A/N:
Hello ellabsyousomuuch! Dahil isa ka sa mga followers ko. Para sayo ang chappy na ito! ^__^
Alam ko mabagal ang phasing ng story! HAHAHA kalma lang mahahanap nya rin si Star sa tamang panahon. Sa ngayon ganito muna tayo. Anjan naman si KEIpal eh! Sakanya muna ang eyes natin! Ahohoho.
-EL
*****
Papalabas na sana ako ng school. Nang Magisa nanaman. -_- Iniwan kasi nila ako! Yung pinagbiyak na tae na sina Heart at Katy. Ayun sinundan yung jeep na sinakyan ng crush nilang engineering. Mga baluga talaga. Si Ate Ben naman ayun inindyan din ako! May inutus na naman daw yung tito niya! Ano yun? Everyday utusan? Psh.
Feeling ko talaga naglilihim yun eh! Nakakainis Loner tuloy ang peg ko ngayon!
Tapos magiging emo na ako! Uupo na ako sa pinakadulo at sulok ng room!
Tapos magpapabangs narin ako na hindi kita ang isa kong mata!
Tapos maglalagay narin ako ng eye liner!
Waaaaaah! Ayokoo!
Masakit maglagay ng eye liner! One time nga nung naglagay ako ng eyeliner isang araw akong nagluha! Para tuloy mukhang kinagat ng ipis yung mata ko! Pinandirihan nila ako! Ahuhuhu! T^T
Nang malapit na ako sa gate ay agad akong napatigil ng makuha ang attention ko ng may Makita akong isang pamilyar na tao!
Si Ate Ben?!
Akala ko ba mauuna na siyang umuwi kasi may inutus sa kanya ang Tito niya?! Wat Iz Da Meaning Of DIz?! OoO
Nagtago ako sa may damuhan sa gilid ng gate. Nasa labas kasi si Ate Ben at mukhang may hinihintay siya! Hmm. Sino kaya?
Habang nag-aala spy ako ditto sa damuhan may nararamdam ako sumasagi sa braso ko.
*Hampas*
*Hampas*
Hinahampas ko yung braso ko ng hindi tumitingin. nakikiliti kasi ako! *o*.
Pero bakit ganito to? Parang parang hindi naman damo tong sumasagi sa braso ko!
*Hampas*
Nang hampasin ko pa nang isang beses ay agad nagulat ako ng may mahawakan ako! Hindi ko parin yun nililingon. Kinapa ko lang siya ng kinapa! Parang-parang malambot? Hmm.
*Kapa*
*kapa*
Mahaba?
Malaki?
Agad akong napalunok ng madami ng mapagtanto ko yung kung ano yung kinakapa ko. OoO
K-kamay? *gulp*
Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng kamay ng kinakapa ko. Napa atras ako at napabitaw sa kamay ng Makita ko kung kaninong kamay yun. Kusang nag activate ang mga muscles ko sa mukha at agad nagsalubong ang kilay ko.
“IKAW?!”
“MEDI!” ^__^
Grr. Ano bang ginagawa niya ditto?! Muli akong napalingon sa lugar kung saan nakatayo si Ate Ben kanina pero nagulat ako ng bigla siyang nawala sa kinatatayuan niya. Waaaaah! Asan na siya?!
Nagmadali akong lumabas sa pinagtataguan ko at tumakbo na palabas ng gate para hanapin si Ate Ben. Inikot ko ang paningin ko at tiningnan ang bawat taong nasa di kalayuan ng gate. At ayun! Nakita ko siya! Naglalakad palayo!
BINABASA MO ANG
FINDING OP (ON-HOLD)
RomanceOPERATOR. Bukod sa pag ooperate ng facebook at twitter account ng mga fictional characters. Saan mo paba sila mahahagilap. Kung ang tanging alam mo lang sa kanya ay ang code name niya. Paano mo nga ba siya mahahanap? Tara't ating samahan si Demi sa...