Chapter 10

54.6K 1.4K 338
                                    

Wearing my wine-red mini dress from Oscar de la Renta, gold ankle strap heels, and gold necklace, I gazed at my reflection in the full-length mirror. I curled my hair, put on some make up and a dark red lipstick.



Pag labas ko ng kuwarto ay wala nang tao dahil sa tagal kong mag-ayos. Lumabas na 'ko ng suite at bumaba sa kanilang restaurant. Uuwi na kami mamaya pero magdi-dinner muna raw kami kasama ang mga staff.



Nang makarating ako doon ay naroon na silang lahat. Ang walang hiyang Wyatt na 'yon ay hindi man lang ako hinintay. Nang makalapit ako sa kanila ay napansin nila ako kaya lahat sila ay napatingin sa akin. Ngumisi si kuya sa akin kaya inirapan ko siya. Si Wyatt ay busy sa pakikipag-usap sa babaeng hindi ko kilala.



Agad na kumunot ang noo ko at binilisan ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming lamesa.



"Ang tagal mong nag-ayos tapos hindi mo pa 'tinodo 'yung ganda mo?" Bungad sa akin ni kuya Sage kaya binigyan ko siya ng sarkatikong ngiti.



"Ang tagal mo nang tao pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado." Sabi ko na ikinatahimik ng mga staff. Humagalpak naman sa tawa si kuya Loren at daddy pero si Wyatt ay nakangisi lang habang nakatingin sa akin. Yes, I'm here now, you prick.



Umupo ako sa tabi ni kuya Sage at nasa harapan ko si Wyatt. Sa tabi niya 'yong babaeng halatang may lahi at well, okay, maganda rin. Maputi siya, tingin ko ay mas matangkad siya sa akin at mas mature dahil mukhang magkaedad sila ni Wyatt. Mas malaki rin ang hinaharap niya at mataray ang kaniyang mga mata kaya mas lalo akong nainis.



Hindi ko namalayan na tinititigan ko na pala siya kaya nang mapansin niya ako ay ngumiti siya sa akin. Damn, even her smile looks so pretty! Nakakainis. I just cleared my throat and started putting some viands on my plate. Bakit ba kasi sila magkatabi?



Nag-uusap sina kuya Loren at dad tungkol sa nalalapit na kasal. Ang pamilya ni ate Celine ay umuwi na pala kaninang umaga. Busy naman si kuya Sage sa pag tipa sa kaniyang phone kaya siniko ko siya para pansinin niya ako.



"What?" Bulong niya.



"Stop texting." sita ko sa kaniya.



"I just replied to Luke, his bruise is finally gone now." Sagot niya na ikinabigla ko. Oo nga pala, siguradong nag pasa iyon dahil sa sapak ni Wyatt.



Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain nang mapansin kong wala si Cohen. I turned to ate Celine who's now talking to that girl.



"Ate Celine," I called her and she turned to me at once.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon