Jessey
Despite what happened di naman kami nagka-ilangan, we became closer pa nga eh. Pero di na naulit yun, cause we both know it's not what friends do, we don't consider it as a mistake though. But if it was a mistake it's the kind I'm willing to do all over again haha kidding :)
Di ko lang alam kung nashare nya to kay Carol, they have this motto "Friends share secrets" kind of thing so di na ko magtataka.
Carol
Time flies sabi nga nila, yayayy biro mo yun 3rd year na kami :)
kakabalik ko lang from vacation, tumawag ako sa house nila Mikuy, mom nya nakasagot andun daw sya so hello Bulacan :D
Di alam ni Mika na darating ako, wala surprise surprise lang. Hapon na ng makarating ako sakanila, pagpasok ko sa room nya tulog sya. Tagal naman magising, una umupo muna ko sa bed nya gang di ko namalayan nakatulog na din ako.
Mika
SemBreak :) Pag bakasyon ang usapan, tulog agad ang naiisip ko. Sakto naman paggumigising ako dinner na :) Kamusta na kaya si bf? Namimiss ko na sya. Nasa Batanes sila ngayon may project dad nya dun eh. Si Carol naman, oo nga noh bat di pa rin nagpaparamdam yung babaeng yun kahapon pa balik nya ah. Babangon na dapat ako ng may mapansin akong paa. "WAAAAHHH MULTOOO" napatalon ako sa kama, "CAROL? Sabi ko magparamdam as in text wag mo ko multuhin parang awa mo na" pumikit ako baka namalikmata lang ako kagigising ko lang kasi, pagmulat ko andun pa din, tas gumalaw sya, so totoong si Carol to? Nilipitan ko langya sya nga -_- gigisingin ko sana kaso ang sarap ng tulog nya napagod siguro. Ang ganda nya,, yun lang bawal purihin feel na feel na naman nya eh. Habang tinititigan ko sya naalala ko si bf, biglang mukha na nya yung naiimagine ko, kung ganu kalapit yung mga mukha namin bago nangyari yung kiss. Teka bat ko ba iniisip yun. Erase erase. Hinayaan ko muna sya matulog dun at lumabas na ko.
Carol
Sabay na kami bumalik ng Manila ni Mika. Pupuntahan ko ngayon yung kambal magpapatulong kasi ko :)
Okay si Cienne lang ang tutulong sakin, "surprise?" "oo, sige na please, I need your help" "sige, pero wag na si Camille, ako na lang wag mo na lang ding sabihin sakanya" "okay, bakit?" "basta".
Jessey
Dahil Homecoming nila Carol at kami naman may Masquerade Ball, fund raising ng Senior Class di sana ko pupunta kaso mapilit si bf, kaya ayun nagkita-kita kami para maghanap at bumili ng isusuot namin. Magkasama si bf at Carol nagbubulungan at nagtatawanan. Masakit sa mata, sa puso, pero idk I just can't look away. Nalaman kong nagpunta si Carol kela bf, parang mas close sila ngayon close na sila dati pero iba ngayon hayy Napansin kong nakatingin din si Camille sakanila kaya nilapitan ko sya.
Jessey: nakapili ka na Camille? :)
Camille: ah? Di pa nga eh, kaw?
Jessey: iba naman kasi tinitignan mo :)
Camille: ha?
Jessey: ito bagay sayo to :)
Camille: Jessey
Jessey: hmm?
Camille: matagal mo na kaibigan si Mika di ba?
Jessey: oo, bakit?
Camille: sa tingin mo may pag-asa bang magkagusto sya kay Carol?
Jessey: Cams, are you?
