6:30 am na at bihis na bihis ako para sa shooting namin ngayon. Ang sabi ni Kristine ay magsuot ako ng damit na madaling tanggalin para hindi na 'ko mahirapan mamaya sa pagpapalit ng damit.
Nagsuot lang ako ng white tank top, black high waist shorts, at black sneakers. Nagdala ako ng make-up at curler saka inilagay sa isang paper bag bago lumabas ng aking kuwarto.
Naabutan ko sa sala si Wyatt pero hindi siya nag-iisa. Prenteng nakaupo si Wyatt sa isang single chair sofa habang nakatayo naman si Luke sa harap ng coffee table.
Nagtataka akong lumapit sa kanila at sabay silang napatingin sa akin.
"Luke.. you didn't tell me you're coming." sabi ko nang makalapit, bebeso sana ako, kaso sa talim ng titig ni Wyatt sa kaniya ay dumistansiya na lamang ako.
"We need to talk." Diretsong ani niya na ikinatigil ko. Napalingon ako kay Wyatt na kunot ang noo at tila hinuhusgahan na ang buong pagkatao ni Luke sa isip niya..
Mabilis akong nagbalik ng tingin kay Luke. "M-maybe not now, I'm off to somewhere with my group mates." Sabi ko at pilit na ngumiti.
"You're really not taking this seriously." sabi niya kaya nahigit ko ang aking hininga. Kinakabahan ako na malaman iyon ni Wyatt at makaapekto sa pagtatrabaho niya. Kung nagkataon ay siguradong magkakagulo sa bahay.
"I.. I just don't think it's the right time yet—" he cut me off.
"Then there will be no right time for this. This is a serious matter, Lea, you can't just let them get away with it." Sabi niya.
"What are you talking about? "Biglang sabat ni Wyatt na ngayon ay nakatayo na kaya dinagungdong ng kaba ang dibdib ko.
Pinanlakihan ko ng mata si Luke at binantaang 'wag niyang sasabihin, "Ah, nothing." Ngumiti ako kay Wyatt bago ibinalik ang tingin kay Luke, "We'll talk some other time, Luke, please.. malelate na 'ko." 'yon lang ang paalam ko bago naunang lumabas para umiwas sa kanila.
Dumiretso ako sa BMW na iniiwan ni Wyatt dito para may magamit siya sa tuwing uuwi. Bukas 'yon kaya pumasok na'ko sa shotgun seat at ipinatong ang paper bag sa back seat.
Isinandal ko ang aking likod sa backrest at bumuga ng marahas na hangin. Kinakabahan ako sa tuwing iisipin na magsasampa ako ng kaso at makukulong ang mga may gawa sa akin noon. Hindi ko alam kung bakit. May kung ano sa akin na nagsasabing huhusgahan ako ng mga tao kapag kumalat ito. They know me for wearing such revealing clothes. Ayokong isipin nil ana kasalanan ko rin naman kung bakit ako nabastos. Pakiramdam ko gusto ko nalang iyong takasan at kalimutan.
![](https://img.wattpad.com/cover/123636644-288-k377928.jpg)
BINABASA MO ANG
La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomansaCOMPLETED | UNDER REVISION The Eleanors are well known as the richest and the most powerful clan among the people of La Cuevas, Cebu. Azalea Bernice Eleanor was treated like a princess in La Cuevas for being the only girl and the youngest...