A/N:
Hello kay mitch21_chachi ! Para sayo ang chapter na ito! :)
Nagd-dedicate po ako. Follow then PM me! Don't worry hindi po ako madamot sa updates. At hindi din po ako humihingi ng specific number of votes and comments para lang mag update. Pansin niyo naman diba? Wala pang 1 week tong FOP pero may 12 chapters na sya.
(Sa Side po si Demi! Pretty nya diba? Mana sa akin! hahaha. Anyways. Sa mga nakakakilala kung sino ang portrayer niya. PLEASE. Quiet lang tayo ha? :""> )
-EL
_____________________________________________________________***
Nandito ako ngayon sa isang sikat sa fast food chain na malapit lang sa campus ng BGU. Ang sabi kasi sa akin ni Mira. Palagi daw tumatambay dito si Star. Kaya naman nagbabakasakali ako na Makita ko siya dito.
Nakakaloka ilang araw ko narin siyang hinahanap. Ang hirap lang kasi wala na akong ibang lead! Kung sana alam ko rin ang course na kinukuha niya para naman matanong ko sa ilang estudyante na nag-aaral sa BGU. Pero wala!
Para lang akong kumakapa sa dilim. Hindi ko alam kong may patutunguhan ba tong paghahanap ko.o baka naman wala talaga. Haiist.
Nangangalahati na tong large sundae na kinakaen ko. Pati narin tong large fries na in order ko. Gusto ko kasi na sinasawasaw yung fries sa sundae! Weird daw pero masarap kaya! *u*
Habang kinakaen ko yung fries at sundae ko ay pasimple din akong nagmamasid sa mga taong tumatambay dito sa loob ng fast food. Pati narin sa bawat taong papasok at lalabas. Mahirap na baka malingat ako at hindi ko mapansin na naandito pala si Star!
Nang marinig ko ang bell sa may entrance ay agad akong napatingin. Pumasok ang isang lalake at babae. Mula baba pataas ang tingin ko. Hmm. Long legged yung lalake. Yung babae naman..hmm sexy! Ang liit ng waist line! Argg nakakainis! Bigla tuloy akong napahawak sa not so baby fats ko! Kainis! Bakit ang unfair ng mundo?!
Napako ang tingin ko sa shirt ng lalake. Bakat na bakat yung. Umm. Abssss ohhh! And the chest! Oooh lala! *u* Napatingin naman ako dun sa babae! Tsk! Siya na! Nasakanya na ang lahat! Siya na ang may malusog na hinaharap! Kainis! Napayuko naman ako at tiningnan ang aking cute little mini at lahat na ng term ng maliit na hinaharap. Urgg.
Iisipin ko nasanang isang perfect couple tong dalawang to eh! Nagkatalo lang sa mukha! BWAHAHAHA! Ang saklap! Ayoko nang manlaet-pero pfft HAHAHAHA! Yung itsura ng lalake! Hahaha tapos yung babae! HAHAHAHAHA! Nobody’s perfect nga naman.
“Ang saya natin ha?”
Nalunok ko bigla ang fries na kinakaen ko. Nagluluha na ang mga mata ko at halos mamula na ang mukha ko ng maramdaman kong bumara iyon sa lalamunan ko.Waaaaaah! Tubig! Tubig! Tubig!
“Oy okay kalang?! Teka teka kukuha ako ng tubig!”
Agad kong kinuha ang tubig na inabot niya sakin at tuloy tuloy ko yung ininom. Tapos tinaas ko ang dalawang kamay ko sabay tumingala. Ang sabi kasi sa amin nung isang science teacher ko noong high school ako na pag nabilaukan daw gawin yun para bumaba yung pagkaen na bumara sa lalamunan. Kaya naman ginawa ko.
Napatigil ako sa ginagawa kong pagtaas ng kamay ko ng marinig kong may tumatawa sa di kalayuan sa akin. Agad akong tumingin sa hampas lupang tumatawa sa paghihirap ko.
“Hoy Damulag! Anong tinatawa tawa mo diyan?! Kita mong nabilaukan ako dito eh! Siguro sinasadya mo yun ano?!” sabi ko sakanya sabay hampas sa braso niya. Arggghh! Damulag! Halimaw!
“Ah-ARAY! Oy Medi wag mo nga ako hampasin! Masakit-owww” sigaw niya ng hampasin ko siya sa ulo. Yan buti nga sayo! Tss! Tawa tawa ka pa huh!
Tiningnan ko siya ng masama habang hinihimas niya yung ulo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/15420143-288-k409872.jpg)
BINABASA MO ANG
FINDING OP (ON-HOLD)
RomanceOPERATOR. Bukod sa pag ooperate ng facebook at twitter account ng mga fictional characters. Saan mo paba sila mahahagilap. Kung ang tanging alam mo lang sa kanya ay ang code name niya. Paano mo nga ba siya mahahanap? Tara't ating samahan si Demi sa...