Chapter 12

50.8K 1.5K 214
                                    

Kinabukasan ay medyo masama ang gising ko. 6 o'clock nang bumangon ako at naligo para mag gym. Before 7 ay naroon na ako. Tinatamad ang katawan ko pero pinilit kong tapusin ang routine ko at ginugol ang higit sa isang oras sa pagwo-work out. Nang matapos ako ay ibinagsak ko ang sarili ko sa sahig.



Nakahiga ako sa wooden floor habang hinihingal na nakatanaw sa kisame. Inabot ko ang cellphone ko sa gilid at tinignan ang oras. 8:32am. Huminga ako nang malalim at tumayo na. Inabot ko ang towel sa sahig at pinunasan ang noo ko nang bumukas ang glass door at iluwa noon si Wyatt na bagong gising.



Nakasuot siya ng puting t-shirt at shorts, hindi siya nakasapatos kaya siguradong hindi siya mag g-gym. Pinagmasdan ko siya nang maglakad siya patungo sa isang weight bench kung saan ko ipinatong ang bottled water ko. Kinuha niya 'yon at lumapit sa akin.



Nang makalapit siya sa akin ay binuksan niya ang bote at inilahad sa harap ko. Nagtataka man ay tinanggap ko nalang 'yon dahil seryoso ang kaniyang mga mata at nauuhaw na rin naman ako.



Habang umiinom ako ay nakahalukipkip siyang pinapanood ang pag galaw ng lalamunan ko kaya na conscious tuloy ako. Mabilis kong tinapos ang pag-inom kaya may ibang tumulo sa gilid ng labi ko pero hinayaan ko nalang dahil maliligo rin naman ako.



Nang matapos ay kinuha niya sa akin ang bote at tinakpan bago ito bitawan kaya bumagsak 'yon sa sahig.



"What's your—" hindi ko na naituloy ang balak kong sabihin nang agawin niya sa akin ang towel ko at siya na mismo ang nagpunas ng aking pawis.



Okay? Ano'ng nangyayare?



Hinayaan ko siyang idampi ang towel sa gilid ng ulo ko, sa pisngi, panga at pababa sa aking leeg. Pinunasan niya rin ang labi ko na basang-basa pa. "Kaya ko na.." pigil ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig.



Tinuloy niya ang pagpunas sa akin hanggang sa aking mga balikat at nang matapos ay itinapon niya rin ang towel sa sahig. Ano bang problema ng isang 'to? Ayos naman kami kagabi ah.



"I woke up just now," panimula niya.



"Obviously." Hindi kona napigilan ang pamimilosopo dahil sa inis. Kakagising niya lang pala e bakit sya dumiretso dito at binibigyan ako ng silent treatment?



"And I just realized one thing." Dadag pa niya. Hinayaan ko nalang. Nanahimik ako at humalukipkip para hintayin ang sasabihin niya. "My day is a lot better with your kiss first thing in the morning."



Otomatiko akong napaubo nang sabihin niya 'yon, pakiramdam ko ay bumara ang laway ko sa aking lalamunan. Ano ba naman 'yan, wala bang preno ang bibig neto? Tumingin ako sa glass door para siguruhing walang tao at nang bumalik ang tingin ko sa kaniya ay humakbang na siya palapit sa akin.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon