kilay.
"Bat nya naman gagawin yun?" Mas lalo akong nagtaka nang tumawa si Taeyhung.
"Kasi Milady,ayaw ni JK na mahawa ka sa germs namin. At ayaw nya ring ipahawak ka samin dahil ika nga nya.."back off dude,she's mine." At nagrub ito ng nose with a cool aura. Napatawa ako. Napa-'yes' naman sila at may umakto pang itinakip ang kamay nila sa mga mata nila.
Anong trip nila?
"Nakakasilaw!"
"Lumabas ang puso ko! Paki-suli!"
"Im inlove!"
Tumahimik naman ang lahat ng isigaw ni J-hope ang salitang yun. Nanlaki ang mga mata ko ng dinambahan nila ito at sinabunutan.
"Aray,aray--tama na! Joke lang yun,Ok? Aray,Jimin! Ano ba--Taehyung!" Nakatingin lamang ako sa kanila with a big question mark on my face.

"May anghel na bumaba!"Sigaw ni J-hope at dun lang sya tinantanan ng boys. Mukha tuloy itong dinumog ng limamput pitong puting pusa. Hihihi.

"Boys,our victory sing and dance.." Rapmon said. Kumembot naman sina Taehyung at J-hope.
"We did it! We did it,we did it,Yeah! Yes We did it,We did it!"
Tuluyan na akong napatawa dahil may kasama pang giling at kembot ang ginawa nila nang kumanta sila 'WE did it' ni Dora the explorer.
"Good,tapos na namin ang mission namin kaya alis na kami Miss Lisa!"
"Bye Milady!"
"Bye Miss beautiful!"
"Von boyage,Lisa!"
Nakatanaw lamang ako sa kanila habang naglalakad na sila paalis. Mission? Anong mission? At ,shyete! Hindi ko sila natanong kung nasaan si Jungkook! Aish!

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon