Chapter Eleven

9.6K 238 5
                                    

Chapter XI

"MOMMY, don't cry" napalingon siya sa anak na si Huffle ng yakapin siya nito mula sa likuran. "Uuwi din po yun sila Kuya, hindi naman po kayo matitiis nun"

Humarap siya sa anak at sinuklay ang buhok nito. "I'm okay, baby" she managed to smile at her.

"Mommy, is it true that you cheated on their Daddy?" Tanong ni Huffle sa kanya, hinila niya ang anak hanggang sa sofa at doon pinaupo.

Inipit niya ang hibla ng buhok sa likuran ng tenga nito at inangat ang baba. "He's your Daddy too, Huffle. Iisa lang kayo ng Daddy, I never cheated on him. Hindi ko gagawin sa inyong magkakapatid iyon!"

Alam naman ni Huffle na hindi niya totong ama si Tristan pero, "Hindi ko siya Daddy, si Papa Tristan lang ang Daddy ko" she cried.

"Anak.."

"He didn't remember me, Mommy" dagdag nito. "Bakit po hindi niya ako natatandaan, does he hate me? Dahil po ba sa akin kaya siya umalis?"

Umiling si Maricar, this is what pains her the most. Wala ni isa sa anak niya ang may kasalanan, they should be spared from this.

"Anak, naaksidente si Daddy. Hindi ka pa pinapanganak sa taong naalala niya" paliwanag niya muli sa anak. "but I know, he loves you and your kuya's"

Hindi naman niya nanaisin na lumaki ito na may galit sa ama, maliban kay Raven na hindi na niya kontrolado ang pananaw.

"Mommy, can I ask for a favor?"

Nagtatakang tinignan niya ang anak. "Sure, Baby. What is it?"

"Please don't let him take us away, Mommy" tumulo muli ang mumunting luha sa mga mata nito. "Please, Mommy. Don't let him take any one of us"

Napasinghap si Maricar sa narinig sa anak. Kinabig niya ito sa dibdib at niyakap ng mahigpit.

"I won't, Huffle. I won't" bulong niya rito.

Hindi naman na kailangan sabihin iyon sa kanya dahil hindi naman niya gagawin ito.

Never, over my dead body.

"I love you, Mommy"

"I love you too, anak. Mahal na mahal ko kayo" nakatulog na ang anak sa kakaiyak ng lumabas siya ng silid nito.

It's already 10 P.M pero wala pa rin si Raven at Slyther sa bahay. Sinusubukan niyang tawagan ang panganay pero hindi ito sumasagot.

"Mommy?" Narinig niya ang tawag ng pangalawang anak mula sa silid nito. "Mommy"

"Gryffin, anak?" Nakita niya itong nagbabasa ng libro. "M-may kailangan ka ba?"

"Wala pa rin po ba si Kuya at Slyther?" Pumasok siya ng silid nito at umupo sa tabi ng anak. "Huwag po kayong magalala, My. Magiging maayos din po ang lahat"

Alam naman niya iyon. "Pasensya na kayo, anak" aniya sa anak. "Hindi ko naman ginustong ilihim sa inyo--"

"My" hinawakan nito ang kamay ng ina. "Naiintindihan ko po, wala naman po kayong dapat ihingi ng tawad"

"Hindi niyo dapat ito nararanasan, anak"

"Wala ka naman kasalanan, My" sambit ni Gryffin. "Sa lahat po ng nangyayari, hindi ikaw ang dapat sisihin"

"Anak, huwag kayong magtatanim ng sama ng loob sa Daddy niyo. Diba ang sabi ko--"

"Walang magandang patutunguhan ang pagtatanim ng galit sa puso" pagpapatuloy ni Gryffin.

Niyakap niya ang anak ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto. Natigilan siya ng makita ang anak na si Slyther, namumugto ang mga mata.

"Anak.." hindi makatingin ito sa kanya pagkuwa'y lumuhod ito sa harapan ng ina.

"Mommy" pinulupot nito ang bisig sa bewang ng ina. "I'm sorry.. I'm sorry.. I'm sorry"

Sinuklay niya ang bagsak nitong buhok. "Slyther.."

"Mommy, hindi ko po sinasadya" aniya "hindi ko po sinasadya. I'm sorry, Mommy"

Napalingon siya sa dambana ng pintuan at nakita ang panganay na anak. "S-sinabi na sa akin ni Kuya lahat, Mommy. I'm so sorry.."

Hindi na napigilan ni Maricar ang maluha, pumasok si Raven sa kwarto at tumabi sa ina. He wrapped his arm on her shoulder and embraced her tightly, habang si Slyther ay nasa paanan pa rin niya at nakapulupot ang kamay sa bewang niya. Nakiyakap na rin si Gryffin sa kanila, he don't mind his injury at all.

"Mahal na mahal ko kayo, anak" she said. "Mahal na mahal kayo ni Mommy"

"We love you too, Mom" hinalikan ni Raven ang ina sa sentido habang si Slyther ay hindi pa rin matigil sa pagiyak, inalo lang siya ni Maricar na parang isang batang nasugatan.

"Hindi ka namin iiwan,Mommy. Hindi kami sasama sa kanya"

~¤~¤~¤~¤~

"LET'S get straight to the business here, I'm Atty. Lawrence Francisco and I'm here to represent Mr.Dominic Delaverde"

Hindi kasama ni Maricar ang abugado dahil akala niya sila ni Dominic lang ang maguusap.

"Where's your client, Attorney? Tanong ni Maricar.

"He can't make it here but we could still proceed with this meeting" he gave her a wicked grin.

"But we have nothing to discuss, Atty.Francisco. My children have already chosen, hindi sila sasama sa ama nila" sambit ni Maricar.

He let out an evil chuckle. "But the law says otherwise" inabot nito ang papel sa kanya. "Petition for custody, Ms.Martinez"

Nilapag ni Maricar ang papel sa mesa, she can't believe this! Ang kapal naman ng mukha nito, they left him seven years ago and now he's asking for a custody?

"What kind of custody arrangement did he propose?"

"Legal custody--"

"Hindi ako papayag" sambit niya agad sa abugado nito.

Ano? Legal Custody ang hinihingi nito, alam ba niya ang iniisip niya? "Hindi niya na kilala ang mga anak namin, he's not even psychologicaly fit"

"That's why I'm here, Ms.Martinez" pagngisi nito.

Napabuntong hininga si Maricar, if this is what he wants then so be it. "Then, I'll see you in court, Atty.Francisco" tumayo na siya at kinuha ang papel na binigay nito.

"So what happened?" Tanong ni Maricris pagkapasok niya sa sasakyan. "Anong napagusapan ninyo?"

"Abugado niya ang nakausap ko, he didn't show up" she flatly said at napasapo sa sentido. "He wants to have a legal custody" nangigigil na sambit ni Maricar. "Ang kapal ng mukha niya"

Napabuntong hininga si Maricris at napahawak ng mahigpit sa manibela. "Bullshit.."

"Magsasayang lang siya ng pera, hindi niya makukuha ang mga anak ko" buong loob niyang sinabi.

❤❤❤

Author's Note: No flood updates for the meantime :) Just posted this one as a birthday gift for myself! ❤❤ Thank you sa mga new readers! God bless sa ating lahat :)

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon