"Lea.. wake up,"
Kumunot ang noo ko at unti-unting nagmulat ng mata. Sinalubong ako ng maaliwalas pero seryosong mukha ni kuya mula sa driver's seat.
Tinakpan ko ang bibig ko para humikab dahil inaantok pa ako. "We're here." Sabi niya kaya rumagasa ang excitement sa katawan ko.
Dinungaw ko ang labas ng bintana at nakita ang malaking bahay na may kulay puti at itim na kulay. Hindi ito kasing laki ng mansiyon namin sa Cebu, pero sa itsura pa lang ng labas, ay masasabi kong maganda ito.
Bumaba si kuya Aries at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Ngumuti ako kahit pupuyos-puyos pa dahil kagigising ko lang. Nang makalabas ako ay kinuha ni kuya ang maleta ko mula sa likod ng kotse at binitbit.
"Ako na," presinta ko pero iniwas niya iyon sa akin at isinenyas na umabante na ako. Nang hindi ako gumalaw ay tumaas ang isang sulok ng labi niya at nauna nang maglakad.
Napalunok ako at marahang sumunod sa kaniya. Magkahawak ang aking mga kamay sa aking harapan at tila namimilipit ang tiyan ko. Shit, sa sobrang kaba ko, pakiramdam ko ay matatae ako.
Binuksan ni kuya ang gate na kulay itim at naunang pumasok. Mariin akong umiling at pumikit bago nagbuga ng marahas na hangin. Inayos ko ang long sleeves ng dress ko at sumunod sa loob.
"Welcome here," sabi ni kuya nang makapasok kami. Nilingon ko siya ng may nag-aalalang tingin dahil kinakabahan talaga ako.
Naglakad siya patungo sa kung saan at naiwan ako sa kanilang sala. Puro puti, itim at brown ang nakikita ko. Moderno ang disenyo ng bahay at malinis itong tignan.
I heard kuya Aries is an Architect, maybe he designed this himself? What a great work. This is honestly awesome.
Natigil ako sa pag-iisip nang lumitaw sa aking paningin ang pamilyar na si Tatiana na hindi man lang nagulat na makita ako. Katabi niya ang isang may edad na lalaki. Kusa kong nahigit ang aking hininga nang magtama ang paningin namin. Mangiyak-ngiyak ang kaniyang mga mata at napupuno iyon ng galak.
Lumabas mula sa gilid si kuya Aries at lumapit sa matanda, he looks younger than daddy, but his skin is moreno just like his son. May ibinulong si kuya Aries sa kaniya at mabilis siyang tumango.
"Lea, this is papa.. his name is Sergio.. you can call him anything you're comfortable with." Sabi ni kuya.
Unti-unti kong pinakawalan ang mga hangin na naipon sa aking dibdib. Ngumiti ako at naglakad papalapit sa kanila. I don't know, somehow.. his face seems so intimidating, but soft. Huminto ako sa harapan niya at yumuko para tanawin ang may kulubot niyang kamay.
BINABASA MO ANG
La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomansaCOMPLETED | UNDER REVISION The Eleanors are well known as the richest and the most powerful clan among the people of La Cuevas, Cebu. Azalea Bernice Eleanor was treated like a princess in La Cuevas for being the only girl and the youngest...