Finding 2

39 3 0
                                    

Habang naglalakad kami ng mga ka block mates ko sa hallway ng university na pinapasukan namin ay inilabas ko sakanila lahat ng pinagdadaanan ko simula pa kagabi.

“Kasi ba naman naghintay pa ako hanggang 2! Umasa ako na sana ako yung mananalo! Umasa akong makakausap ko si Star!” Pagrereklamo ko pa ng bigla akong batukan ni Katy ka block mate ko rin.

“ Makapagdrama ka naman diyan te! Teka nga para saan ba kasi yan?” sabi ni Katy. Magsasalita pa sana ako ng gatungan naman ni Heart ang tanong ni Katy. “Oo nga! Para saan bayan? Yayaman kaba diyan?”

Inirapan ko sila bago sumagot “Che! Mukha kayong pera! Hindi niyo ba naintindihan ang sinabi ko? Umasa ako eh! Alam niyo yun? Masakit kasi! Masakit ditto ohh” sabi ko sabay turo sa dibdib ko.

“Alin? Masakit likod mo?” sabi ni Heart. Tapos sumagot naman si Katy “Gaga! Dibdib yan! Hindi lang halata pag kay Demi ! WAHAHA!” sabi nila sabay tawa. Mga wala talagang puso!

“Oy tama nanga yan!” Saway ni Ate Ben. Siya kasi ang pinakamature and well pinakamatanda sa aming apat. “So Demi. Ano baying OP na sinasabi mo? Hindi ko maintindihan” sabi pa ni ate Ben.

Bago ako mag explain ay umupo muna kami sa upuan ditto sa canteen. Tutal meron pa naman kaming 1 hour break.

“Kasi ganito yan. You know wattpad?” tanong ko sakanila. Sabay sabay naman silang nagsitanguan. “Sa bawat stories may mga fictional characters dun diba?”

“Malamang alangan naman mga puno at halaman ang bida!” pamimilosopo ni Katy. Sarap fectusan ng gums!

Inirapan ko nalang siya kesa sagutin. “So para magmukha talagang makatotohanan ang mga FC or fictional characters. Yung ibang author’s ginagawan sila ng facebook account para kahit tapos na yung story updated parin yung mga fans and readers sa kung anong nangyayare sa fictional characters after the story” proud ko pang pag explain sa kanila.

“So anong connect ng OP na sinasabi mo?” tanong naman ni ate Ben.

“Ah! Oo nga kasi yung mga OP’s sila ang nagooperate ng facebook account ng fictional character nayun!” sabi ko pa sakanila habang nakangiti pero si Heart nakakunot naman ang kilay.

“Eh ano naman yung KT?  Andaming terms ha! Ang sakit sa anit!” reklamo pa ni Heart. Todo tango naman si Katy. Tandem talaga tong daalawa eh palaging magkasundo.

“Ah yun naman ang Katawang Tao or in short ang portrayer ng Fictional Character nay un para may ma imagine yung mga readers kung ano ang itsura ng characters habang nagbabasa sila!” sagot ko naman sa kanila.

“Ahh eh yung JV Dela Fuente ano naman yun? I mean sino yun?” Naguguluhang tanong ni Ate Ben.

“Kasi Ate Ben ganito yan. Yung Fictional Character si JV Dela Fuente. Yung Portrayer niya si Jonghoon ng FT. Island. Tapos yung OP naman si Star. Yun yung code name niya!” nakangiti kong sabi kay Ate Ben. Siya naman tumango tango pero si Heart at Katy ayun bastusan tong dalawa bigla nalang tumayo at umorder ng makakaen! Grr

Natapos na ang 1 hour break namin at hindi parin ako maka-move on sa nangyare kagabi. Bakit kasi ganun? Hay ang sakit! Hindi ko manlang narinig ang boses ni Star! Pumasok nalang ulit ako sa klase ng sawi at duguan ang puso. Choss! Duguan talaga?

Sa dalawang subject na tig 2 oras kada isa. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin lang sa bintana at isipin ang mga bagay bagay na related sa wattpad. OO ganun ako kabaliw dun. Nawawalan nanga akong time para makapag advance study eh. Haay.

Pagkatapos naman ng klase ay nagyaya pa sana sila Katy na mag Mcdo daw kami eh naalala ko na mag uupdate pala si Blackitty mamaya kaya nagpass muna ako. Sinabi ko nalang sakanila na may gagawin pa ako tyaka wala na akong pera pang Mcdo. Eh totoo naman talaga. Poorita ang lola mo.

Pagkauwi ko ng bahay ay langhap na langhap ko na agad ang simoy na dulot ng wifi. Chineck ko na agad yung mga updates sa twitter kung nagtweet ba si BlackKitty or Yung mga characters niya. Tapos yung FB naman kung nagstatus ba. Ganyan palagi ang ritual ko pagkapasok ko palang ng bahay. Partida di pa ako nagpapalit ng damit niyan!

Pagkacheck ko naman dun sa group naming na mga readers ni BlackKitty ay agad bumungad sa akin yung mga convo ng mga readers na nanalo at natawagan ni BlackKitty. BIgla ko naman naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Ang sakit! Bakit kailangan pa nila eh post! Hindi ba nila alam na habang nagsasaya sila miserable ang buhay ng ibang tao! Napaka unfair talaga! Huhu.

Habang tinotorture ko ang sarili ko sa pagbabasa sa convo na pinost ng mga maswerteng readers na sumali sa pacontest ni Blackkitty ay biglang nagpop up ang bagong message galling kay Mira.

Mira: Friend!

Me: oh?

Mira: Alam mo na yung chika? Mainit init pa to! ^_^

Napaisip naman ako sa nireply ni Mira. Grabe bilib na talaga ako sa antenna nitong babaeng to. Masyadong updated sa lahat ng bagay!

Me: Hindi pa. Ano bayan? Spill!

Mira: Kasi yung isang natawagan ni Blackkitty nirecord yung convo nila! Tapos in-upload sa Sound            Cloud! Pakinggan mo friend! Ang gwapo ng boses ni Star! Kumanta pa siya! <3 <3 <3

Agad naman akong nataranta sa sinabi ni Mira. Nagsalita si Star! Kumanta pa! Waaaaah! Mababaliw ako! Agad kong nireplyan si Mira at tinanong kung ano ang account nung nagupload sa SoundCloud.

Binigay naman niya yung account. Grabe nawindang ako sa number ng nakarinig na ng inupload na sound. Halos kumulang 2k na yung nakarinig at walang pang isang araw yan! Grabe talaga!

Habang pinapakinggan ko ang boses ni Star grabe. Nakakainlove! Nakaka-akit! Hindi ko na kaya feeling ko lalabas na yung puso ko sa katawan ko. OA na kung OA. Pero kasi ito talaga ang naramdaman ko nung pinapakinggan ko ang boses niya.

Me: Waaaaaaaah!asdfghjkl! Friend! Ang pogi ng boses! Bakit ba ayaw pa magpakita nitong si Star!

Mira: IKR. Natatakot siya baka kasi pag nakita ko yung picture niya gagayumahin ko siya. WAHAHAHAHA xD

Me: Subukan mo lang Friend! Ako mismo magpapakulam sayo!

Mira: Haha joke lang teh! Peace peace ^_^v

           Pero friend! Hindi kaya chaka tong si Star kaya ayaw magpakita?

P-panget? Kahit kalian simula ng madiscover ko tong facebook account ni JV Dela Cruz na in-ooperate ni Star hindi ko inisip kalian man na panget siya! Tyaka sa tuwing nakikita ko ang mga pictures ni Jonghoon feeling ko si Star yung nakikita ko! >//<

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Mira. Pero paano kaya? Pero kasi! Masyadong pogi ang boses niya! Nakakalinlove! Pero kung ganun nga-hay nobody’s perfect naman ha! Di bale nanga ang mahalaga mahal ko si Star. Crush ko si Jonghoon at pinagnanasahan ko si JV ! LOL.

Naghanap ako ng illegal na site na pwedeng makapagdownload ng sound sa SoundCloud kahit pa hindi ito downloadable sa SoundCloud. Matapos kong madownload yun ay agad ko na yung sinave sa phone ko.

Kinabit ko na ang earphones ko at pinatugtog ang nakaka akit na boses ni Star hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok at makatulog.

A/N:

Magsstart akong magdedic sa susunod na chappy! wahahaha kawawa naman yung ma d-dedic ko walang kamalay malay sa mga pinagagawa ko sa buhay. Para sa mga nalilito. Ang OP po dito ay si Star. Ang inooperate niya (Fictional Character) ay si JV. At ang portrayer ni JV ay si Jonghoon. Take note Portrayer ni JV. HINDI ni Star. Owkey? Pero pabayaan niyo na yang JV na yan. Ekek lang yan. Di siya important sa story. Si Star ang important! Dahil isa siyang Star! Ahohohoho.

-El

FINDING OP (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon