Finding 17

41 2 0
                                    

A/N:

Hello bluerkendall para sayo ang update na ito :)

___________________________________________________________*******

“Keifer I…I like you”

Agad akong napatakip ng bibig para mapigilan ko ang pag gasp. AAAAAAHHHH!

Anong sabe niya? I Like You?! May ghad- Teka nga! Bakit ang OA ko makareact? Eh ano naman kung may nagkakagusto sakanya? Psh as if I care noh?

Dinikit ko ulit yung teynga ko at pinakinggan sila.

Ang tagal nilang nanahimik. Baka wala na sila dun? Nang akmang bubuksan ko na ang pntuan ay agad din akong napatigil ng marinig kong may nagsalita.

Si Keipal.

“Sorry. I. Don’t. Like. You”

Sabi niya na ine emphasize ang bawat word na sinabe.

Ay grabe! Ang straight to the point naman nito magsalita! Walang puso!

Nakarinig ako ng pag hikbi. Hala! Umiiyak yung babae. Tsk tsk. Kawawa naman. 

Ang sama pala ng ugali ng damulag na to.

Hmmm.

Naisip ko tuloy. Hindi ko pa pala masyadong kilala tong si Keipal.

Ang alam ko lang sa kanya ay isa siyang second year at irregular student sa kursong chemical engineering. At isa siyang damulag.

Hindi ko alam isa din pala tong heart breaker!

Naalala ko tuloy yung kanta ni GD. You’re my heart heart heart heart breaker! Hihi napapakanta tuloy ako. *u*

Nagising ako mula sa pagdday dream kay GD ng marinig kong may nagsalita.

“Pwede kanang lumabas”

O__________O

Napapigil ako sa pag hinga.

Anong sabe niya?!

Don’t tell me kanina niya pa alam na nandito ako-

AAAAAAAAAAHHHHH!

Napasigaw ako ng biglang bumukas ang pintuang sinasandalan ko. Kaya naman ay natumba ako mula sa pagkakasandal.

Pagkatingala ko nakita ko si Damulag na seryosong nakatingin sa akin.

Psh. Nakakainis.

Baket ba ang seryoso nito? Hindi ako sanay! Amp.

Pinagpagan ko ang palda ko at tumayo na ng maayos.

“Anong ginagawa mo diyan?”

Tanong niya kaya naman agad akong napatingin sa kanya.

Napakagat ako sa labi ko. Err. Ano bang sasabihin ko? Tss. Baket ba siya nagtatanong? Hindi naman kami bate! >__>

“Kung iniisip mo na nakikinig ako sa pinagusapan niyo nung babaeng nagconfess sayo at nireject mo pwes nagkakamali ka! Dahil hindi ko sinasadya yun! Nagkataon lang na pumasok ako sa loob ng storage room nang pumunta kayo ditto! Nauna ako sa inyo ditto!Amp”-Tuloy tuloy kong sabi.

Makakalusot naba yun? Teka bakit pakiramdam ko isa akong elementary student na nahuling nangongopya sa katabi! Nakakainis! 

Tiningnan ko siya ng masama. Pero nagulat ako ng Makita ko siyang nakangiti. 

“Oy anong nginingiti ngiti mo diyan?! Pinagtatawanan mo ba ako ha!” Sigaw ko.

Umiling siya sabay naka ngiti parin.

FINDING OP (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon