A/N:
Hello Marianesss022 para sayo ang chapter na ito! ^__^
Look at the picture on the side------>
Pinagiisipan ko pa kung siya ba ang gagawin kong KEI pero katulad nga ng sabi ko. Pinagiisipan ko pa. Hindi pa sure. Gusto ko lang e-share. So whatcha think? Pwede naba? hahahaha.
-EL
________________________________________________________________****
Kaya ayoko maging sobrang masaya eh kasi ang palaging kasunod nun sobrang kalungkutan!
Yung para kang inangat 1000 ft above the ground tapos bigla kanalang bibitawan.
Malakas yung impact pagkabagsak.
Wala kang laban. (_.___ )
Kakatapos lang ng klase namin at naglalakad na ako papunta sa cafeteria. Wednesday kasi ngayon. Eh nagkataon na nahiwalay ako sa ibang klase sa dalawang subject namin ngayong araw kaya hindi ko kaklase ang tatlo.
Kaya naman hanggang ngayon hindi ko parin nakikita at nakakausap si Ate Ben matapos ang nangyare nung isang araw sa gym.
Naiinis ako sa sarili ko!
Naiinis din ako sa mga taong nakapalibot sa akin.
AAAAAAARGGH!
Ako na ang masama! Ako na!
Baket kasi ganun?
Ako nanga yung tumutulong ! Ako pa yung nagmumukhang masama!
At ngayon galit sa akin si Ate Ben!
At pati na rin si Keipal..
AAAAAAHHHHH!
Nakakainis! Bakit ba nakokonsensya ako sa ginawa ko?!
Kasalanan naman niya yun eh!
Masyadong sawsawero!
Tyaka.. tyaka..
Hindi ko naman siya masisigawan ng ganun kung hindi niya ako pinigilan!
Ayun tuloy..
Sakanya ko nailabas lahat ng inis at frustrations ko nun!
Haaaaaaaay.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko namalayan nasa loob napala ako ng cafeteria.
Agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin ang tatlo.
Nang Makita ko sila at akmang lalapitan na ay nagtama ang tingin namin ni Ate Ben.
Nginitian ko siya at kinawayan.
Pero iniwasan niya lang ako ng tingin sabay kinuha yung mga gamit niya at tumayo.
Sumunod naman yung dalawa.
“Guys! Saan kayo pupunta?” Tanong ko ng makalapit sa kanila.
Nagkatinginan si Katy at Heart sabay awkward na ngumiti sa akin.
Malamang alam na nila ang nangyare. (__.____ )
“Uhh hello demi!”- Heart *_*
“Oy bakla! May quiz kasi kami sa zoology namin! Ehh alam mo naman na hindi tayo magkaklase dun kasi ang prof naming eh si Mrs. Solidad tapos sayo si Sir Santos! Hehe”- Katy *_*
Tiningnan ko si Ate Ben. Pero umiwas ulit siya ng tingin.
Haaaaay.
Pinilit ko ang sarili ko na ngitian sila. “Ahh ganoon ba? Sige goodluck sa quiz.. kakaen nalang ako dito. Ngayon.. mag-isa lang.. walang kasama.. sige”

BINABASA MO ANG
FINDING OP (ON-HOLD)
RomanceOPERATOR. Bukod sa pag ooperate ng facebook at twitter account ng mga fictional characters. Saan mo paba sila mahahagilap. Kung ang tanging alam mo lang sa kanya ay ang code name niya. Paano mo nga ba siya mahahanap? Tara't ating samahan si Demi sa...