Finding 3

46 3 2
                                    

A/N:

I dedicate this 3rd chapter sa pinaka una kong follower! Hello kayethedreamer :D Haha sa lahat ng madedic ko. Wala silang kamalay malay sa pinagagawa ko! Pasensya na xD Pasasalamat ko nalang ito dahil sa pagfollow. Ahohoho.

-Hello i'm El :D (El with an E! )

________________________________***

“Chicken Burger Number 23!!” Sigaw ng babaeng nagtitinda sa cafeteria.

Agad namang tumayo si Heart at Katy. “Wait kukunin lang naming ang order namin!” Sabay nilang sabi bago tumakbo papunta sa nagtitinda.

“Magkasundo talaga ang dalawang yun” Biglang sabi ni Ate Ben kaya naman agad akong napalingon sa kanya.

“Oo nga eh parang pinagbiyak na tae. HAHA” natatawa ako habang nailing at tinatapos ang homework ko para sa sunod na subject namin. Hindi kasi ako nakagawa sa bahay ehh .T3T Buti nalang magkakaklase kaming apat sa majority ng subjects ko kaya pwede nila akong tulungan pag may hindi ako nagawang homeworks at activities. Ahoho.

“Hoy Demi. Bakit wala kana naman assignment? Bestfriends talaga kayo ni Cramming eh noh?” Sabi ni ate Ben habang umiinom ng pineapple juice. Diet “DAW” siya eh. Pagbigyan! Hahaha

Kumuha ulit ako ng panibagong yellow pad at muling nagsulat. Medyo mahaba haba pa kasi tong susulatin ko eh. Ajujuju. “ehh. I’m Busy! VERY busy!”

Nagulat naman ako ng bigla akong batuhin ng nakarolyong papel ni Ate Ben. “Busy! Busy saan? Sa Wattpad? Nako umayos ka Demi ha! Pa Banjing banjing kalang diyan! Ikaw din ang mahihirapan pagdating ng finals” Pangangaral ni Ate Ben.

Pumakawala ako ng buntong hininga ng saktong dumating ang Kinambal ng Tadhana. Si Heart at Katy.

“Oy Lalim nun ha? Broken ka?” - Heart.

“Gaga! Pag nagbuntong hininga broken agad? Di pwedeng wala munang pera?” – Katy

“Sabagay! May Tama ka Gurl! Angganda ko talaga! WAHAHAHA”- Heart

“HAHAHAHA Tama yan tawanan mo yang Joke mo! ”- Katy

“Oy anong Joke? Angganda ko kaya!”- Sabi ni Heart sabay upo sa tabi ko.

“Bastos! Kita ng madaming kumakain dito kapa nagkakalat ng nakakadiring salita! Dun ka sa C.R mas bagay dun ang ganda mo. WAHAHAHA”- Katy

“HAHAHAARD!”  Nakitawa narin kami sa sinabi ni Katy. Siraulo talaga to. Kawawang Heart. Tsk tsk. Bagay lang sakanya. Wahahaha. Baet ko ba? Di naman.

Nang matapos ko na ang ginagawa kong home work ay tumayo na kami para lumabas na ng cafeteria. Nauna ng umalis si Heart at Katy kasi nakita nila ang crush nila sa engineering. Kaya ayun sinundan nila Mga baliw na stalker talaga -_-

Dala dala ko ang dalawang makapal na libro ng algebra at physics, Iilang mga hand outs at ang yellow pad na pinagsulatan ko ng homeworks kanina at ilang notebook ko. Dahil iniwan nila ako at si Ate Ben naman eh nag-cr kanina. Naimpatso ata. Pano ba naman puro nalang pineapple juice ang iniinom. Hindi ko panga yan nakikitang kumaen ng rice simula nung Monday. -_- 

Habang naglalakad ako sa makipot na exit ng cafeteria. Nakakainis kasi bakit ang liit ng daanan sa exit! Yung totoo ayaw ba nilang magpalabas? Nakakasora. Nagulat nalang ako ng biglang may bumunggo sakin.

“AY- ANO BA YAN?! MAGDAHAN DAHAN KA NAMAN OH!” Sigaw ko sabay pulot ng mga nalalaglag na libro. Arggh. Andami pa naman nito. Bwisit kasi tong bumunggo sakin! Sa exit kasi pumasok kaya nagkabungguan kami -_- Hindi ba uso sakanya ang entrance? Tsk.

“Ay sorry miss!” Hingi niya ng paumanhin. Hindi ko na siya pinansin pero nagulat ako ng bigla siyang yumuko sabay pulot ng mga nalaglag kong libro.

“Baket ka kasi dito sa exit pumasok kuya!” nakakunot na kilay kong sabi. Baka malate na ako! Kainis!

Nang matapos na naming pulutin ang nagkalat na gamit ko ay tumayo na ako. Sumunod naman siya. “ Sorry miss. Hindi ko nakita ang exit sign eh. Bago lang kasi ako dito. Pasensya na” Sabi niya pa.

 Ahh bago lang pala! Hindi niya kasi sinabi agad. Tumango nalang ako ng hindi parin siya tinitingnan at tuluyan na akong naglakad papunta sa room namin.

Saktong pagpasok ko ay kakapasok lang din ng professor namin. Buti nalang may sariling mundo yung prof namin. Yung tipong parang white board lang ang kausap niya. Kaya naman nakaupo ako sa upuan ko ng tahimik at mapayapang nakinig sa nakakaingganyong lesson namin.

Djoke lang. Nagdrawing lang ako ng kung ano ano sa likod ng notebook ko. Ang boring kasi magturo ng prof namin. Tsk. Sana nagbibigay nalang siya ng hand outs at wag na siya pumasok sa klase. Sayang lang effort niya wala naming nakikinig. -___-+

 _________________________________________________________________

(Pagkauwi sa Bahay)

Nagulat ako ng biglang may tumunog. Yung tunog pag may nagchat sayo sa facebook. Nanunuod kasi ako ng mga music videos ng 2ne1. Gaaah. Ang ganda nga ni Dara! At ang astig ni CL. Hart hart.

Mira: Friend!

Me: Oh friend? May bagong chika ka diyan?

Mira: HAHAHA! Pano mo nalaman? xD

Me: Syempre ako pa! Ano bayun?

Mira: Taga Cavite ka diba?

Huh? Bakit kaya.

Me: Oo friend. Bat mo natanong? Tyaka ano bayang ch-chika mo hah?

Mira: Kalma kalang! Saan sa Cavite? Alam mo ba yung Blue Gate University?

Me: Sa Dasma. Oo malapit lang ako diyan. Teka nga bat mo ba tinatanong yan? Tyaka ano ba kasi yang ch-chika mo?! Nawiwindang ang beauty ko sayo! xD

Bakit niya ba tinatanong ang school nay un? Tsk.

Mira:  OMAYGIII! Ikaw na teh! Ikaw na talaga! Waaaah! I’m so inggit! Bakit kasi taka Davao pa ako?! Ahuhu.

Ahh oo. Taga Davao pala tong si Mira.Nakilala ko siya sa isang wattpad meetup. Nakakaloka nga eh. Dumayo pa talaga siya ditto sa Manila para lang sumama ng meet up! Kaloka Siya na ang rich kid!

Me:  Teka nga! Kumalma ka muna! Ano ba kasing connect ng chika mo diyan sa tinatanong mo sa akin?

Mira:  Kasi nga! Dun nag-aaral si Star! 

FINDING OP (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon