Chapter 18

48.8K 1.2K 108
                                    

Sa sobrang dami ng nangyayari sa bawat araw ko ay hindi ko na namalayan ang pagsapit ng pangalawang semester.



Biyernes ngayon at narito kaming magkakagrupo sa isang kiosk upang mag brief meeting. May ipinapagawa kasing film sa amin sa E-tech at next week agad ang deadline kaya kailangan na naming mag shoot this weekend.



"Script reading tayo mamaya tutal ay vacant natin ng two hours after lunch, kami na ni Kim ang bibili ng mga props and costumes pag-uwi." Sabi ni Kristine, ang group leader namin.



Tumango ang mga kasama ko habang nag-susulat naman ng planner ang secretary namin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang makaramdam ako ng kirot sa aking ulo.



"Kailan ang shoot?" Tanong ni Liam.



"Bukas agad, 6:30 ang call time. Ang mag exceed sa 7 ay may penalty, 50 pesos per minute." Sagot ni Kristine kaya napasinghap ang marami. Huminga ako ng malalim at umayos ng pagkakaupo para maging komportable.



"The heck, kung ma late ako ng 30 minutes ubos ang allowance ko!" histeryang reklamo ni Behati.



"That's why you shouldn't be late, it's that simple. Now you can all go so you could have an early lunch and be back before one." Pagtatapos ni Kristine kaya tamad na kumilos at nagpaalam ang mga ka grupo ko.



"Saan ka kakain?" Tanong ni Kim sa akin.



Ipinasok ko ang binder sa aking bag bago sumagot. "Uh, hindi na siguro ako magla-lunch. Tatapusin ko na 'yung essay kay Ma'am Brendz regarding terror bill." Tumayo ako at isinuot ang aking bag.



"Oh? Monday pa 'yon, ah. Wait, may sakit ka ba?" Tanong niya at bahagyang lumapit sa akin. " Ang putla mo, Lea.." puna niya na nagpakunot sa noo ko.



Umurong ako para makalayo sa kaniya. "I'm fine." Sagot ko. "Marami tayong gagawin sa weekend, ayokong mahuli. Bye!" paalam ko at naglakad na patungo sa Shakespeare's building kung nasaan ang library.



Marami ang bumati sa akin at nginitian ko lang sila dahil nagmamadali ako, at medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. I only have one hour to finish my essay. Kailangan kong pagbutihan lalo pa't hindi tumatanggap ng dalawang page lang si ma'am.



Nang makarating ako sa lib ay umupo ako sa may dulong desk at ipinatong ang mga gamit ko. Umupo ako at bumuga ng hangin bago inilabas ang macbook ko. Nag-search muna ako ng mga sources particularly with the most relevant articles about the topic to gather some facts and information regarding terror bill.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon