Chapter 24

47.3K 1.4K 563
                                    

Cw: Self harm
———


Sa pagkakaalala ko, wala akong gusto na hindi ko nakukuha. Nabuhay ako sa karangyaan at hindi nakaranas ng kahirapan. I am the happy go lucky princess of La Cuevas.



Pero may princessa bang ampon? Hindi tunay na anak? Sampid?



I didn't have to see papers and tests to justify my obvioius hunch. I've been feeling it the past few days. It's slowly, naturally coming to me.



Tulala akong pinagmamasdan ang repleksiyon ko sa salamin. Namumugto ang mga mata ko at bakas ang lungkot sa aking mukha. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng ito nang sabay-sabay. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.



Narinig ko ang pag vibate ng cellphone ko kaya tamad ko itong inabot. May mga message mula kina Cora at Brianna na hinahanap ako dahil matagal akong hindi nagparamdam.



Bumuntong hininga ako at inihagis ang cellphone sa kama. Tinignan ko ang wall clock ko at napansin ang oras. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto ko para bumaba at kumuha ng gamot ni daddy.



May mga gamot at vitamins nang nakahanda base sa oras ng pag-inom ni dad kaya hindi na ako nahirapang hanapin iyon sa kusina. Dinala ko ang mga iyon sa isang tray kasama ng isang basong tubig at muling umakyat.



Naglakad ako patungo sa kuwarto ni daddy na salungat sa direksiyon ng kuwarto ko. Tahimik ang hallway sa paglalakad ko, at dahil bahagyang nakaawang ang pintuan ng kaniyang kuwarto, naririnig ko ang boses ni daddy at mga kuya ko na nag-uusap. Kusa akong huminto nang makalapit doon.



"Please, Loren.. I want to meet her.." it was dad with his weak, old voice.



Umurong ako nang kaunti at nanatiling nakikinig.



"But we're not yet sure, dad. Si mom na ang nagsabi na namatay siya sa sunog noon." Boses ni kuya Loren. Bigla akong kinabahan, are they talking about Sadie? Are they looking for her?



"W-what about Lea? I can't believe you kept this to us, dad, kuya. Imagine how she's feeling right now? My sister is not dense to feel nothing!" Sabi ni kuya Sage kaya napasinghap ako, if only you would know, kuya, even your conversation right now is killing me.



"We didn't want to confuse you since it happened when you were still very young. Besides, we have Lea now." Sagot ni kuya Loren. Humigpit ang hawak ko sa tray at tila nanghina ang mga tuhod ko.



I didn't ask for any confirmation, but I'm receiving it now. So it's true, na ampon ako.. parang gusto kong matawa. I was a replacement because they lost their youngest sibling? Am I really accepting it? Bakit hindi ako nagwawala ngayon? Bakit hindi ako umiiyak kagaya kahapon? Ano? Wala na bang luhang natitira sa akin? Naubos ko na lahat?

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon