Chapter Thirty-Four

6.4K 172 8
                                    

Chapter XXXIV

"HUWAG ka nga'ng maingay! Kundi babarilin kita!" Sigaw ng lalaki pagkuwa'y binatukan si Huffle.

Nagtangis ang bagang ni Slyther, "Don't you dare hurt her!"

"Bakit? anong gagawin mo?"

"Ano ba ang kailangan niyo sa amin?" tanong ni Abby, "Hindi naman kami mayaman, wala kayong mapapala!"

"Hindi mayaman pero may mga escort?" The man smirked, "pero huwag ka magalala, hindi naman pera ninyo ang habol ng boss namin"

"John" napalingon ang lalaki sa babaeng nakasuot ng puting office dress. "Leave us"

Tumango naman ang lalaki na kumakausap sa kanila kanina at lumabas na.

Nanatiling tahimik ang mga bata, walang balak na magsalita.

"Do you know the reason why are you here?" She asked, trying to sound gentle as possible. "Do you have any idea?"

Umiling naman sila, wala pa rin sumasagot. "I see" lumapit ito at pagkuwa'y lumuhod ng bahagya sa harapan ni Abby. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

"Don't you dare touch her" sabat ni Raven ng hawakan ang dalaga, "Don't you dare touch anyone of them"

Tumaas ang kilay nito pagkuwa'y ngumisi. "You must be Raven" she said, "I've heard many things about you"

"S-Sino ka ba?" Tanong naman ni Gryffin. "Wala naman kaming kaaway o kahit ano, we are clean. Hindi kami nagdrodroga"

Mas lalong lumakas ang halakhak nito, she's very impressed with these children. "Let me introduce myself... I'm your worst nightmare"

Napakunot ang noo nila, "You can call me Cora, and don't worry, hindi kayo ang may kasalanan sa akin kundi ang magulang ninyo"

"Anong kasalanan ni Mommy sa'yo?" Tanong naman ni Slyther, "She's innocent. Hindi gagawa ng masama ang Mommy namin!"

Bago pa siya makasagot sa sinabi ni Slyther ay pumasok si John, "Ma'am. Kailangan na natin umalis! May putukan"

Nagtangis ang bagang ni Cora, "Fuck. Take the girls!"

"No!" Sigaw ni Abby, "Bitawan mo ako!"

"Kuya!" Iyak ni Huffle, "Kuyaaaa!"

"Ako na lang!" sigaw ni Raven, "Ako na lang!"

Ngumisi si Cora, "I'm sorry, as much as I love the heroism but that ain't my plan" umalis na ito at iniwan silang tatlong magkakapatid.

"Kuya, what are we going to do?" Ani Slyther, "Baka saktan nila si Huffle at Abby"

Tahimik lang si Raven, tila nagiisip ng paraan.

"Slyther,try to move and reach for my tie. Dali!" sigaw naman ni Gryffin.

~¤~¤~

"Sumuko ka na, Corazon Javier!" Sigaw ng mga pulis na nakapalibot sa lugar kung saan dinala ang mga anak ni Maricar. "Napapaligiran ka na namin"

Halos hindi na makahinga si Maricar sa nangyayari. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa mga anak niya.

"Go ahead, shoot me or I'll kill these beautiful ladies" lumabas si Cora kasama si Huffle at Abby, they're both crying.

"Anak!" ngunit bago pa siya nakatakbo ay pinigilan siya ni Dominic. "Nasaan ang mga anak ko!"

"Maricar, calm down--"

"Don't you dare to tell me to calm down!" Tulak niya kay Dominic, "That's my children!"

"Anak ko rin sila!"

Once a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon