Nang mag mulat ako ng mata ay pamilyar na kulay ng hospital ang sumalubong sa akin. Kunot-noo kong inilibot ang paningin ko at nakita si Wyatt na nakaupo at nakayuko, marahil ay tulog. Nakahalukipkip siya at nakasampay ang tux niya sa upoang katabi.
Nasa loob kami ng isang kuwarto at may mga apparatus sa tabi ng kama, pero hindi iyon nakakonekta sa akin dahil natulog lang naman ako at wala akong sakit. Nang maalala ko si daddy ay mabilis akong napabalikwas at lumikha iyon ng ingay sa kama kaya napamulat rin si Wyatt.
"Bernice," tawag niya at tumayo habang kinukusot ang mata gamit ang isang kamay.
Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong bumaba sa kama, hindi ko na isinuot ang heels ko at naka paa lang na lumabas ng kuwarto.
"Bernice!" Narinig kong sumunod siya sa pag labas ko. Dumiretso ako sa emergency room.
Nakita ko ang pamilyar na doctor kaya lumapit ako sa kaniya. Nang mamataan niya ako ay natigilan siya at mukhang hindi alam ang gagawin.
"Doc," I called while panting, "I.. I'm sorry for what I did earlier, I wasn't thinking straight." Paumanhin ko. Napatitig siya sa akin at hindi ko rin alam kung anong itsura ko ngayon dahil kakagising ko lang.
Marahan siyang tumango at tumingin sa likod ko kung nasaan si Wyatt, ibinalik niya ang tingin sa akin. "It's alright, I understand." Tipid niyang sagot kahit hindi naman ako kumbinsidong ayos lang iyon sa kaniya. Sa pinta ng mukha niya ay tila natatakot siya sa akin.
Bumuntong hininga ako at iwinaksi ang iniisip. "Where's my dad?" Tanong ko at sumulyap sa emergency room. Hindi ko makita ng maayos ang loob kaya sumuko na lang ako at tumingin sa doktor.
"He's done receiving the donor's blood. Fortunately, their blood perfectly matched with each other. He's in a private room now, you can go there." Sabi niya kaya nakahinga ako nang maluwag.
But wait, someone donated blood for my father? Who is it? Kumunot ang noo ko at magtatanong pa sana nang bigla niya akong tinalikuran at umalis.
Napabuga ako ng marahas na hangin at nilingon si Wyatt. "Where's my father?" Tanong ko sa mababang tono.
"Wear this first," sabi niya at inilahad sa akin ang heels ko. Hindi ako sumunod kaya bumuntong hininga siya at lumuhod gamit ang isang tuhod. Natigilan ako nang hawakan niya ang isang binti ko at itapat sa heels.
"Akin na nga." Binawi ko ang paa ko, "Ilapag mo diyan." Utos ko na ginawa naman niya. Isinuot ko iyon nang nakatayo at hindi na ini-lock ang strap, nang matapos ay tumayo siya at nauna nang maglakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/123636644-288-k377928.jpg)
BINABASA MO ANG
La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomanceCOMPLETED | UNDER REVISION The Eleanors are well known as the richest and the most powerful clan among the people of La Cuevas, Cebu. Azalea Bernice Eleanor was treated like a princess in La Cuevas for being the only girl and the youngest...