"I can't believe that instead of buying souvenirs, we're out here to find my first love! What the heck is wrong with you girls! "Buwelta ni Brianna habang naglalakad kami palabas ng beach side.
"Bakit, ayaw mo ba? Ano nang nangyare sa 'I'll make him remember me at all cost' mo?" Natatawang sabi ni Moli.
"I was drunk then you know!" Depensa ni Brianna pero hindi namin sya pinakinggan. 'Yon naman kasi ang plano para sa huling araw namin sa El Nido.
"You literally lost contact? Any socials?" tanong ni Cora.
"I am not telling you his name!" histerya niya.
Nakasuot kaming lahat ng floral dress habang nagtitingin sa paligid. "You said he's exactly in El Nido, right? Kung talagang guwapo 'yon ay siguradong kilala siya rito kaya magtanong nalang tayo. Girl, it's now or never!" Suhestiyon ni Cora na sinang-ayunan naman namin.
"Ano bang itsura no'n? Describe mo na lang." Sabi ko.
Nilingon nya ako at sumimangot siya. "Duh, grade 6 pa kami noon, malay ko bang nag-iba na ang mukha niya ngayon!" Wika nya kaya napangiwi ako. She has a point.
"Edi sabihin mo nalang ang pangalan! Pa suspense ka pa makikita rin naman natin 'yon." reklamo ni Moli.
Inirapan siya ni Brianna at humalukipkip. "Ayoko."
Napaikot ako ng mata at nauna nang maglakad sa kanila. Nakalabas na kami ng beach side at marami nang mga tao sa daan. "Bahala ka, magtatanong ako ng baklang guwapo dito!" Sigaw ko at binilisan ang takbo.
"You bitch! "Sigaw nya at humabol sa akin. Tumakbo ako habang tumatawa, kahit pa mukha kaming mga siraulong naka dress ay hindi naman kami masyadong tinitignan ng mga tao dahil halos mga turista rin ang nakikita namin.
Humahagikgik ako sa pagtakbo nang bigla akong mapahinto. Napatitig ako sa isang Maybach na huminto sa gilid ng main road. Bumaba mula roon ang pamilyar na lalaki na siyang nagpatigil sa akin. Napaawang ang bibig ko at natulala nang muli ko siyang makita.
Huminto rin ang mga kaibigan ko sa aking tabi at napatingin sa lalaking tinatanaw ko ngayon. Laglag ang mga panga nila nang masilayan ang lalaking nakita ko noon sa souvenir shop at pumili ng kwintas ko.
"Shit, I love Palawan." Biglang sabi ni Molina.
Isinuot niya ang kaniyang aviator bago umikot sa passenger's seat at binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)
Roman d'amourCOMPLETED | UNDER REVISION The Eleanors are well known as the richest and the most powerful clan among the people of La Cuevas, Cebu. Azalea Bernice Eleanor was treated like a princess in La Cuevas for being the only girl and the youngest...