A/N:
Hello Ate Smargott! Para sayo ang chappy na ito! Yung pasalubong ko ha? Gusto ko yung standee ni Xiumin or Chanyeol ! <3 HAHAHA
Anyways! Maikli lang and UD na ito. Ahohoho.
-El
****
“So kaya ka nagsskip ng meal dahil sa sinabi niya?!” Hindi ko makapaniwalang sabi kay Ate Ben.
Ngayon lang ako naka encounter ng ganitong klaseng babae. Nakakaloka tong si Ate Ben! Lahat gagawin niya porket sinabe lang nung crush niya?! OHMAYGII. Kaya pala siya nagddiet at binubusog nalang niya ang sarili niya sa pineapple ay dahil sa sinabi nung Mark nay un!
Medyo chubby kasi tong si Ate Ben. Hindi naman siya mataba talaga. Sadyang hindi lang siya skinny. Pero nung umamin siya dun sa hudas na Mark nay un na crush niya. Ay sinabihan siya ng “Sorry I don’t do Chubbies” AAAARGGH! Ang kapal ng mukha! Akala mo kung sinong may Abss! Excuse me! Hindi ako dadaan! Kahit naman chubby tong si Ate Ben ay pretty naman to noh! Tyaka may dimples! Oo pinaglalaban ko talaga ang dimples ni Ate Ben! Dahil yun ang pinagkait sa akin ng Diyos! ~(T^T)
“ Oo” sabi ni Ate Ben habang naka yuko.
Andito kami ngayon sa isang Milk Tea Shop na hindi kalayuan sa school namin. Nawindang kasi ako ng Makita kong umiiyak si Ate Ben kaya naman kesa umuwi sinamahan ko muna siya ditto at para narin maglabas siya ng sama ng loob. Masama yung nagkikimkim nun. Madali kang tatanda at magkakawrinkles! >.<
“Don’t tell me crush mo parin siya hanggang ngayon?!” Naghhyperventilate na sabi ko kay Ate Ben. Nakakaloka!
Medyo umiwas siya ng tingin sabay namula ang mukha niya.POSITIVE!
“OW MAY GHAAAD!” sabi ko sabay hampas sa noo ko. Grabe totoo pala talaga yung kasabihan. Na kung sino pa yung mga matatalino siya pa yung mga bobo pagdating sa pag-ibig! At andito sa harapan ko ang isang patunay dun!
“Sinubukan ko naman siyang kalimutan eh..kaya lang”
“KAYA LANG ANO?!” nagwawala na ako. Ang sakit sa anit nitong si Ate Ben. Isang dakilang Masochista! Aiist. -_-
“Kinausap niya ako last week. Well. Actually hindi pala. Binate niya lang ako.” Saglit siyang tumigil at hinawakan ang mukha niya na parang nahihiya. “sabi niya sumesexy daw ako!” at tuluyan na siyang nagtakip ng mukha na parang kinikiliti. -________-+
Please pakiremind ako na mas matanda sa akin si Ate Ben! Baka mabatukan ko na to eh!
“FUSHA PINK! Naniwala ka naman?!” Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
“B-bakit hindi ba totoo?” Nagpout siya. OMAYGHAD. -_- “
Hinilot ko ang sintido ko. Ahh! Naiistress ang beauty ko ditto kay Ate Ben! Saglit akong nanahimik bago muling nagsalita. “Anong plano mo?”
BIgla na naman siyang yumuko sabay nagbuntong hininga. “Hindi ko alam….”
“Kailangan ko ng umuwi” seryoso kong sabi sakanya na agad naman kumuha ng attensyon niya.
“Demi..sorry” sabi niya sabay yumuko ulit.
Pinat ko siya sa balikat bago nagsalita. “Sabihin mo yan sa sarili mo Ate Ben..” nailing kong sabi.
“Matalino ka Ate Ben. Alam kong alam mo na ang dapat mong gawin. Ayokong pakealaman ang desisyon mo. Pero bilang isang kaibigan concerned ako sa nararamdaman mo.” Sabi ko sakanya bago tuluyan lumabas ng Shop.
Nang nasa labas na ako ay pumakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.
“Haaaaaaaaaaay”
“Lalim nun ah”
.__________.
O________O
Agad akong napatingin sa nakatayo sa gilid ng shop. -___-+ Ano na naman ang ginagawa niya dito? -.-
“Hoy Damulag! Stalker ba kita?!” Sigaw ko sakanya. Para kasing kabute! Bigla nalang sumusulpot. Tss
“Haha Feeler much?” sabi niya habang nakangiti. Punitin ko bibig nito eh.
Inirapan ko lang siya at sinimulan ko ng maglakad. Wala akong energy para makipag away sa kanya ngayon. Naiistress ako kay Ate Ben. Haaay.
“Problema?”
Hindi ko napansin na nakisabay pala siya sa akin sa paglalakad.
“Madami. Gusto mo bigyan kita?” sabi ko sakanya ng hindi siya tinitingnan. Ang kulit ng genes nito eh. Hindi maka ramdam na Ayaw ko ang Presensya niya! Grr.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. “Basta ba gagaan na ang loob mo pagkatapos”
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Ang kulit eh. “Pwede ba ! Pagod ako! Gusto ko ng umuwi!” Sigaw ko sakanya.
Nakangiti parin siya sa akin. “Okay hatid na kita. Tutal naman ma-“
“Thanks. But NO Thanks” sabi ko sabay maglalakad na sana ako ulit ng bigla naman niyang hawakan ang ulo ko. Yung parang nilagay niya lang yung kamay niya sa tuktok ng ulo ko. Fusha. Ang bigat ha!
Tumingin ako sakanya ng masama “ANO BA-“ napatigil ako ng Makita ko ang seryoso niyang mukha.
Ngayon ko lang nakita yun. Ibang Iba sa itsura niyang palaging nakangiti.
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin kaya naman agad akong napa atras. Bigla naman siyang tumigil at seryoso paring naka tingin sa akin.
“Bakit ba palagi mo nalang ako tinutulak palayo?” sabi niya sabay nag buntong hininga siya at mabilis na nagbago ang kanyang expresyon. Ngayon ay nakangiti na siya. “Magiingat ka” Ginulo niya ang buhok ko sabay naglakad na palayo.
Habang nakatalikod siya at naglalakad palayo ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay at mabagal niyang kinaway bago siya tuluyang naglaho sa madilim na kalsada.
Kumurap kurap ako ng ilang beses.
V_______V
O_______O
V_______V
O_______O
ARRGGGH GINULO NIYA ANG BUHOK KO!
****
VOTE, COMMENT, SHARE, FOLLOW!
Please Support This Story! Thanks! :)
BINABASA MO ANG
FINDING OP (ON-HOLD)
RomanceOPERATOR. Bukod sa pag ooperate ng facebook at twitter account ng mga fictional characters. Saan mo paba sila mahahagilap. Kung ang tanging alam mo lang sa kanya ay ang code name niya. Paano mo nga ba siya mahahanap? Tara't ating samahan si Demi sa...