"Magkakilala kayo?" Tanong ko nang matapos ligpitin ni kuya Aries at Wyatt ang mga bubog sa sahig. Si Eva ay nakatayo sa may pintuan at tila ayaw nang tumuloy sa pagpasok. Si kiya Sage naman ay katabi ko sa upoan.
"Upo ka, Eva," anyaya ko sa kaniya pero ngumiti lamang siya ng pilit at umiling. "C'mon, hindi puwedeng nakatayo ka lang diyan." Pilit ko at tumayo na ako para hilahin siya.
"Pero Lea.." hindi ko pinakinggan ang hinaing niya at pinaupo siya sa tabi ni kuya na nakatingin lang sa tv. Nakahalukipkip ito at tila hindi sila magkasundo.
I wonder if she's the girl he's always visiting here in El Nido? Siya kaya? Pero halata namang may gusto itong si Eva kay kuya Aries. Hay, kawawa naman ang kuya Sage ko. Siguro karma niya ito sa pag hihiwalay sa amin ni Wyatt noon. Joke. Ayoko namang masaktan siya kaya sana ay magkaayos na sila kung ano man ang problema nila.
"Maiwan ko na muna kayo diyan, mag-usap kayo." Sabi ko at pinanlakihan ng mata si kuya nang bumusangot ito sa akin.
Umalis na ako sa sala at pumasok sa kusina kung nasaan sina Ate Celine at Tatiana. Naghahanda sila ng mga pagkain habang nagkukwentuhan. Si kuya Loren, kuya Aries, papa, at Wyatt ay nagtungo sa garden para daw mag-usap. I wonder what they were talking about right now, but I want to give them their privacy for their man-to-man talk.
"I miss your son," sabi ni Tatiana.
"Naku, I can't bring him hear kasi mahaba ang biyahe at hindi rin naman kami magtatagal. Anyway, how's Lea here?" Nang marinig ko ang pangalan ko ay natigil ako sa paglalakad at nagtago sa likod ng cabinet na lalagyan ng mga kasangkapan.
"She's fine, I think. Wyatt is courting her, nagulat nga ako e.. " sagot niya.
Marahang tumango si ate habang kumukuha ng plato. "That's not surprising, matagal ko na iyong napapansin. Ang batang 'yon, nagtatampo siguro dahil hindi nabibigyan ng atensiyon sa La Cuevas. Her brothers and father really love her.." sabi ni ate Celine kaya lumamlam ang mukha ko.
"Of course. Maybe she just wanna find herself first, we can't blame her. It must be too much to handle at once, 'no? Balita ko muntik na siyang ma-rape? Aries was fuming mad that he even hired men to avenge his sister. He went with them that night, did you hear?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon.
"Yes, my god. Even Loren and Sage were there. Dapat nga ay noong isang lingo pa kami pupunta rito, pero dahil may mga sugat ang kamay ng magkapatid ay pinagpaliban na muna namin. Baka makita ni Lea, e, bilin pa naman ni Wyatt na ayaw raw ni Lea ng ganoon."
So it's not Wyatt's doing? It was my brothers?! Parang kinurot ang puso ko sa isiping nakaya nilang manakit ng tao para sa akin. Bago ako umalis, akala ko ay wala na silang pakielam sa akin. I was wrong.. pero teka, alam rin ni kuya Aries? Hindi niya sinabi at hindi niya ako tinanong tungkol doon. He's so considerate of my mental health that he didn't open it up again.
![](https://img.wattpad.com/cover/123636644-288-k377928.jpg)
BINABASA MO ANG
La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomanceCOMPLETED | UNDER REVISION The Eleanors are well known as the richest and the most powerful clan among the people of La Cuevas, Cebu. Azalea Bernice Eleanor was treated like a princess in La Cuevas for being the only girl and the youngest...