Cienne: kambal, tignan mo nga to kung bagay sakin
Camille: oo andyan na. sige Jessey :) ah nga pala kalimutan mo na lang yung sinabi ko
Jessey
Kalimutan? Dahil dun napaisip din ako, di nga malayong magkagustuhan sila. I mean look at them, they fit perfectly. Kung kelan nabigyan ako ng pag-asa na baka may chance kami bigla namang ganto :(
Carol
Mahirap magkagusto sa kaibigan kelangan mo talgang sumugal. Pag nagtapat ka at di mutual yung feeling talo ka na nga pati pagkakaibigan nyo pwede pang mawala, pag di ka naman nagtapat talo ka pa din dahil yung taong mahalaga sayo mapupunta sa iba. Pero pag sa tingin mo may pag-asa, syempre ibang usapan na yun. Itataya mo lahat para dun. :)
===
Jessey
Di naman talga ko mahilig sa mga ganto, pero pag di ako umattend baka maya may iba pang magyaya kay bf andami pa namang nagkakagusto sakanya sa school o ihanap pa ni tita ng escort nya o baka kay Carol pa magpasama. Ewan ko ba sakanya bat atat na atat na umattend, di naman sya mahilig sa mga ganto, baka may gusto sya makita 3
Mika: ganda ng mask mo ah :D
Jessey: ang sama mo
Mika: bakit? Haha maganda naman talga
Jessey: eh di pa naman ako nakamask hmp
Mika: kaya nga maganda eh :)
Shit pakilig naman tong si bf :') wag ganyan please
Mika: wala pa ko ginagawa kinikilig ka na :P
Jessey: kapal
Bigla kami nagkatitigan, God I could stare at her forever I won't mind. Ngumiti pa sya, ano ba yan matutunaw na ko :')
Pagdating namin dun ay nagpicture picture kami gaya ng bilin ni mom. Napansin ko ding tingin ng tingin sa orasan si bf, may inaantay kaya sya? Biglang may nagtext sakanya at ang ganda ng ngiti nya tsaka sya lumapit sakin.
Mika: let's go
Jessey: where?
Mika: home
Pagsakay ko sa kotse sinara ni bf yung pinto, hindi sya sumakay sabi nya may pupuntahan pa sya at umalis na. Di ko alam mararamdaman ko, di ko namalayan umiiyak na pala ko. Pinilit nyang pumunta kami dito tapos papauwiin lang pala ko? Edi sana di na lang ako pumunta, bababa na sana ako babalik sa party kaso pinigilan ako ng driver nasabi na daw nya kina mommy na uuwi na kami. Kaya ipinikit ko na lang. paano ako nagawang iwan ni bf :(
Mika
Antagal naman ng text ni Carol. Ayan nagtext na, pupunta na ko dun. Ayoko namang iwan si bf, pero kelangan eh. Kitang-kita ko yung lungkot sa mga mata nya, sorry bf :(
Carol
Hay nakakapagod. Sa wakas natapos din.
Cienne: Malaki talent fee ko dito ha, grabe kapagod
Carol: haha oo naman, salamat Cienne ha
Cienne: no problemo :) Carol?
Carol: oh?
Cienne: bat mo ginagawa to?
Biglang dumating si Mika :) at niyakap ako
Jessey
Pauwi na kami ng biglang tumawag si Mika, pinapapunta nya ko kina Carol, halata sa boses nya yung saya. "Please bf, I really need you here :)" siguro nagtapat na to sakanya. Who am I, right? To say no, to the one I love. If only she knew. If only I have the courage to tell her how I feel about her. I'm such a chicken shit, now I have to pay the price of my cowardice, to watch the one I love loving someone else.
===
UNKNOWN
I realize you don't have to be in a relationship with someone to love them. Sometimes it's better to love them from a far, it's not because I'm afraid that they might not love me back (or maybe I am lol), but no I just want to have control with my own fate. We didn't become a thing because I choose to, because I didn't try. But I don't regret anything, I mean look at her look how happy she is and that is all that matters.
===
BINABASA MO ANG
Crossing the Line
FanfictionWhat will happen when you're on your way to being best friends forever and suddenly you decided to make a detour?